Kabanata 32

309K 7.9K 997
                                        

Maki Say's:


-(Heather---HEDER with a 'th')

-Walang PAng story ang Rab at Brie, wala silang side story. Pasulpot sulpot lang sila sa TBBS

-Wala PAng story ang Sam at Gilad.


So far they are still support characters here in TBBS. Mas gusto ko ang buong libro para sa kanila pero hindi ko yon maisasabay ngayon :) Sa lahat ng tanong na paulit ulit. WALA PA. WALA PA talaga.


So don't.

"Twin!" Nakangiting sinalubong nung babae si Gaelan sabay yakap ng mahigpit dito, napalunok ako.

This is just fine right? It is just a hug.

Gulat ang mukha ni Gaelan sa ginawa nung babae pero hindi sya nagsalita. Unti unting humiwalay ang babae sa pagkakayakap pero puno pa din ng kumpiyansa ang kanyang ngiti.

"Hanggang ngayon ay nagtatampo ka pa din sa akin?" Bahagyang tinapik ng babae ang balikat ni Gaelan na parang naging estatwa na lang dahil sa pangyayari.

"Sabi ko naman sayo, babalik ako kapag nag18 na ako. Here I am." Nilahad pa ng babae ang kanyang mga kamay. "Huy, magsalita ka naman."

Kinailangan ko pang sikuhin ang tagiliran ni Gaelan bago muling kumilos.

"I-Im glad you are back." Mahinang sabi ni Gaelan.

"You are glad pero parang labas sa ilong. Nakita ko na sina Yuki at Kiro, sayang at hindi pala pumapasok sa klase ang mga iyon. Mabuti at nandito ka. Tingin ko ay magiging magkaklase tayo."

Nanatili lang akong nakatayo at nakikinig sa kanilang usapan. Nakakakuha na ng atensyon si Gaelan at ang babae kaya nakaramdam ako ng pagkailang. Tumuwid ako at inalog ng kaunti ang braso ni Gaelan.

"Papasok na ako." I said, sabay lakad patalikod. Hindi kumibo si Gaelan, narinig nya kaya ako?

"Tabs.." Nakalayo na ako ng tawagin akong muli ni Gaelan. "Tabs.."

Lumingon ako. Hindi ko pa din tiyak kung lalapit ako pero tumango sa akin si Gaelan kaya humakbang ako pabalik. "This is Heather. Kaibigan namin ni Yuki at Kiro nung bata kami. Heather, this is Maria. Girlfriend ko."

'What? For real? Like, sila na ulit?'

'On and off and on and off...'

'AND ON.'

Nagsimula na naman ang parang bubuyog na bulungan ng mga kaklase ko. Gaya ng dati, ni hindi ko man lang tinapunan ng tingin. Lumapad ang ngiti ni Heather at tiningnan akong mabuti pagkatapos lumipat ang mga mata nya kay Gaelan.

"Binata ka na ah! Hello! Ako si Heather. Nung bata pa kami madalas kaming napagkakamalang kambal ni Gaelan." Kwento nito. Malakas ang boses nya pero malambing, bumagay sa maamo nyang mukha ang kanyang tono.

"Mukha ka kasing lalaki non." Umangat ang gilid ng labi ni Gaelan at mukhang nangingiti na.

"Ay grabe sya! Kambal si Yuki at Kiro and secret mo na gusto mong magkaroon ng kakambal kaya sinabi ko sayo na ako na lang ang kakambal mo! Nagpagupit pa ako ng buhok non para sayo." Si Heather.

Natawa na ng tuluyan si Gaelan.

"Kinarir ko ang pagiging bestfriend sayo hindi ba? Kaya bati mo na ako, Gaelan! Alam mo namang nung 7 years old ako, umaasa lang ako sa pakain ng magulang ko, paano kita pipiliin noong nagmigrate kami sa States?" Kinuha ni Heather ang braso ni Gaelan at humilig dito. Gaelan laughed again.

THE BAD BOY'S  SLAVEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon