Maki Say's: First and foremost. Wala pang story ang SALAD. Aksidenteng nalikha lang sila habang nagsisimula ang The Bad Boy's Slave 😂 Pero aking pinag-iisipan bilang mga ganern naman talaga ang genre ko.. Ang TBBS ay isang eksperimento. Gusto ko lang asarin ang sarili ko isang araw na naiinip ako. Nung time na nabwisit ako sa ayaw sa Touch Me Again kasi 'hindi na daw maintindihan'. Eh kasalanan ko ba na ganon ang tema ko. Kalerky.. Romance writer / Mature Content talaga ang laman ng stories ko tapos may mga bagets na napadpad sa TMA tapos ako pa ang mali?!Sabi ko, makagawa nga ng plot na pambata. Haha Tapos aba, aba, aba! Pati ang mga audience kong forever 21 kagaya ko, sinubaybayan na din pero sorry at hindi ko talaga mapapanindigan ang teen fiction kung walang lesson of the day mula kay Maria. #TularanSiMaria
Maraming Salamat sa suporta! ❤️🙂
Bully.
"And whatever it is, Gaelan's wrong. Ipanalangin na lang natin na wag syang maexpel." Matatag ang boses ni Selene habang nakahawak sa siko ko.
"That is what Yuki and Kiro are doing, pero alam nyo naman si Master Yushima. Ayaw non na mababahiran ang Keio ng eskandalo. Kahit pa hindi iyon totoo." Napapailing na sambit ni Zeus habang tinitingnan ako ng makahulugan.
Si Master Fukuda Yushima ang mayari ng Keio University. Siya ang lolo ni Kiro at Yuki kaya mayroong special grant ang Yukan'na. But despite that special grant, nabanggit ni Selene na mas mabigat ang responsibilidad ng Yukan'na dahil under sila ng special training, they have to be the best in what they do because they will be the highest paid agents in the future. Yukan'na group finances Keio University and its businesses.
"Selene.. Ano ba talaga ang nangyayari?" Bulong ko kay Selene habang naglalakad kami papunta sa Dean's office. Lahat sila ay binabato ako ng tingin na nadidismaya. Nakita ko sina Tish at Sunshine na napayuko ng magtama ang mga mata namin.
Lumingon lingon si Selene sa paligid at nung nakakakuha ng pagkakataon, hinila nya ako sa may chapel. Mabilis nyang naisara ang pinto pagkapasok namin.
"Hindi mo ba talaga alam, Ria?" Nagtatakang tanong ni Selene. I shook my head. Malapit na akong mamatay sa kakaisip!
"Ria, mayroong nag-send ng litrato ni Gaelan at ni Miss Farrah na naghahalikan habang magkahawak kamay. Doon sa may lumang building--" Napasinghap ako sa sinabi ni Selene!
"We received an email last night. Buong Keio ang nakatanggap." Pagkukwento ni Selene.
Hindi ko naman alam kung mayroong ganoon dahil hindi ko nachecheck ang email address ko na provided ng Keio. Wala namang internet sa bahay ni Mama Buding.
"A-at ikaw ang sender.. Nilagay mo sa sulat ang lahat ng nangyari. Tuwing kailan may nangyayari, ilang beses at pati--- pati ang pagpapanggap mo na maging girlfriend ni Gaelan dahil tinakot ka nya. Sinabi mo na gumaganti ka at galit ka sa bully dahil nabully ka noon sa dati mong school. Now the whole school is mad at you, alam mo naman na ang suporta ng mga tao dito ay para sa Yukan'na. Tingin nila ay ipinapahamak mo si Gael. The pictures are so real but---"
Literal na napaawang ang labi ko sa sinabi ni Selene. Nanginig ang palad ko. Hindi ko ginawa yon!
"S-selene! Hindi ko magagawa ang ganoong bagay.." Pumatak agad ang luha ko dahil sa desperasyon. Wala akong pakialam kung magalit sa akin ang buong Keio pero si Gaelan, ayaw kong pag-isipan nya ako na hindi ko itinago ang secret nya.
"Ria.. Naniniwala ako sayo. P-pero ang buong school kasi, at si Gaelan..."
Pinunasan ko ang luha ko at tumayo ng matuwid. Hindi lang ang pagtatanggol sa aking sarili ang gusto kong gawin, no, hindi man lang iyon sumagi sa isip ko. I need to save Gaelan dahil sa akin ay wala namang masyadong mawawala. No, nothing will change because I am a Floresca.
BINABASA MO ANG
THE BAD BOY'S SLAVE
Teen FictionA good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️