Kabanata 43

315K 8.5K 1.5K
                                    



Maki Say's: No Update means Working AF, five times a week, 10 hours a day. Thank you for waiting.


Taking It Back.


Gumala ang mata ko sa dinaraanan, kung tutuusin, saglit lang naman ang byahe kaya lang mabagal magdrive si Gaelan ngayon. Kahit nawala na ang inis ko kay Gaelan dahil sa pagpi-flirt nya kay Apple, hindi ko pa din sya masyadong pinapansin. Sabagay, hindi din naman nya ako pinapansin kaya okay lang. Masungit nga pala sya. Hanggang ngayon masungit pa din at mas naging seryoso. I wonder how his five years went. Siguro naging napakasaya nya dahil wala na syang problema sa akin.

That he realized that it was not love after all. No sacrifice, shortcut, kapag masakit na titigil ka na. Kung mayroong kapirasong pagmamahal siguro yun yung puppy love na tinatawag. Infatuation, that's the right word to describe it.

Napadako ko ang kamay nya sa manibela, nandon ang initial ko. Hindi kaya nagagalit si Heather? Hindi kaya pinipilit na paalis yon? Maalis pa kaya yon? Sabagay baka pwedeng gawan ng paraan ang letter M at maging H ito. Why not now? He should have done it years ago.

"Wala akong planong magpatattoo ulit para matakpan 'to." Narinig ko ang seryosong boses ni Gaelan. Nakatingin na pala sya sa akin at nahuli nya akong nakatingin sa daliri nya. Umiwas ako ng tingin, hindi ko tuloy alam kung saan pa ako titingin. Sa bubong ng sasakyan? Sa labas?

"Pagawa mo na lang na H. Pwede naman siguro yon."

Ano ba Ria? Nag-suggest ka pa talaga!

"Pwede." Lumabi sya. "But it will never be the same. Magkaiba ang M sa H." Nagkibit balikat sya.

Syempre magkaiba yon. Ang sinasabi ko lang naman dapat ipaalis nya dahil baka maging problema pa nila kasi kung ako kay Heather magagalit talaga ako kay Gaelan.

Kaso hindi naman ako si Heather...

Hindi na lang ako kumibo. Ayaw ko na ngang makipagkwentuhan kay Gaelan. Nakakarinig ako ng mga bagay na hindi ko gustong marinig. Pumikit na lang ako at sumandal sa bintana ng sasakyan, ang pinakamagandang gawin para umiwas ay pumikit.

Hindi ko namalayan na nakarating kami sa bahay dahil natuluyan akong nakatulog. Naramdaman ko lang ang mahinang tapik ni Gaelan sa pisngi ko. Pagdilat ko nakatitig sya sa akin at nakakunot ang noo.

"Humihilik ka." He said. Nanlaki ang mga mata ko kasabay na pinamulahan din ng pisngi. Sa igsi ng byahe na yon, nagawa ko pang humilik? Dahil ba sa hindi ako nakatulog kagabi?

"T-talaga?" Mahina kong tanong. Nakakahiya! Gusto ko na lang bumaba at tumuloy na sa kwarto ko sa sobrang hiya!

Hindi kumibo si Gaelan at tinanggal ang seatbelts ko. Inabot ko ang bag ko sa likuran ng sasakyan na hindi pa din naalis sa isip ang paghilik ko. Sabi nila ang mga taong humihilik may deprensya sa puso, kung yun ang pagbabasehan malamang humilik nga ako. Nakaikot agad si Gaelan para pagbuksan ako ng pinto.

"H-hindi nga? Humihilik nga ako?" Ulit ko habang bumababa.

"Oo, ang sakit sa tenga. Paano ba natitiis ni Yuki ang hilik mo?" Humawak pa sya sa kanyang tenga at napangiwi. I creased my forehead. Sinundan ko ang paghakbang nya sa hagdan patungo sa main door ng mansyon.

"Paano naman nya malalaman na humihilik ako?" Nagtatakang tanong ko. Hindi naman ako tinatanong ni Yuki kung humihilik ako, that's a silly question too, hindi ko naman inirerecord ang sarili ko tuwing natutulog.

THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon