Change."Ang sakit sa likod!" Nag-inat si Regine paghakbang namin sa labas ng eroplano. Sinuot ko ang aviators ko para hindi naman mag-hello ang eyebags ko sa pamilya kong susundo sa akin.
"Inaantok na ako. I'll probably sleep later. Ikaw?" tanong ko kay Regine.
"Ako din.." binaybay namin ang mahabang lakaran sa loob ng airport para kunin ang luggage namin. Pinagsama-sama namin sa cart ang mga ito at si Regine na ang nagpresintang magtulak.
"Sino ba ang susundo sa atin?" tanong ni Regine habang patuloy ako sa paglalakad. Nagpalinga-linga ako at tumingin sa salamin na naghahati sa mga taong papadating at sasalubong.
Natigilan ako ng mahagip ko ang isang cardboard na mayroong pangalan ko.
"WELCOME BACK RIA!!!" At ang tuldok ng exclamation point ay tila hugis puso pa.
Lumipat ang mga mata ko sa may hawak non. Hindi pa nya ako nakikita kay mabilis ang pagtalikod ko kasabay ng mabilis na pintig ng puso.
"Oh? anong nangyari?" Concerned ang boses ni Regine.
"Y-yung sundo natin--"
"Asan?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Is this a joke?! Bakit naman ang taong yon ang susundo sa akin? Imposibleng may nalalaman sya sa pagdating ko. Not unless my family have to do something with it! Pinagkakaisahan ako? Bakit?
"Ay ang bongga ng pawelcome back! Ang gwapo ng sundo!" Humagikgik si Regine.
"Rej! Siya yung pinag-uusapan natin kanina." Mahinang sambit ko. Agad akong nilapitan ni Regine at hinawakan sa magkabilang balikat habang naka-form ng 'O' ang kanyang labi.
"Sya? As in sya? Bakit ka nya susunduin? Wag ka ngang assuming teh! Baka naman hindi ikaw. Ria lang nakalagay, walang apelyido!"
Napagtanto kong tama si Rej. Imposible din naman na ako nga ang pinupuntahan nya. Isa pa, eh ano naman?
Pull yourself together, Ria!
That was five years ago, kalma.
Huminga ako ng malalim at sinubukang bawiin ang composure ko.
Hinawi ko ang buhok ko at hinayaang ang ilang hibla ay tumabing sa kalahati ng mukha ko. Tumuwid ako sa pagkakatayo at pinagmasdan ang suot kong skinny jeans at puting button down shirt.
Lumabas kami sa may passenger's arrival area na hindi na muli syang tiningnan. I am pretty sure he won't notice me. Nasaan na ba kasi ang pamilya ko?
"Welcome home, young maiden." Itinagilid ko ang ulo ko dahil sa boses na iyon. Fudge! Fudge!
Nanikip ang dibdib ko dahil limang taon ang lumipas at narinig ko ulit ang boses na yon. It is somewhat nostalgic. Kulang ang balik tanaw ko kanina, ito ang kumumpleto. The exact feel of his soothing voice talking to me.
"Hi! Ako si Regine!" Narinig ko ang boses ni Regine na magiliw na tinanggap ang presensya ni Gaelan. Giving me time to redeem myself from the surprise. Nag-paste ako ng ngiti bago tuluyang lumingon.
"Agent Ancheta." Malamig na pagpapakilala ni Gaelan sa kanyang sarili kay Regine. Tumikhim ako.
"Thank you." Pormal na sabi ko. "Can you help us with our things, please?"
Tumango naman si Gaelan na hindi ako masyadong tinitingan. Kinuha ni Regine ang cardboard mula sa kanya.
"Nag-abala pa si Agent ng pa'welcome back!" Natatawang sabi ni Regine.

BINABASA MO ANG
THE BAD BOY'S SLAVE
Teen FictionA good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️