Bahala Na.
Hindi ako sumagot kay Gaelan at ibinaba agad ang tawag. Nagmamadali na kasi si Mommy at Daddy. They really want to get out of Keio. Sa sasakyan ay wala kaming kibuan. Si Daddy malalim ang iniisip habang si Mommy ay mukhang galit sa pinagdaanan namin ngayon dahil gusto ko ng normal na buhay kagaya ng mga kasing edad ko. I want to feel being happy because you lack of some things, settle for less and resolving my problems in my own accord.
Nang dumating kami sa mansyon, bumalik na naman ang kaba kanina lalo na noong doon kami dumiretso sa library. Our library is only being used in serious meetings of the family. Isa ito sa mga bagay na yon.
Si Daddy ang nakaupo sa aisle, sa kanyang kaliwa ay si Mommy katabi si Kuya Rab tapos si Kuya Ahmed. On Daddy's right nandoon naman si Kuya Gilad at Kuya Xenon. I am sitting on the other side of the aisle. Lahat sila ay nakapaharap sa akin at mukhang madaming gustong itanong.
"Now, talk." Utos sa akin ni Daddy.
"Dad, I am doing fine. Nagkaroon lang ng hindi pagkakaunawaan."
"That your own Professor framed you up? Ganoon ba ang kalakaran sa Keio? Ang mga estudyante ay nakikipagrelasyon sa guro. Ang Guro ay ginagawan ng krimen ang kanyang estudyante? That's horrible." Napapailing na sabi ni Mommy.
I think so too, hindi katanggap tanggap ang ginawa ni Miss Farrah sa akin pero hindi magbabago ang desisyon ko. Hindi dahil ako ang nakatanggap ng kamalasan, isusuko ko na ang gusto ko.
"I-i still want to go to school.." I whispered.
"But you are being bullied, Maria Arabella. Si Ancheta at yung babaeng kinausap ko kanina, kahit ang Professor na yon ay binubully ka. Maaring ang buong Keio ay inaalipusta ka. Hahayaan mo bang walang tumatanggap sayo sa paaralang yon?" Mommy asked.
"I have a friend." Pagtatanggol ko at nasa isip si Selene. She's been nice to me eversince. Hindi nya hinusgahan ang pagkatao ko at ni hindi nadagdagan ang pagiging mabuti nya noong nalaman nya ang pagkatao ko.
"Friend is one thing, pero ang mas madalas mong makakasalamuha ay inaayawan ka. I am heartbroken, Princess." Tiningnan ako ni Daddy ng may malungkot na mata.
Tumahimik ang buong library. Ang mga kapatid ko ay hindi kumikibo. Nasasaktan ako sa ganoong tanawin pero wala akong magawa. They are right. Sinasaktan ako doon samantalang pinoprotektahan nila ako buong buhay ko.
"But I still want this. I want this Daddy.." Pagpupumilit ko halos maiyak na ako. Wala na akong masabi dahil alam kong tama sila at hindi ko naman mababago ang sitwasyon, pero gusto ko talaga. Gustong gusto ko.
Tinitigan ako ni Daddy. Bumuga sya ng hangin pagkatapos ng ilang sandali.
"Fine." His tone is with finality.
"Alfred!" Protesta ni Mommy, itinaas ni Daddy ang kanyang palad para patapusin sya ni Mommy sa pagsasalita.
"You will be returning to school pero dito ka na uuwi. Hatid sundo ka, with bodyguards and driver. I want you to promise na hindi ka lalapit sa Professor na yon pati kay Ancheta. I want you safe, Princess. Kapag naulit pa ito, Im sorry but you will be homeschooled again. Nagkakaintindihan ba tayo?" Matigas na sambit ni Daddy. Tumango ako, paulit ulit. Isang tsansa kapalit ng pag-iwas ko kay Gaelan.
'I love you..'
Paulit ulit na nag-echo ang boses ni Gaelan. Totoo kaya yon o niloloko nya lang ako? Hindi ko na alam ang totoo. All I know is life choices isn't that easy. Kung papipiliin ka kung magiging mabuti ka ba o masama, madaling piliin ang mabuti. Pero kung papipiliin ka kung magtitiwala ka o hindi, ang hirap palang pumili.
BINABASA MO ANG
THE BAD BOY'S SLAVE
Teen FictionA good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️