Kabanata 10

345K 9.9K 1.5K
                                    


Hello @utternothingness Napa-update ako dahil sayo. Malakas ka sa akin eh haha 😂😊✌🏽️

Hot.

Kagaya ng nakagawian, naglakad lang ako pauwi sa bahay habang nagro-rosaryo. Nakakapagod ang araw na to!

Hindi ko namamalayan ang paglalakad ng malayo dahil nalilibang ako sa pananalangin. Inenjoy ko ang simoy ng hangin na medyo madumi dahil sa usok ng jeep. Ang baho pero masaya! Tao na ako!

Kanina nakita ko pa si Chief Smiths na sumusunod din sa akin at naglalakad, naka-mask pa sya. Hindi ko na lang pinansin! Baka pagalitan ni Daddy pag nalaman nya na nahuli ko sya.

Papasok pa lang ako doon sa maliit naming gate ng makarinig ako ng halakhakan doon sa loob. Wala din si Mama sa labas kagaya ng nakagawian nyang pagwawalis ng bakuran tuwing hapon kaya nagtaka ako.

Pumasok ako sa pinto at laking gulat ko nang makakita ako ng malalaking tao--- pero hindi kapre, doon sa loob ng bahay namin. May hawak silang stuffed toys at karayom, ginagawa ang trabaho ko.

"Kuya!!" Sigaw ko. Sabay sabay silang napalingon. Wala naman akong partikular na tinutukoy! Naexcite ako na nakita ko si Kuya Gilad, Kuya Rab, Kuya Ahmed at Kuya Xenon na nagsisiksikan sa lumang sofa nila Mama at kani-kaniyang naglalagay ng damit doon sa mga manika na trabaho ko para makakuha ng allowance.

"Baby Botchog ko!!!" Sigaw ni Kuya Rab na nabitawan ang hawak na manika sabay yakap sa akin. Natigil sya sa pagyakap at bigla nyang kinapa ang likod ko. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at inilayo ng onti sa kanya. Tinusok tusok nya ang tyan ko at hinaplos ang mukha ko. Nangunot ang makakapal nyang kilay at dumilim ang kulay brown nyang mga mata.

"Bakit malnourished ka na, Baby Botchog?!!!!" Naging mabilog ang mapula nyang labi dahil sa pagkagulat. Si Kuya Rab ang pinakamakulit sa lahat ng kapatid ko, sya din ang pinakamadaming babae, he knows how to please women but he's better in breaking their hearts. Matagal ko na ngang ipinapanalangin ang soul ni Kuya Rab eh, grade 2 pa ata nung nagstart ako sa pagno-novena para ma-spare sya sa hell.

"Rab, masyado kang OA." Umismid si Kuya Gilad habang humahakbang papalapit sa akin para yakapin ako. Si Kuya Gilad naman ang pinakaseryoso sa kanilang apat. Panganay at masungit. Nung bata ako akala ko talaga sya si Superman, kamukha kasi eh, ang stiff nya pa. Yun pala si Bin Laden ang idol nya, lagi kasi syang galit, di ko din alam kung bakit...

"Ria, baka naman nagsusuot ka ng maiigsi. Alam mong ayaw na ayaw ko yan." Tumaas ang kilay ni Kuya Gilad, para bang may ginawa na akong kasalanan kahit wala pa. Ay meron pala, yung kanina, labas ang tyan ko.

"Mas OA ka Gilad.." Singit ni Kuya Xenon. Sya ang pinakabunso sa lalaki. Ako lang ang tumatawag na 'Kuya' sa kanila pero sa isa't isa, they don't. "Dalaga na si Ria. There's nothing wrong." Inakbayan ako ni Kuya Xenon at hinalikan ang buhok ko. Dati napagkamalan kong kakambal si Kuya Xenon kasi nagkamalay na lang ako na lagi kaming magkalaro. Hanggang sa lumaki na kami, sya ang napagsasabihan ko ng secrets ko kasi hindi sya mahigpit. Kuya Xenon is the liberated type. Sa lahat ng bagay. Ayoko na ngang alamin kung ano ang mga iyon eh, pero pinagpe-pray ko din sya kung ano man ang ginagawa nya sa likod ng pamilya namin.


"Basta walang boyfriend, boyfriend, Ria." Naging isang manipis na linya ang labi ni Kuya Ahmed na kanina pa nakikinig pero walang reaksyon masyado. Ganoon talaga sya, seryoso pero hindi sya kasing dominante ni Kuya Gilad, wala lang talaga syang pakialam. Sa lahat ng Kuya ko, sya ang pinakamadaming naging girlfriend kasi kapag may nagtanong sa kanya kung pwede ba syang maging boyfriend, ang sagot nya lang ay 'Okay'.  Sa kanya ko ata nakuha ang kaka-okay ko kay Gaelan eh.

THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon