Kabanata 5

326K 9.1K 1.1K
                                    



Pahirap.


"Tabs!"


"Yabs."


"Tabs!"


"Yabs."


"Tabs!"


'Uy! May tawagan na talaga sila! Huhuhu!'

'Ano kayang ibig sabihin non?'

'Bakit yang mataba pa na yan?!'


"Oh my gosh! Kayo na talagang dalawa?!" Huminto si Selene sa harapan namin ni Gaelan, patungo sana kaming Food Alley habang si Yuki naman ay nauna na sa paglalakad. Isa ding weirdo yon.


"Back off, Selene." Masungit na sabi ni Gaelan.


"No. I am Ria's only friend kaya dapat alam ko." Pagpupumilit pa ni Selene. Napangiwi ako. Kung alam mo lang talaga Selene...


"Oo, kami na nga! Tsk, kailangan talaga ipag-diinan?!" Sigaw ni Gaelan. Tumahimik ang buong Keio. Ang paghuni lang ng ibon ang maririnig. Nahiya nga akong huminga dahil baka marinig nila dahil sobrang tahimik.


'Oh Sht. He means it.' May isang babae ang hindi napigilang mapabulalas.


Napaawang ang mapupulang labi ni Selene, nanliit ang husto ang bilugan nyang mga mata na kulay blue.


"Langya ka Ancheta! Paano mo ginawa yon?" Malakas na hinampas ni Selene ang balikat ni Gaelan, agad na sumama ang mukha ni Gaelan at akmang hahampasin din si Selene.


"Gaelan!" Mula sa malayo mayroong sumigaw. Salubong ang kilay ni Zeus na naglalakad papalapit sa amin.


"Tsk." Sambit ni Gaelan. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila lalo na nang lumapit si Zeus kay Selene at tiningnan ito ng may pag-aaalala.


"Ayos ka lang?" Zeus asked. Umirap naman si Selene.


"Ang OA mo. Subukan ni Gaelan galawin ang dulo ng daliri ko, isusumbong ko sya kay Daddy!" Buong pagmamalaking sabi ni Selene.


"Tss. I should tell Ninong Alec how bitchy you are!" Pagbabanta ni Gaelan.


"I should tell Ninang Blair how jerk you are!"


"Tara na, Selene.." Pumagitna ako sa kanilang dalawa dahil mukhang walang magpapatalo. Matigas ang ulo ni Gaelan, ganoon din si Selene pero syempre mas kampi ako kay Selene dahil mabait sya sa akin.


"Teka, Tabs! Kakain pa tayo!" Sigaw ni Gaelan nang naglalakad kami ni Selene papalayo.


THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon