Kabanata 28

294K 9K 1.8K
                                    




Tricks.


Kabado akong humakbang habang sinusundan si Mommy at Daddy. Kahawak ko ng kamay si Selene, hindi ko man lang naipakilala sa kanila ang kaibigan ko dahil masyadong seryoso ang hangin. Tingin ko kahit anong oras ay sasabog na si Mommy sa galit samantalang si Daddy ay nanatiling walang imik kagaya ng dati. Nagkatinginan kami ni Kuya Rab at tinaasan nya ako ng kilay. Galit ba talaga sya sa akin?

Nakikita ko pa din ang nakamasid sa amin ang mga estudyanteng nagtatago sa classroom. Nahihiya tuloy ako dahil masyadong magarbo ang pagdating ng aking pamilya. Iniisip kaya nilang mayabang kami? Sana naman ay hindi.

Lumapit sa akin si Kuya Xenon at hinawakan ang kamay ko.

"Okay ka lang?" Kuya Xenon asked. Tumango ako kahit kinakabahan ako. Ang araw na ito ang maghuhusga kung mananatili ako sa Keio o babalik na naman ako sa home schooling na ayokong mangyari.

I want this life. Hindi perpekto pero ito ang gusto ko. This is reality, people aim for beautiful things but there's no such thing as constant beauty. Ugly things should interfere to experience magnificence.

Bawat paghakbang, naakakarinig din ako ng malakas na kalabog sa puso. Nakarating kami sa opisina ng Dean, ang bodyguard mismo ni Mommy ang kumatok sa pinto. Taas noo pa din si Mommy. She's an epitome of strong woman with elegance and beauty but there are so many things why Dad loves her, katiting pa lang ang nabanggit kong positibo.

"Nandito na po si Master Alfred & Madame Helga Floresca." Magalang na sambit ng bodyguard kay Dean. Nakita ko pa mula sa labas ang pagtango ni Dean, naunang pumasok si Mommy at Daddy kasunod ang mga Kuya ko, sumunod ako sa loob at naiwan si Selene. Ngumiti si Selene sa akin para palakasin ang aking loob. She even mouthed 'goodluck' bago ko sarhan ang pinto.

Bahagyang nakaawang pa ang labi ng Dean dahil sa pagdating ng aking pamilya, hindi siguro inaasahan na ang magulang ko pa ang magsusungit sa pag-uusap na ito. Of course, my parents won't actually care if I will get expelled, it's just that they will not back down without a good fight. Nilipat ni Dean ang kanyang tingin sa akin ng may nagtatanong na mata. Tumikhim sya at lumipat naman ang tingin kay Mommy.

"M-mrs. F-floresca, pinatawag ko po kayo dahil, uhm.."

"May ginawang kalokohan ang anak ko, ganoon ba?" Tumaas ang kilay ni Mommy. Napigil ko ang aking hininga. Hindi naman masungit si Mommy, kaya lang kapag ang kanyang anak na ang pinag-uusapan, nagiging tigre talaga sya. Hindi na nadugtungan ng dean ang kanayang sasabihin.

"Well, Dean. I would like to apologize if my daughter had difficulty in adjusting in this 'normal' environment that she's not used to but I would like to stress that my daughter is born a heiress and raised as such at kahit hindi ko pa naririnig ang reklamo nyo sa anak ko, hindi ako naniniwala."

"Uhm, M-mrs.Floresca. What really happened is that your daughter, sent an email to the entire school, maliciously claiming that her schoolmate and her Math Teacher is in a relationship." Mahinahong paliwanag ni Dean.

"And why would she do that?" Mommy asked, humalukipkip pa sya. Si Daddy na nasa kanyang tabi ay hinaplos lang ang kanyang likod.

"I am sorry Mrs. Floresca but your daughter is failing Math and she admitted of doing the crime to blackmail Miss Hernaez her professor and Mr. Ancheta dahil na-bully daw sya nito.."

"Admitted?" Matalim akong tiningnan ni Mommy. "Bullied?" matabang ang pagkakasabi ni Mommy, "Failing math?" Wika nya muli. Napayuko ako, I can see wrath in her eyes at nakakaramdam ako ng hindi magandang pangyayari.

"Maria Arabella.." Mabagsik ang pagkakasabi ni Mommy. Umangat ang balikat ko sa pahkataranta.

"Consider the functions f(x)= x2 and g(x)=7x + b. In the standard (x,y), coordinate plane, y=(g(x)) passes through (4,6). What is the value of b?" Seryoso akong tiningnan ni Mommy. Ugh! I hate it when she asked random math equations! It is her favorite subject.

THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon