SELF PUBLISH DETAILS

209K 3.3K 145
                                    



Lo and Behold...

Ito na ang details ng The Bad Boy's Slave na Book na maari mong amuyin, halikan, hawakan at yakapin habang kinikilig.

BASAHIN MABUTI.

Unang una, salamat dahil wala naman talaga akong balak maging published author. HAHAHA. So kagaya ng group page ko na ayaw ko naman gawin noon (dahil hindi naman ako artista), kayo pa din ang nag-convince sa akin na ipagpatuloy ito.

Tamad na tamad ako doon sa proseso. Kasi ang dami dami kong ginagawa, tapos madalas mas gusto ko pang mag-sulat kaysa ireview yung pinroofread ng editor ko. Mas gusto kong tumunganga. Mas gusto kong kumain at makipagchikahan sa inyo. Pero tiniis ko. Tuwing tinatamad ako, may nagtatanong 'Ate Maki, gusto ko pong umorder ng book.' Kaya magpapatuloy na naman ako

Sa wakas, natapos din. Nakapag-costing din ako.

Sobrang kapal nung book, more or less 570 pages siya, 62 chapters. Normally, mahal ang ganito na nakikita ko. Umaabot ng 1k ang isa. Pero dahil gusto ko lang naman na mabasa niyo siya.. Halos at cost na din ang presyo kaya kayo na din ang bahala sa shipping fee, please po :)

P 525 + shipping fee.

(P 69 within Metro Manila, P 109 in Provinces, Outside the country-- Haven't asked Philpost yet, kung may idea kayo, please let me know. Or kung may kamag-anak naman kayo dito sa bansa, dito na lang Beshy)

-Bakit ka bibili ng book kung hindi ko siya tatanggalin sa Wattpad?

Kasi merong dalawang chapters na wala sa wattpad. Spoiler ng Chasing The Sassy Girl at The Wicked Princess pa :)

Saka yung first meeting ni Gaelan at Maria-- kung feeling mo alam mo na to... Well, hindi pa! Sobrang aliw ng unang pagkikita.

Freebies. Check, salamat sa isang good samaritan

Bookmark. Check.

Tumblers. Yes. Sa first ten na makakapagdeposit sa akin.

Magpaparaffle pa ako ng limang tumblers para doon sa confirmed buyers until First half of December 10, 2016.

Sign. Nyikes sign! Hahaha Gusto niyo bang may sign ko? eh. Lalagyan ko isa-isa kasama ang pangalan mo syempre kung gusto mo lang naman.

FAQs:

-Kailan ipapadala ang Book at Freebies?

KUNG HINDI MAGKAKAPROBLEMA, December 12, 2016 ang start ng shipping pero hindi naman sabay sabay. Grabeysious.

-Hanggang December 10 lang ba pupwedeng umorder?

Magpapaprint ako ng sobra. Hangga't meron ako, pupwede kayong umorder, kung hindi maubos ang 25 copies na ipapaprint ko ngayon, makakabili pa kayo sa 2030. CHAR. Iaannounce ko naman kung ubos na. Pupwede akong magpareprint--pero yung freebies, since personalized, while supplies last lang.

-May discount po ba?

Wala na. Kung alam niyo lang...Sobrang sulit talaga nung book. As in. Yung bumibili ng self published books, alam niyo yan. Mura na ang 525 sa 62 chapters, 565 pages

-Saan Oorder?

Sa akin lang, hindi sa Post na to okay? I-PM niyo ako. Antayin ang reply ko regarding sa payment instructions. Oo kahit 12 years old pupwede kang pumasok sa banko o kaya sa Cebuana Lhullier :P

-Paano Umorder?

Kindly ADD MY FACEBOOK ACCOUNT (MAKIWANDER STORIES) and Message me the Following:

Name:
Complete Address: (please wag basta pangalan ng baranggay at town. Lagyan ng house number)
Contact Number:
Number of Books to Order:
Nickname: (Para sa book dedication, kung magsasabay sabay kayo para makatipid sa shipping, ilagay ang nickname ng magmamayari ng book)

PS: Kapag hindi mo ako maiadd, comment lang dito sa wattpad account or ipm mo ako sa wattpad account :)

-Bakit po 525 hindi na lang 500?

Para cute. =P Uy, seryosong costing ito ha.

Meetup: Sa Cebu, December 17 or kung asa Wattpad Cebu Grand Meetup ka

Sa Metro Manila, aayusin ko pero baka sa January pa kasi pasko na after Dec 17 :)

Kung nagustuhan mo ang story, sana maipabasa mo to sa future generation. Sana kagaya ng iba, maturuan din sila kung paano ihandle ang sakto o sobra sobrang kilig. Kung hanggang saan ang limitasyon.

Sana naituro ko dito at sana magkaron ka ng kopya para hindi mawawala kapag naluma na si Watty at ginagawa niyo na lang pangthrowback ang mga characters namin :)

Salamat sa bibili, sa mga hindi naman, IBA-BLOCK KO NA LANG. Charat! Hindi naman! Sobrang salamat sa suporta kahit sa anong paraan na makakaya niyo. Kahit pag-vote pa yan o pagtangkilik sa mga gawa ko lagi lagi. Pagpagbabasa ng mga rants ko at pakikisimpatiya, sa pakikipagbiruan and all. Thank you!

God bless sa ating lahat!

THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon