Epilogue

477K 11.3K 3.2K
                                    









Maayos akong nakaupo sa bridal car na nakahanda katabi si Mommy at si Daddy. Para pa din akong nangangarap sa lahat ng maaring mangyari ngayong araw na ito. Bawat detalye na nais ko ay nasunod. Actually wala namang detalye, gusto ko lang ay yung simple.

"Wala akong pinangarap na makitang katabi mo sa altar kundi si Gaelan, Princess. Kahit kunin ka nya sa amin ngayong 23 ka pa lang, hindi na ako nagdalawang isip na pumayag." Daddy pressed his lips into a thin line.

"Iiyak ka na naman, Al." Natatawang sabi ni Mommy habang hinahaplos ang pisngi ni Daddy, "Mukhang tatalunin mo pa ako sa dami ng tissue na mauubos. Baka akalain ni Ria hindi tayo masaya." Pinisil ni Mommy ang kamay ko at huminga ako ng maluwag.

"Masaya kung sa masaya. Iba pa din syempre yung alam mong nasa saiyo pa din ang anak mo. Si Gaelan na ang magmamay-ari sa kanya pagkatapos ng lahat ng ito. Hindi na maaring basta puntahan tuwing namimiss natin ang bunso."

Ngumiti lang ako ng tipid. Nakiusap si Gaelan na huwag na akong pahawakin ng negosyo, ang mga Kuya ko naman ay sumuporta ng husto. They can do all the hard work for me, they said. Samantalang magiging parte na lang ako ng board.

"Maaari na po kayong bumaba." Sinalubong kami ng wedding coordinator. Bumilis ang tibok ng aking puso lalo na ng umapak ako sa buhangin at matanawan ko na ang nagkukulay kahel na langit. Naghahati ang amoy ng tubig alat at bulaklak sa paligid. Naririnig ko na din ang malamyos na pagtugtog ng violin. Pilit kong kinikilala ang mga nakaupo pero nakatalikod silang lahat sa akin.

My man, is gloriously standing beside the priest. Kahit lahat kami ay nakaputi, hindi maglalaho ang talas ng mata ko pagdating sa kanya. Hindi ko pa mahusgahan kung gwapo sya pero tiyak ko na gwapong gwapo sya dahil pinangako nya iyon sa akin kagabi. That he will be the best looking guy in our wedding.

Masyado ko nga syang namiss dahil hindi kami pupwedeng magkita kagabi dahil baka daw hindi matuloy ang kasal. Kahit hindi kami naniniwala, sumunod na lang kami. Ano ba naman ang isang araw na pagtitiis kumpara sa buong buhay na magkasama.

I was anticipating my wedding march while my feet is feeling the sand underneath, si Gaelan daw ang pipili kaya wala akong ideya. We never rehearsed for anything. Ginusto namin na masurpresa sa lahat ng maaring manyari, palpak man o maganda. Umaasa akong maging maganda dahil dito rin sa pribadong beach resort ng mga Ancheta kung saan kinasal ang mga magulang ni Gaelan gaganapin ang aming kasal. As Mommy Blair told the story, their wedding is magical. Siguro ganoon naman talaga ang magiging pakiramdam mo kung masaya ka sa taong papakasalan mo. Kahit siguro sa gitna ng kakahuyan pa kami ikasal, magiging napakasaya ko pa din. It is not really the fairytale-like wedding that will make it enchanting but the Prince charming beside you.

I stepped on the white carpet filled with red rose petals mixed with yellow and orange daisies. Halos tumakbo ang puso ko ng mapagtanto ko na kahit kakaunti ang imbitado, nandito ang lahat ng kakilala ko at wala ni isa ang naglabas ng cellphone bilang kahilingan na din namin. Nakatingin lang silang lahat sa akin. I can see in everyone's eyes that they're happy for me, for us..

'You look so wonderful in your dress..

I love your hair like that..

The way it falls on the side of your neck..

Down your shoulders and back..'

Agad na nabasa ang mga mata ko ng marinig ko ang pamilyar na kanta. Ito yung pinatugtog ni Gaelan noong inayos nya ang field ng Keio para daw magpasalamat sa akin. That was a long time ago but the song still send chills to my spine.  Kinalma ko ang aking sarili dahil mukhang umpisa pa lang ay aagos na ang luha. Inilagay ni Mommy at Daddy ang kanilang mga kamay sa aking braso. I smiled widely while suppressing myself to tears. I walked slowly with my parents, sa dulo nito ay nag-iintay ang lalaking pinili kong makasama sa hirap at ginahawa. The man that will make all the intolerable things lovable. The man who will make me fall in love each and everyday of my life.

THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon