Kabanata 11

328K 10.2K 1.5K
                                    

                  


Wag.


"Ria, ang weird mo, kanina ka pa tahimik. Don't tell me hindi ka sanay makakita ng nagkikiss sa lips at nashock ka kay Miss Farrah? Okay lang yun kasi sa labas naman ng school!" Ani Selene habang nakatunghay ako sa bintana. Ihahatid na nya ako papauwi sa bahay namin matapos naming magdinner. Parehas na din kaming nakadama ng pagod.


Yung utak ko, pagod na pagod sa pagtakbo dahil sa nakita ko kanina. Sino ang niloloko ni Miss Farrah? Si Gaelan ba o ang Kuya ko? Syempre kapag nasaktan ang Kuya ko, masasaktan ako--- Kung si Gaelan naman ang niloloko nya—


Pinakiramdaman ko ang puso ko na unti unting bumabagal tuwing iniisip ko si Gaelan na nasasaktan.


Ilang liko pa ang ginawa ng sasakyan pauwi sa amin. Naglilibang si Selene sa pagsilip sa mga itinatayong Christmas lights dahil September na.


"Nagsisimula na lumamig ang panahon no?" Nakangising sabi ni Selene. Tumango ako at tipid na ngumiti.


"Napagod ka naman ata, Ria eh. Pero sana nag-enjoy ka.. Suot mo yan bukas ha!" Ngumuso si Selene at itinuro ang bahay namin. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami.


Sabay sabay na iniabot sa akin ni Selene ang mga paperbags ng damit na para daw sa akin. Humalik sya sa aking pisngi at mabilis naman akong lumabas.


Naabutan ko si Papa na nagsa-shine ng sapatos nya sa labas ng bahay. Dating driver / bodyguard ni Daddy si Papa Cardo, tapos sa bahay na namin nabuo ang pagmamahalan nila ni Mama Buding na taga-pangalaga naman naming magkakapatid.


"Kaawaan ka ng Diyos." Ginulo ni Papa ang buhok ko at pilit na ngumiti ang pagod na mata. Security guard na kasi ang trabaho ni Papa, lagi syang nakatayo sa maghapon.


"Kumain ka na ba, Ria?" Narinig ko pa si Papa habang pumapasok ako ng bahay.


"Opo, Pa." Nilakasan ko na lang ng kaunti ang boses ko. Natagpuan ko naman si Mama na nagtatahi ng damit sa mga manika ni Ate Ailyn habang nanonood ng paborito nyang teleserye.


"Ma.." Wika ko ng may kaunting pagrereklamo. Sinipat ako ni Mama Buding sa ilalim ng kanyang eyeglass at lumiit muli ang mga mata dahil sa pagtutok doon sa manika na ginagawa nya.


"Nalilibang ako dito, Ria. Isa pa, para makapagpahinga ka na. Kamusta ang lakad nyo ng kaibigan mo?"


Umupo ako sa pinakamahabang sofa at itinaas ang aking paa.


"Nakakapagod po mag-mall." Reklamo ko habang nakatuon ang mga mata sa TV.


"Hmm, hindi ka naman kasi nagma-mall kahit kayo pa ang mayari ng pinakamamahaling mall sa buong mundo. Isa pa, hindi mo na kailangan magtungo sa mall para makuha ang kailangan mo. Masabihan nga ulit si Sam na puntahan ka dito para sukatan ka at ikuha ka ng mga damit. Masyado nang maluluwang ang mga sinusuot mo."


Ngumiti ako kay Mama at tumango. Si Sam ang personal shopper ng aming pamilya, trabaho na namana nya sa mommy nya na fashion stylist din nila Mommy at Mommy noon. Si Kuya Gilad ang bukod tanging hindi dinadamitan ni Sam kasi magkaaway daw sila simula ipanganak silang dalawa, hindi ko pa natatanong kung paano ba nag-aaway ang mga baby.


"Ay, Ma. Nasaan po ang phone ko?" Tanong ko kay Mama ng maalala ko na na naman si Kuya Rab.


"Yung iphone mo? Nandoon lang sa lamesa ng kwarto mo. Bakit mo ba yun iniiwan? Sa panahon ngayon, kahit hindi naman mayayaman mayroong iphone." Komento pa ni Mama habang humahakbang na ako sa limang baitang na hagdanan patungo sa mga kwarto.


THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon