Maki Say's: May mga video links akong isinali, syempre party itong scene. Yung iba na naka-offline reading I think you will see a blank space in your interface kaya wag na kayong magtaka :) Hindi putol putol ang story okay?
Thanks for reading! :)
Aray Ko Beh.
"Mabuti naman dumating ka na, Maria. Kanina pa malungkot yan si Gaelan..." Panimula ni Ice.
"PARANG IIYAK NA!!!" Sabay sabay na sabi ng Yukan'na sabay hagalpak ng tawa.
Alanganin akong ngumiti sa kanila. Tiyak na magagalit na naman si Gaelan sa akin kapag napikon sya sa mga kaibigan nya.
"Sorry ha, late ako.." Bulong ko kay Gaelan habang hinahawi ko ang gown ko na umaabot doon sa upuan nya.
"Bakit ka ba late? Matagal bang magpa-plastic surgery? Siguro nahirapan yung mga nag-ayos sayo kaya ka ganyan kaganda." Masungit nyang sabi.
"N-nagagandahan ka sakin?" Paniniyak ko.
"Hindi! Sila ang nagagandahan sayo. Narinig mo naman di ba? Tss." Highblood na naman sya.
"Ria!!!" Sumugod sa pwesto namin ang mga freshies na kasama ko sa cheering. Si Abbie, Tisha, Francine at nandito din si Selene na magandang maganda sa suot nyang itim na gown.
"Wow! Sabi na nga ba at ikaw yan eh. Halika, doon ang table natin mga squad!" Hinila ni Selene ang kamay ko pero pinigil iyon ni Gaelan.
"O bakit? Hindi ito prom kaya wag kang maarte Gaelan. Walang date date. Kailangan makisocialize ng freshies sa iba. Grabe mambakod! Eh di maiinip naman niyan si Ria puro kayo lalaki dyan!" Dire-diretsong sambit ni Selene.
"Tss. Ang daming sinabi! Papakainin ko muna. Ihahatid ko mamaya sa inyo. Alis na." Sinamaan ng tingin ni Gaelan si Selene pero hindi kagaya ko na napipipi kapag galit na si Gaelan, sinabayan lang ito ng sama ng tingin ni Selene.
Hindi pa din umalis si Selene sa tapat ng aming lamesa kaya inaasar sya ng Yukan'na kay Zeus, nung napikon na sya, saka lang sya kumilos at iniwanan ako. Kinuha ni Gaelan ang kamay ko pagkatapos ay tumungo kami doon sa buffet table. Mukhang lahat ay nakakain na pero madami pa ding pagkain na nakaayos. May isang buong lechon pa nga.
Kumuha si Gaelan ng plato at ibinigay sa akin. Kumuha din sya ng isa pa.
"Hindi ka pa kumakain?" Takang tanong ko.
"Hindi pa nga! Tagal mo kasi!" Galit na sabi ni Gaelan.
"Wag ka na magalit.." Bulong ko. Nakaka-kunsensya naman, ako kasi nakakain na sa party ni Kuya Ahmed.
"Tch, ano bang gusto mo?" Tanong sa akin ni Gaelan habang nakatingin doon sa mga pagkain. Sya ang naglalagay sa plato ko, gusto kong magreklamo dahil napakadami nung nilalagay nya pero bubukas pa lang ang bibig ko, may naka-amba agad ng sigaw.
BINABASA MO ANG
THE BAD BOY'S SLAVE
Teen FictionA good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️
