Kabanata 30

302K 9.1K 1.6K
                                    


Akin.


Patungong isang sikat na village na malapit lang sa Keio ang binabaybay namin. Nakingin lang ako kay Gaelan sa buong byahe, makita ko lang ang pasa nya ay nag-aalala na ako, ngayon pa kaya na alam kong inaapoy sya ng lagnat?

Tumunog ang aking cellphone dahil sa isang mensahe galing kay Daddy.

Dad: How are you?

Ako: Im fine Dad.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang ipinapadala ang mensahe. Hindi ko maaring sabihin na sumama ako kay Gaelan, tiyak na mag-aalala yon at ipapasundo ako. Pwede naman akong magsabi ng totoo, kaya lang ayaw kong iwanan si Gaelan na ganito ang kalagayan.

Huminto si Gaelan sa tapat ng isang eleganteng brass gate, mula sa labas ay matatanaw ang napakagandang landscaping ng kanilang garden, may mga payat na puno at nakahugis na bonsai. Mayroon ding nakatanim na rosas. Madilim na pero angat na angat pa din ang ganda ng pagkakaayos dahil sa detalyeng malamlam na ilaw sa kanilang garden.

Bumusina si Gaelan at agad na nagbukas ang gate. Mas lalo akong namangha sa pagpasok sa loob, sa gilid ay mayroong magarbong swimming pool na mayroong kulay asul, pula at berdeng ilaw sa ilalim ng tubig. Mayroong ding maliit na fountain malapit dito. Their house is not as big as ours pero mapapansin na naalagaan ito ng husto. It brings out the warmth and calm feeling when you are home.

I wonder if he grew up here. Masyadong kalmado ang pamamahay para sa masungit na si Gaelan. Ibinalik ko kay Gaelan ang aking paningin at tinaasan nya ako ng kilay.

Nagpark si Gaelan katabi ng iba pang sasakyan sa kanilang bahay. Bumaba ako kasabay ng kanyang pagbaba. Mabigat ang pagsara nya ng pinto sa kanyang side pagkatapos nang magkatinginan kami, umismid sya.

"Galit ka pa din sa akin?" Lakas loob kong tanong sa kanya.

"Ano sa tingin mo?" He answered coldly.

Napangiwi ako ng talikuran nya ako. Kahit galit sya, iniligtas nya pa din ako kaya kailangan kong tiisin ang pagsusungit nya. Nakasunod ako sa kanya habang naglalakad sya at tinutumbok ang main door ng bahay. Huminto kami sa pinto na gawa sa mabigat na kahoy, it is painted dark brown. Pinindot ni Gaelan ang maliit na buzzer. We waited for 20 seconds at bumukas agad ang pinto.

Napanganga ako sa isang napakagandang babae sa aming harapan. Nakasuot sya ng puting maong shorts at light yellow spaghetti strap, mahaba ang kanyang buhok at brown ang kanyang mga mata. Mayroon syang foreign features na sumasalamin sa mga nagagandahang modelo na napapanood ko sa TV. Nanliliit ang mata nito kay Gaelan at mukhang hindi pa napansin ang presensya ko.

"Pilyo kang bata ka! Bakit mo tinakasan ang nanay mo ha?!" Sambit nito sabay hablot ng tenga ni Gaelan. Napapikit si Gaelan at hinawakan ang kamay ng babae para patigilin sa ginagawa.

"Mom! Sorry na!"

Mom? Ito ang mommy ni Gaelan? Mukhang kasing edad lang sya ni Brie.

"Sorry? Saan ka na naman nagpunta? Tatlong araw kang may lagnat, tatlong araw ka din umaalis araw araw. Paano ka gagaling?"

"Mommy! May kasama ako.." Ungot ni Gaelan sabay tingin sa akin. Alanganin akong ngumiti at tipid na kumaway ng dumako sa akin ang mata ng Mommy ni Gaelan.

"Good evening po.."

Tumuwid sa pagkakatayo ang Mommy ni Gaelan at nahihiya akong nginitian.

"Good evening. Sorry, di ko napansin na mayroong tao. Ako nga pala si Blair. Mommy ni Tutuy."

THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon