Kabanata 8

327K 9.3K 2.3K
                                    







Paano Na.


"Ria! Ano ba? Bakit ba ang bagal ng kilos mo?" Napapitlag ako sa pagsigaw ni Rona. Hindi ko kasi maiwasan ang hindi mahuli. Alam kong hindi nya ako pinag-iinitan, talagang mali mali lang ako.


Pagkatapos naming mag-usap ni Gaelan, imbes na ako ang umalis, mas nauna pa sya sa akin sa paghakbang. Nagalit talaga sya. Alam ko namang magagalit sya, bakit ba kasi nakialam pa ako.


"Break muna! Para kayong mga lantang gulay lahat. Lakas makahawa ni Ria." Napapailing na sigaw muli ni Rona. Nag-init ang pisngi ko. Nakakahiya naman sa mga kasamahan ko, nadamay sa galit ni Rona.


Umupo naman ako sa dance floor, mula sa kabilang dulo ng dance studio, nakita ko si Selene na papalapit sa akin.


"May problema ba?" Tanong nya agad nang makalapit. Umiling ako. Hindi naman problema kung galit sa akin si Gaelan. Lagi naman syang galit sa akin, ano naman ang bago doon.


"Ganun ba? Kanina ka pa kasi wala sa sarili. Imbes na ako ang masigawan ni Rona, ikaw pa tuloy." Ngumiti si Selene na parang balewala at inabutan ako ng isang bote ng mineral water.


"Nag-away ba kayo ni Gaelan?" Tanong nya sa akin. Napabuntong hininga ako. Nanlaki ang mga mata nya.


"Oh my! May LQ kayo?" Parang natatawa pang tanong nya. "Hulaan ko, si Gael ang may kasalanan no? Hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan mo don sa kinakapatid ko. Sabagay, badboy sya. Di ba tayong mga girls, mayroong something sa badboys?"


Napangiwi ako. Isa pa din yong bagay na pinagtatakahan ko. Bakit mas gusto ng girls ang badboys? Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko ang mabait at maasikaso.


"Kaya nga yan si Zeus, trying hard eh. Sumali sya sa Yukan'na para magmukhang bad boy. Hindi naman yon totoo! Sus, takot lang non sa akin!" Humalakhak na ng tuluyan si Selene. Tuwang tuwa talaga sya kung ang pambubully kay Zeus ang topic.


"Grabe, ang pogi ni Zeus! Nakita mo ba kung paano nya tingnan si Olivia?" Napalingon kami sa pumapasok sa studio na mga kagrupo namin. Nakakunot ang noo ni Selene pagkakita ko sa kanya. Parang may hindi nagustuhan doon sa narinig.


"Sino ulit, Tish?" Tumayo si Selene at lumapit na doon sa mga kagrupo namin na Freshies din kagaya ko.


"Si Zeus! Nakita namin doon sa Accountancy building. Buhat nya si Olivia kasi na-sprain si Olivia nung nagpapractice para sa Miss Keio 2016."


Tumalim ang mga mata ni Selene.


"Anong ginagawa doon ni Zeus? Nahihilig na ba sya sa Beauty contest?" May halong sarkasmong sambit ni Selene, tumayo ako at tinapik si Selene sa balikat, napayuko kasi sila Tisha, natakot ata kay Selene.


"Selene, calm down.." Bulong ko. Hinihingal si Selene at nakakuyom ang mga kamao. Pumikit pa sya bago muli akong hinarap.


"Aalis muna ako, magpapaalam ako kay Rona. Sumakit ang ulo ko." Hindi na inantay ni Selene ang sagot ko dahil kinuha nya agad ang kanyang bag at lumabas ng studio.


"Ay nagalit?" Bulong nila Tisha sa isa't isa.


Nang makaalis si Selene bumalik naman sina Rona. Pinilit kong magfocus kahit nahihirapan ako. Sa kahuli-hulihan, hindi naman ako napagalitan ulit dahil nakasabay na ako sa lahat.


Madilim na nang i-dismiss kami ni Rona. May kani-kaniya naman kasi silang sasakyan kaya siguro hindi sila nag-aaalala kung madilim na. Ako naman, nagsimula ng maglakad papauwi. Binati pa ako ng guard ng dumaan ako sa exit, sa may kanto pa ako makakasakay ng jeep kaya naglakad ako.


THE BAD BOY'S  SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon