Boyfriend.
Wala ako sa sarili hanggang sa makauwi ako. Nakatipid pa ako ng dalawang sakay sa jeep dahil di ko namalayan na naglakad ako simula sa school hanggang sa bahay. Hindi naman malayo ang bahay namin sa Keio, nagiging dalawang sakay lang dahil hindi tugma ang ruta noong isang jeep na sinasakyan ko.
"Ay jusko kang bata ka! Bakit ganyan ang itsura mo? Pawis na pawis ka ah!" Ibinaba ni Mama ang walis tingting at iniwanan ang mga dahon na nalaglag mula sa puno ng makopa sa harap ng aming bahay. Ngumiti ako ng pilit pero bakas pa din sa mukha ni Mama ang pag-aalala.
"Naglakad lang po ako." Sambit ko.
"Oh eh bakit? May baon ka nam---" Huminto si Mama sa pagsasalita at pinanliitan ako ng mata.
"Hindi mo na naman kinuha ano? Inihalo mo na naman ang baon mo sa pamalengke na ibinigay sa akin ng Papa mo?"
"Nandyan na po ba yung mga stuffed toys ni Ate Ailyn?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Dumating na kanina. Nalagyan ko na ang kalahati--"
"Ma.." Protesta ko. Hindi ko talaga gusto kapag ginagawa ni Mama ang trabaho ko. Kaya nga ako nagtatrabaho para makatulong tapos parang dinadagdagan ko pa ang gawain nya.
"Maria.. Hindi mo naman kailangang gawin---"
"Ma, okay lang po ako.." Pagpapanatag ko sa kanya.
"Ay sige, kapag nagalit sa akin si Ma'am." Napangiwi si Mama ng makapasok kami sa bahay.
"Ma naman, ako po bahala sa inyo." Tinapik ko ang likod ni Mama at dumiretso ako sa salas kung saan nakita ko ang malaking plastic ng mga stuffed toys na lalagyan ko ng maliliit na damit.
Nagsimula na akong bihisan ang mga stuffed toys ng sumilip si Mama mula sa maliit na kusina at mayroong dalang juice at sandwich. Hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sa klase ng pag-aalaga nya sa akin simula pagkabata.
Sya ang matyagang nagturo sa akin na mag-pray saka pinakilala nya sa akin ang mga Saints kaya nagpapasalamat ako sa kanya.
Nang matapos ko ang ginagawa, nagtungo ako sa kwarto ko para gawin ang mga assignments ko nang tumunog ang phone ko.
Unknown Number: So how's the stuffed toys?
Kinabahan ako sa isang mensahe na natanggap ko.
Nagtipa ako ng reply.
Ako: Sino to?
Unknown Number: Hulaan mo..
Ako: Mmm.. Hindi ko mahulaan eh.
Unknown Number: I am watching you.
Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko! Nagpalinga linga ako at baka napunta nga si Gaelan sa kwarto ko. Isa lang naman ang magtetext sa akin ng ganito pero paano nya nalaman ang number ko?
"Maria, kain na.." Sumilip si Mama sa kwarto ko kaya tumayo na ako at sumunod. Naabutan ko si Papa na nakaupo sa lamesa kaya nagtungo ako doon para mag-mano.
"Kaawaan ka ng Diyos. Umupo ka na.."
Nag-pray muna si Papa bago kami kumain, ilang minuto ko nang naririnig ang pag-galaw ng mga kubyertos pero nakatingin pa din ako sa pagkain sa harap.
"H-hindi mo ba gusto ang pagkain, Maria?" Nagtatakang tanong ni Mama. Ngumiti ako at sumubo ng isa.
"Aba, kumain ka.. Hindi ka maaring pumayat, ano na lang ang sasabihin ni Ma'am."
BINABASA MO ANG
THE BAD BOY'S SLAVE
Novela JuvenilA good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️
