Sleepy."Ayaw kitang kasabay.." Bulong ko ng may diin habang sabay kaming naglalakad. Halo halong gutom, pagkapahiya saka sakit ng ulo ang dahilan.
Hindi lang ako makalayo dahil hawak nya ang cellphone ko, God, he shouldn't see the photos I grabbed from his facebook account.
"Come on, masyado kang pikon. Ganyan ka ba makipag-usap sa mga suppliers mo?"
"Im not pikon." I defended myself. Pilit kong pinakalma ang aking sarili. "I-im hungry..." I muttered.
Lumipad ang tingin ni Gaelan sa itaas ng kanilang kisame. Tumingin din ako don pagkatapos ay binalik ko ang tingin ko sa kanya na nanliliit na ang mata sa akin.
"That is why I am asking you to eat, right?"
"Well not with you." Umirap ako, he seemed offended kaya tumuwid ako sa pagkakatayo. Silenty reminding myself to be nice.
Well, Ria, newsflash, hindi ka pa nag-aapologize sa kanya at nagpapasalamat ng maayos.
"O-okay, let's just eat. Im hungry." Ulit ko.
Sumabay ako sa kanyang paglalakad. His employees were greeting him cheerfully. Wala syang pinapansin na kahit sino. Hanggang sa di ako makatiis kinalabit ko na sya. Nilingon nya ako ng may nakataas nakilay.
"Bakit hindi ka namamansin?" I asked. Nagkaroon ng wrinkles sa noo nya. "Your people, at least give them the courtesy and say 'hi'"
"Are you are being friendly while I am away?" Naghahamon nyang tanong. Ano kaya ag pinagsasasabi nya?
"I am friendly." Sagot ko.
"You are not. Tsk. Or if you are, you shouldn't." masungit na sabi nya.
"Just say 'Hi!'" I insisted. Dapat ganoon ang pakikitungo sa mga employees para hindi sila aalis sayo.
"Tss, Hi." Walang ganang sabi nya doon sa nag-good afternoon sa kanya tapos halos mahimatay yung grupo ng mga babaeng pinansin nya. That's weird, kaya siguro ayaw nyang mamansin. Hindi naman nahihimatay yung mga binabati ko doon sa opisina namin.
Umabot na kami sa labas ng kanilang building, sa tabi non ay mayroong dalawang restaurant, isang Persian at isang American, ako ang pinapili nya. Nang hindi ako sumagot agad, tinanong nya pa kung may gusto akong iba. Of course I don't want to demand anything kaya pumili na ako ng isa.
"Tuscan Salad." Sabi ko bago isaoli ang menu doon sa waitress dito sa American Restaurant na napili namin. Inantay naman ng waitress ang order ni Gaelan na tutok pa din ang mata sa menu.
"I will have a cream of mushroom soup, roast chicken with mashed potato, spicy aglio olio, pan fried salmon, angus beef cheeseburger, extra rice and lava cake for dessert." Inisa isa ni Gaelan ang kanyang gusto.
Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay. Hindi naman sya masyadong gutom? Buti na lang at nakatingin sya doon sa menu, hindi nya nakita ang pagtaas ko ng kilay. Hindi na ako magiging bad sa kanya kasi ako naman ang may kasalanan kung bakit sya nagkaganyan.
Nang dumating na ang order namin, sinimulan ko na ang salad. Abala naman si Gaelan sa pagsasalin sa plato ng pagkain nya. Nagkamali ako, para pala sa akin ang sinasandok nya nang itinulak nya sa akin ang platong may laman na tig kakalahating serving ng mga inorder nya.
BINABASA MO ANG
THE BAD BOY'S SLAVE
Teen FictionA good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️