CHAPTER 1

7.7K 129 6
                                    

Naalala ko na naman tuloy yung mga masasaya at malulungkot na pinagdaanan namin ni Thej. Nakakabaliw lang, kasi halos apat na taon din yung nakalipas...

Ngayon, isa padin akong model at sya naman ay isa nang businessman slash International Architect.

"Smile Shan!! Look at the lens....Fierce!" Sigaw nung cameraman. I'm here at studio. Ginagawa ko yung mga sinasabi saakin nung camera man. I want to finish this first before our dinner date with Thej, of course.

*Click* *Click* *Click*

Wala padin naman akong pinagbago, masungit padin. Ewan ko pero parang mas naging active ata yung Sungit mode ko sa tuwing nakikita ko si Thej. Lumalakas kasi yung Hangin nya eh.

"Ano? Okay na ba yang mga shots ko? I have a dinner later! Kaya pwedeng paki-bilisan?"

Tumango yung cameraman. Kinuhaan nya ako ng mga napakaraming shots. Hanggang sa matapos kami, haggard. Uuwi pa ako sa bahay para magbihis. Nakakasar talaga oh!

Magpasundo kaya ako kay Thej.

To: Mayabang na Bagyo. ♥

Sunduin mo ko dito sa studio, tinatamad akong magdrive.

Hayyst, Nga pala these past days medyo napapansin ko kay Thej na palagi syang busy sa work nya. Nasabi ko ba na 4 years na kami? So ayun nga, 4 years na kami at ngayon ko lang nararamdaman na parang nawawalan na ng time saakin si Thej. Bigla nalang nagvibrate yung phone ko.

From: Mayabang na Bagyo. ♥

Sorry Shan, busy ako eh. Pasundo ka nalang kay kuya Mayco.

Medyo nadis-appointed ako dun. Kasi naman, lagi nalang nyang inuuna yung trabaho nya. Nakakainis.

Hindi ko na sya nireplayan. Mas lalo lang akong maiinis sakanya. Business...business... alam ba nyang may fiancee sya. Oo, he proposed me na. At ang nakakaasar pa, baka makalimutan nya na may dinner kami.

Nagtext ako kay Hydie..

To: Hydie-BRUHA!

Hyds. Sunduin mo nga ako dito sa studio, wala magsusundo saakin.

From: Hydie-BRUHA!

Shan, may sasakyan ka diba? Gamitin mo. Useless.

Tignan mo 'tong si Hydie.. Ang kapal. Grabe..

To: Hydie-BRUHA!

Edi wag. Letche! Dami pang sinabi.

Hindi na sya nagtangka pang magreply. Nakakaloka, Wala ba talagang magsusundo saakin dito. Bahala na nga! Ako nalang magdadrive.

----

Pagdating ko sa bahay, meron akong nakita na taong nakatayo sa may Veranda. Pilit kong tinatandaan kung sino sya pero hindi ko talaga maalala.

Mabilis akong pumunta sa Veranda. Maaga pa naman, 8 yung dinner namin. 6:30 palang.

"Who are you?" I asked. She's familiar. May kamukha sya pero hindi ko matandaan.

She smiled. "I'm Jacynth. Jacynth Lim. I'm actually waiting for you."

Pinapasok ko sya sa loob ng bahay. Pilit ko talagang inaalala yung itsura nya.. hindi saakin familiar yung pangalan. Ang familiar ay yung itsura nya, para bang nakita ko na sya dati..

"Uhmn? Excuse me Ms. Laurel, Nakatulala ka ata?" She said.

"Ahh! Nevermind." Hinarap ko sya ng maayos. For sure, about business 'tong pag-uusapan namin. "So, What brings you here?"

Napag-serve ako kay Yaya ng Juice for Jacynth. Nang maibigay na sakanya yon ay ininom nya. She face me again.

"Uhh!! About our company proposal. I'm the CEO of LimSha Magazine. And I want you to be our summer cover model." She said.

I smiled. I'm amazed, imagine ako pa talaga ang binisita ng CEO ng LimSha Magazine para lang magbigay ng proposal nya. Ganon ba talaga nya ako kagusto as their Model?

"Summer Cover? Uhm! I'm flattered kasi ikaw pa talaga ang pumunta dito Ms. Lim, pero I need to check my schedule for this summer. You know naman, I'm the Sure's Model. I need to get their permission muna before I accept your proposal." I explained. Hindi ako mahilig sa paligoy-ligoy. Para lang yon sa mga duwag.

Mukhang nadis-appointed si Jacynth sa sagot ko. "Its okay Ms. Laurel. Uhm! Kapag nagbago yung isip mo, just inform me. We're willing to wait."

Tumayo sya at ngumiti. I gave her also my pleased smile. Alam kong nakakadis-appointed talaga yung pagtangi ko. Pero wala eh, kesa naman sa magpaka-impokrita ako at makipagplastikan sakanila. Hindi ko pa naman nachecheck yung schedule ko e.

After umalis ni Ms.Lim, chineck ko 'yung orasan ko. Its, 7:12 pm. Maaga pa. I also checked my phone pero ni Hi-ni-Ho from Thej ay wala akong nareceive. Nakakainis na naman sya.

To : Mayabang na Bagyo. ♥

Yabang. Ano? Tuloy ba yung dinner natin? Sabihin mo na nang maaga dahil ayokong nag-aantay.

Wala pang ilang minuto, nagvibrate na yung phone ko.

From: Mayabang na Bagyo. ♥

Sure. Tuloy yung date, Doon parin sa La Presa Restaurant ha? Mauna ka na, hahabol ako.


Tignan nyo sya? Ang kapal talaga ng mukha. Hindi manlang ako susunduin. Tapos pag-aantayin pa ako? Aba ang tigas ng bungo. Pakshet ka Thej.

To: Mayabang na Bagyo. ♥

Magdinner ka MAG-ISA mo! Nawalan na ako ng gana.

"Ya, paki-handa yung pagkain KO. Dito ako magdidinner." Sigaw ko.

Wag mo kong ginaganyan Thej. Nakakabanas ka!!

Author's Note


Namiss nyo ba ang tambalang, ArShan? How's your day. Continue reading po. Leave Votes and Comments.

MSMMY 2: Marrying Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon