“Bakit Kevin? Anong pag-uusapan natin?”
Parang tanga ‘tong si Kevin. Kaninang umaga napaka-hyper tapos ngayon bibigyan ako nang seryosong mukha. Seriously? Hindi padin sya nagbabago?
“Umupo ka muna!”
Umupo ako sa kahoy na upuan na tinuro nya. Ang ganda talaga dito sa beach resort nila. “Kamusta ka na? Okay ka na ba?”
Akala ko naman ano na naman ‘yung sasabihin nya. Ayun naman pala magtatanong lang—– Wait?! Is this Dejavu? Ganitong-ganito din ‘yung paraan nya nang pagsira sa puso ko diba?
Oh no! Wag kang magpapahalata na mabait ka sakanya. Kailangan magalit ka sakanya!!! 😡
“Okay na.”
Napansin ko yung paglingon nya saakin dahil sa cold kong sagot. Why?! Mga Paraan mo Kevin! Kilala na kita?!
“Ah! So? Hindi ka naman siguro magagalit kung sasabihin ko sayo na wag kang ma-awkward saakin ah?!”
“Huh? Bakit?”
He sighed. “Ramdam ko na na-aawkward ka saakin kanina eh!” Mabilis nyang iginapang yung kamay ko sa kamay nya. Wag kang ganyan, Kevin!
“Please lang, Shan. For this time, Trust me..pagkatiwalaan mo ako sa loob nang tatlong linggo.”Iniwas ko yung kamay ko. “Ah–eh, Wala-la lang y-yon?! O-Okay lang t-talaga.. Hindi naman a-awkward..”
Hindi ko na kaya pang makipag-usap sakanya kaya naman inaayos ko yung sarili ko at tumayo na ako.
“Oh? Saan ka pupunta ha?”
I smiled. “Sa loob.. Gutom pa pala ako eh!”
Hindi ko na nagawa pang humakbang nang hilahin nya yung kamay ko palapit sakanya. Dahilan para masubsob ako sa dibdib nya.. Nakakaloka! Ano ba ‘to? Ginugulo mo ko Kevin?
“Shan! I......”
“Kevin! Pwede bang umayos ka. Kung may binabalak ka mang balikan ang nakaraan.. Pwede bang itigil mo na? Dahil wala ka nang babalikan pa!!”
Hinigit ko yung kamay ko sa kamay nya. Walang kami, at kahit kailan hinding-hindi ko na hahayaang pumasok ka pa sa buhay ko...
KEVIN LEGAZPI...
------
THEJ'S POV
“Sir, May bisita po kayo?”
Mabilis akong bumangon sa pagkaka-upo ko. Baka si Shan na ‘yon. Pero ang laking dismaya ang natamo ko nung pagka-kita ko kung sino ‘yung pumasok.
“Hi, Thej!!”
Kinuha ko nalang ulit yung wine na nasa tabi ko at ininom ko nalang yon. Kesa makipag-usap pa sa babaeng ‘to! Wala akong mapapala sakanya.
Iniwan ako nang taong mahal ko, iniwan ako nang mag-ina ko nang dahil sakanya—nang dahil sa kagaguhan ko. Gusto kong ilublob ang sarili ko sa alak! Kahit panandalian lang ‘to! Gusto ko pading makalimutan na pinagtaksilan ko si Shan!
“Thej! Ano ba? Itigil mo na nga ‘yang pag-inom mo! Ano bang proble—
“IKAW ANG PROBLEMA KO JACYNTH! ALAM MO BANG INIWAN AKO NANG MAG-INA KO DAHIL SAYO!!!”
Hindi ko alam kung saan ko nahugot yung pagsigaw ko. Oo, kasalanan naman talaga nya.. Kung hindi lang sa puny*tang ONE NIGHT STAND na yan! Siguro hindi nya ako bina-black mail. Pinapanakot nya saakin na kapag hindi ko sya pinakasalan. Sisirain nya ang buhay ni Shan!
Ano bang nagawa ko nung past life ko at minamalas ako nang ganito ah? Ang gusto ko lang naman ay pakasalan ang taong mahal ko. Ang laking TANGA ko din kasi eh?! Kung sa simula pa lang pinakasalan ko na si Shan?! Edi sana, MASAYA NA KAMI NGAYON.
Dapat kasi natuto na ako kay Sahara dati eh! Na dapat ingatan talaga si Shan eh!
“B-Bakit mo ko sinisisi? A-Ako ba ang may kagagawan kung bakit nabuntis ako sa One night Stand na ‘yon?”
“P*ta! Ayun nga eh?! Eh kung alam kung shoot ball pala ako kapag tumira, sana pala hindi na ako pumayag na maglasing kasama ka! Sabi mo Business lang ang gagawin na’tin sa pag-inom na ‘yon! MALAY KO BANG AKO ANG BUSINESS MO?!”
Umiyak na ako. Hindi ko na kaya, dala na din siguro sa alak na nainom ko kaya nagkakaganito ako. Nakakagago diba? Business drink! Tas ako yung business.. HAAHAHAHA TANGINA.
(Sorry for my foul words)
Nabigla ako nang bigla syang lumapit saakin at sinampal ako.. “Ang kapal din nang mukha mo, THEJ! Hindi lang ako ang may gusto nito tandaan mo?! Kaya tandaan mo din na hindi kita ibabalik sakanya. Kung si SAHARA binalik ka sakanya, pwes ibahin mo ako!”
Ewan ko pero biglang nang-init yung tenga ko. Bangitin daw ba si Sahara?! Patay na yung tao, binubuhay nya pa.. Wala syang kwentang kapatid. Oo, magkapatid sila. Jacynth Lee. Sahara Lee.. Diba?
Ibinaba ko ‘yung bote. At hinarap ko sya gamit matatalim na tingin ko.
“LUMAYAS KA DITO! WAG KA NANG BABALIK DITO!! TANDAAN MO YAN JACYNTH. HINDING-HINDI KITA MAMAHALIN DAHIL SA BUNTIS KA. MAMAHALIN KO LANG ANG BATANG DINADALA MO?! AT KAHIT KAILAN HINDING HINDI KO NAKITA YUNG SARILI KO NA MAG-AANTAY SA ALTAR NA IKAW ANG BRIDE KO!”
Tsaka ko sya tinulak palabas nang office ko. Okay lang na may anak ako sa iba, basta ba ang mapapangasawa ko ay sya lang—okay na.
At ngayon! Hinding-hindi na kita isusuko pa Shan! Bumalik ka na please...
Dahil ngayon, Alam ko na na-ipaglalaban na kita..
--
LEAVE VOTES 🌟, COMMENTS 📝 and SHARE IT WITH YOUR FRIENDS 💑Mind to follow my FB Page.
-Hyduuush Stories
and on Twitter
-@bulanonhydie
![](https://img.wattpad.com/cover/66303370-288-k82750.jpg)
BINABASA MO ANG
MSMMY 2: Marrying Mr. Yabang
Teen FictionSabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya. We're engaged pero yung KASAL?! Uhm-undecided lagi. Diba? Nakakaasar. DATE STARTED: MARCH 20,2016 DA...