Hello guys, author's note again. Seryoso sana suportahan nyo yung story tungkol sa anak ni Shan at Thej. Hindi ko muna kasi pwedeng sabihin yung name eh. SPOILER ALERT! Hahaha, ayun lang. Mas maganda yung twist non. Walang mga plot yung mga story ko I guess. Hahaha
Thanks.
-------
SHAN’S POV
Halos buong byahe hindi kami nag-usap ni Thej. Inaantok kasi ako kaya wala ako sa mood makipag-usap. Alam nyo naman kasi kung bakit diba? Hello? Pregnant ako kaya moody?! Pero parang kahit hindi naman ako buntis moody naman na ata ako eh. Hahahaha
“Oy! Bakit ka nangingiti dyan ha? May iniisip ka noh?”
“Malamang may iniisip ako. Atsaka! Ano ba? Wala ka nang paki don?”
“Alam ko namang tungkot sa akin at sa baby abs ko yung iniisip mo?” sabi nya habang nahalakhak sa pagdadrive.
Baliw na talaga ‘to? Baby sorry ah! May nanay kang moody at tatay na baliw.
Hindi ko nalang pinansin sainyo eh. Sabi na nga bang masama ang epekto kapag nauna kang magsasalita eh!
Hanggang sa narating namin ang bahay nila ni Hydie at Josh. Okay? Malaki naman.. Malawak. Siguro si Tito ang naghanap nito kaya ganito ka bongga.
Pumasok kami sa loob nang gate nila. Grabe ha? Yung totoo? Bahay ba ‘to o mansion sa sobrang lawak?
Nakita namin doon lahat nang kamag-anak namin. Sa side man ni Josh or sa side ni Hydie.
“Oh! Pinsan!!”
“Ayun si Josh oh?!”
Napansin agad kami ni Josh. Ayun, lumapit kami ni Thej sakanila. Nagulat ako nung biglang hawakan ni Thej ang kamay ko. Binigyan ko sya nang tingin pero nginitian nya nalng ako.
“Phew. Ang sweet nyo ah?”
Bungad ni Hydie na buhat-buhat si Jua /Ju-ya/. Napanganga kami ni Thej nung nakita namin si Jua. Mas lalo tuloy hinigpitan ni Thej yung kamay ko. Ang ganda ni Jua kahit 1 year old palang sya.
“Hyds, bakit ganyan si Jua? Anong pinaglihi mo sakanya?” tanong ni Thej kay Hydie. Nagulat kami sa tanong nya. Bakit sya ba ang naglilihi?
“Hay nako! Wag nyong tanungin si Hydie. Ako na ang sasagot!” -Josh
“Josh, para kang baliw.. Nakakahiya!”- Hydie
“Hay nako, babe. Sabihin ko na. Kaya ganyan nalang kaganda si Jua kasi alam nyo ba yung barbie na cartoons? Ayun lagi yung pinapanood nya. 24/7 walang paawat. Tapos lagi nya pang pinapanood yung mga kpop girls idol. Lalo na ‘yung si Eunha nang Gfriend? Kaya ayun, kamukha na ata ni Jua yun. Tapos yung mga magazines na binibili ko minimake upan nya yung mga mukha gamit pa yung mga labelled make ups nya.”
Halos makalag-lag panga pala kung maglihi si Hydie. Akalain nyong pati magazine pinapatos? Minimake-up-an nya pa. Si Thej at Josh naman di maawat sa pagtawa. Buti talaga di na masyadong pikon si Hydie.
“Paano kaya pag-nagkataon na lalaki ang anak nyo, hyds? Ano kayang mangyayare?”
“Para kang gago, Thej. Alam mo ba yung mother's instinct. Alam kong babae kaya nga nagisip na agad ako nang name.”
Natawa nlang ako. Ano? Sapul ka ni Hydie. Natahimik nalang silang dalawa ni Josh. Magkasundong-magkasundo ‘tong dalawa eh?
“Sige, iwan na muna namin kayo ni Thej. Pupuntahan lang namin yung mga kaibigan natin!” paalam ni Josh. Inismidan ko nalang sila.
“Eh bakit ganyan yung mata ni Jua. Color violet?”
“Ewan ko nga eh. Pinacheck-up namin sya nung nakaraan.. Its okay lang naman daw. Atsaka asset nya daw ‘to. Bihira lang naman daw sa bata ang magkaroon nang colored eye dito sa bansa natin.”
“Wow. Sana ganon din ‘yung baby ko! Kagaya ni Jua.”
After how many hours. Natapos yung party na successful. Ayon! Happy happy ulit. Kaso nawala ako sa mood kasi naandoon lahat nang ka batchmate namin tas panay tanong sa Career ko. Hahaa okay lang sana kaso hinalungkat pati yung kay Sahara. Naalala ko tuloy si Jacynth kaya umuwi nalang kami ni Thej.
---
LEAVE VOTES 🌟, COMMENTS 📝 and SHARE IT WITH YOUR FRIENDS 💑
Mind to follow my FB Page.
-Hyduuush Stories
and on Twitter
-@bulanonhydie
BINABASA MO ANG
MSMMY 2: Marrying Mr. Yabang
Teen FictionSabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya. We're engaged pero yung KASAL?! Uhm-undecided lagi. Diba? Nakakaasar. DATE STARTED: MARCH 20,2016 DA...