CHAPTER 6

1.9K 65 5
                                    

SHAN’S POV

Tapos na ‘yung birthday party ni Zeph. At ngayon, lahat ng kabarkada nila ate Hanna at kuya Troy ang naandito. Nakakaloka! Nakakahiyang makipag-usap sakanila. Mag-iinuman pa ata sila.


Merong napakahabang lamesa dito sa Garden kung saan nangyare kanina ‘yung celebration. Tapos ngayon, ito na ‘yung lugar kung saan may gaganapin na inuman session.



“Okay!!! Magsi-upo na kayoo!! Inuman na!!” Sigaw ni kuya Troy.

Mabilis na nagsipuntahan yung mga kabarkada ni kuya Troy kasama si Thej.

“Ano? Sasama ka ba doon?” tanong nya saakin. Sa totoo lang, ayokong sumali sakanila. Ewan ko pero PASS muna ako. May shooting pa ako bukas eh!

Ngumiti naman sya at hinawakan ‘yung kamay ko.. Shet, wag kang ganyan Thej. Baka mapasubo ako, Hahaha.. Sa INUMAN. Kayo talaga!

Ewan ko pero biglang nawawala yung sungit mode ko. Dahil lang naman sa mga nakaka-adik na ngiti nya. Hinila nya ako palapit sa table at pinaupo nya ako sa upuan na tabi nya. At saka nagsimula na silang mag-inom. Hindi lang ako ang babae dito, andito sila Ate Maydie, ate Shayne at ate Trisha.


Masaya sya sa pakikipag-inuman nya. Pero—hindi maalis sa isip ko, Kailan nya ba ako papakasalan... bakit hindi pa nya planuhin? Biglang nagbago yung mood ko, from good to pissed.

Nakita kong nagvibrate yung phone nya kaya hiniram ko muna. Pero hindi ko inaasahan ‘yung nabasa ko..

From: +639123455677

Okay na ang iba. Pumunta ka dito, magdidinner tayo..


Binitawan ko ‘yung kamay nya.Hindi ko alam pero biglang KUMIROT yung kalahating parte ng puso ko. Parang natusok. Dinilete ko ‘yung text. Para kunyare wala akong nabasa.. at para nadin HINDI NYA MABASA!




“Okay ka lang, sungit?” tanong nya nung naramdaman nya ang pagbitaw ko.

“Enjoy ka lang..”





“Hindi ‘yan ang tanong ko, sabi ko Okay ka lang ba?”





“Wait lang, may kukunin lang ako sa kotse ko!”

Pinigilan ko yung mga luha kong kanina pa nag-uunahan sa pagbagsak. Pero wala akong magagawa ngayon kundi itago yung sakit.

Lumakad ako palayo sakanya. Paglabas ko ay doon ko binagsak lahat ng luha ko.. pumasok ako sa loob ng kotse ko at doon umiyak ng umiyak, hindi nyo ako masisisi. Akala ko, AKO lang eh!


“Ano bang kulang saakin, Thej! Akala ko AKO lang!!! SABI MO AKO LANG!!”

Patuloy padin ako sa paghagulgol at paghampas sa manibela. Grabe, ang sakit sa puso.


Nagsawa na ba sya saakin? Baka mas masaya sya doon? Baka pampaubos oras lang ako?




Calling  Ate Hanna....







Sasagutin ko ba O hindi? Walang patutunguhan kung—




Wait... *Ewwrkk*



Naduduwal ako.. binuksan ko agad ‘yung pinto ng kotse ko at sa labas ako dumuwal..




“*Ewwk~*”





-----
Author’s Note

Hi po, kaya po MR. YABANG lang ang nilagay ko sa title kasi hindi na masyadong magtataray si Shan dito.

Sana mag-iwan kayo ng Votes and Comments.. Paki-spread nadin. Regalo nyo nalang ‘to kay Author dahil successful ang MSMMY..

hyduuush♡

MSMMY 2: Marrying Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon