Ang saya sa pakiramdam na nanganak na ako. Na—nakita ko na yung anak ko. Siyam na buwan ko din syang inalagaan sa loob nang sinapupunan ko. Imagine, gaano ka tagal yon. Pero sulit naman kasi nakita ko na sya ngayon.
Ang ganda nang mata nya, nakuha nya sa mata ko. Yung pilik mata nya kay Thej. Yung kilay nya saakin.. Yung labi nya? Uhmn.. Siguro kay Thej? Tapos ang ganda pa nang kulay nya. Napaka mestisa. Aalagaan ko talaga tong batang ‘to.
“Ang ganda nya noh?”
Napalingon ako doon sa nagsalita. Uh, si Jacynth pala! Kasama si Marcus. Yung baby nila ni Thej.
“Oo nga eh?!”
Lumapit muna ako kay Marcus at niyakap ko sya nang napakahigpit. Isang bwan palang sya. Tapos ang cute din nya. Nakuha nya kay Thej yung itsura nya kaya di na ako magtataka na anak nya nga ‘to.
Inihiga ko si Marcus sa may tabi ni Nies.
“Grabe! Nung kailan lang pinagaawayan pa natin si Thej. Pero ngayon, may kanya-kanya na tayong pamilya.”
“Oo nga eh! Akala ko dati tatanggapin ko lang na kabit ako ni Thej..”
Tinignan ko sya. Kitang kita ko na ngumingiti sya. “Pero ngayon, tanggap ko na na ikaw ang mahal nya..”
“Masaya din naman ako na nakilala mo na ang magpapasaya sayo Jacynth.. Kaya naman, iniimbitahan kita sa kasal namin ha?”
Nginitian ko sya. Lumapit sya saakin at niyakap ako. Masaya ako na nakilala ko ang kagaya mo... Jacynth! Ikaw siguro ang replica ni Sahara.. Kung dati nang hihinayang ako dahil sa nasayang na pagkakataon na maging kaibigan si Sahara.. Ngayon hindi ko na sasayangin pa.
------
“Jacynth! Sayo muna si Nies ha? ”
“Oo sige ba. Basta kailangan maganda yung bride's maid gown ko ha?”
Nagsitawanan nalang kami. Best man pala si Mikee. Ang awesome lang kasi nagtatampo si Hydie bakit hindi daw sya Bride's maid ko. Sinabi ko naman na abay sya eh! Sya pa? Lumabas na kami ni Thej sa bahay at sumakay na kami sa sasakyan.
“Babe... I'm so happy, we'll getting married.”
I smiled. Oo nga, 5? 6? Ilang taon ba kaming engage? Grabe. Hindi ko akalain na yung kasal na pinakaiintay ko ay umabot ba nang 2 years bago matupad. Tama kayo, 2 years palang kami ni Thej nagpropose na sya saakin tapos ngayong 4 years na kami tsaka lang nya naisipang magpakasal kami.
---
(Now playing: Everytime by Chen and Punch)“Ma'am ang ganda ho sainyo nang napili nyo..”
Nangiti ako. Ewan ko kung maiiyak ba ako.. Grabe yung saya na naramdaman ko nung suot ko ‘tong gown na ‘to. For sure kayo din kapag nakapag-sukat na kayo nang future wedding gown nyo. For sure ganun din mararamdaman nyo.. Yung feeling na magkakaroon ka na nang sariling pamilya ay nakaready na.
“Ma'am gusto nyo po bang tissue?”
“No! Its okay Ms. Drew.”
“So pwede na ba nating ipakita kay soon to be husband mo yang susuotin mo?”
I nod. Nagulat ako nang biglang bumukas yung kurtina na nasa likuran ko. Bigla nalang umikot yung pabilog na pinapatungan ko, para tuloy manika na dinidisplay.
Nakita ko si Thej na naka-upo sa couch at tumitingin sa magazine. Hindi nya pa siguro napansin yung presensya ko.. Pero nung tuluyan nang natanggal yung kurtina na nakaharang sa harapan ko.
Nakita ko agad yung reaksyon nya. Nakita ko din yung saya't gulat sa mata nya. Napakaswerte ko talaga sakanya. Ngumiti nalang sya saakin habang patuloy akong tinitignan simula ulo hanggang baba.
“So? Anong masasabi mo Mr. Villaflor?”
“S-She's ve-very gorgeous!!”
Napangiti nalang ako. Kahit ngayon na may anak na kami ay ramdam na ramdam ko padin yung pagmamahal nya.. Sana habang-buhay kaming ganito diba?!
MATAPOS naming magsukat at mamili nang nga damit para sa kasal namin ay napagdesisyunan namin ni Thej na umuwi. Para makita na namin si Neis.
Habang nagmamaneho sya, naramdaman ko yung pag-gapang nang kamay nya sa kamay ko. Napangiti ako pero maluha-luha.. Ilang buwan nalang ba?—Or let say araw ang natitira?! Magiging mag-asawa na kami.
“I love you so much, Shan!” he murmured. Nung narinig ko yon, bigla nalang akong napaluha.. Yung mga panahong nag-simula kami sa simula naalala ko na naman..
Yung mga panahon na asar na asar ako sakanya at bigla nalang akong nakaramdam nang tibok dito...dito sa puso ko. Yung mga panahon na akala ko hindi na kami magiging masaya.
“I love you too, Thej!”
Sana habang-buhay na ‘to!
-----
Please make your playlist.
- Ya Ya Ya by Urban Zakapa
- Fool AgainKailangan yan sa next chapter kaya download nyo hahaha.
LEAVE VOTES 🌟, COMMENTS 📝 and SHARE IT WITH YOUR FRIENDS 💑
Mind to follow my FB Page.
-Hyduuush Stories
and on Twitter
-@bulanonhydie
BINABASA MO ANG
MSMMY 2: Marrying Mr. Yabang
Teen FictionSabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya. We're engaged pero yung KASAL?! Uhm-undecided lagi. Diba? Nakakaasar. DATE STARTED: MARCH 20,2016 DA...