CHAPTER 13

2K 61 2
                                    

Shan's POV

Nakakagago na naman si Thej! Ewan ko pero naiinis ako sakanya ngayon. Paano ba naman kasi na hindi ka maiinis, bumili nang napakadaming prutas. Eh ang gusto ko lang naman ay Butter Vanilla Cake. 😭😭


Napaka-OA. 3 weeks palang si baby eh! Kahapon after nya ngang malaman na buntis ako, agad nya akong pinagpahinga after naming makarating sa mansyon nya.  Sinabi ko na doon nalang nya ako ihatid sa bahay ko. Kaso iba rin kasi yung kaSALTIKAN nitong lalaking ‘to.


Baka daw hindi kami maging healthy ni baby, tsaka di nya daw kami mababantayan doon?! So ano? Forever na kami dito? Paano yung mansyon ko? Tapos si ate Jae? Yung trabaho ko?!


“Thej!! 3 weeks palang si baby! Iniispoiled mo na agad!”


“Kahit na. Atleast, mababantayan ko kayo.”



“Sira. Paano mo naman kami mababantayan kung may PASOK ka?!”



Nginisihan nya lang ako. Ngisi na hindi ko pinagsisisihan na sabihin sakanya ang totoo. Wag kang ganyan VILLAFLOR. Baka hindi ko na kayang itanong ulit kung sino yung BABAE!!

“Hehe 😂😂 Edi hindi na muna ako papasok, hanggang sa manganak ka.”


Hindi ko na napigilan yung sarili ko at nabatukan ko na sya. Nasa kwarto nya kami ngayon, parang kasing laki nang isang bahay ang kwarto nya. Kulang nalang kusina eh pwede na ‘tong condo unit sa laki.




“Sira ka talaga. Baka nakakalimutan mong president ka?!”


“Wag kang mag-alala. Tinext ko na si dad about this kagabi palang. Kaya instead na kung ano pang isipin mo, just focus on our baby.”

Tas hinawakan nya yung tummy ko. Para bang kinakausap nya yung baby sa katawan ko. Hindi ko tuloy maimagine na buntis ako nang hindi kami kasal. Baka isipin nila na napaka-disgrasyada naman ako.




“Shan? May problema ba? Natahimik ka ata.”



“May iniisip lang ako.”



Hanggang ngayon ay hinihimas nya padin yung tummy ko. “Ano ba ‘yon? Mapapasama sayo kung ikaw lang ang mag-iisip masyado. I'm here to listen!”




Feel ko hindi magandang ideya kung itatanong ko sakanya ang about sa kasal namin. I know its hard for me na hindi kami kasal tapos buntis ako. Pero kaya ko, the question is Kaya ba nang parents ko?

I take a deep breath. “I know hindi mo magugustuhan kapag nagtanong ako tungkol doon.”


“About saan ba?!..”






“Wedding.”






Inayos nya yung upo nya at binigyan ako nang seryosong tingin. Sabi na e, ayaw nya talaga akong pakasalan. All he want is baby. Kaya dumistansya na ako sakanya.




“Mahal mo ko. Mahal mo yung baby KO. Tapos kapag KASAL na natin ang pinag-uusapan natin.. NATATAHIMIK KA?”





“Shan..”






“Sabihin mo lang kung ayaw mo kong pakasalan.. Nang hindi ako nasasaktan nang ganito!! Nakakasama sa bata eh!!”






Bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha ko yung bag ko. “Oh? Saan ka pupunta?!”







Inirapan ko sya. Bago pa man ako makalabas sa kwarto nya ay sinagot ko ang tanong nya.






“Sa lugar na hindi mo kami mahahanap. Para makapag-isip ka. Bibigyan kita nang isang buwan para mag-isip. Hindi ko muna hahayaang makita ka sa loob nang isang buwan. Bahala ka kung anong gusto mong gawin habang nag-iisip ka, kung gusto mo ligawan mo yung babaeng kasama mo kahapon eh!! DYAN KA NA NGA!!”





Lumabas ako sa kwarto nya at nagmadaling lumabas nang mansyon nya. Ang kapal nya talaga hindi nya ako hinabol.. Hindi manlang nya inisip na baka mapahamak kami nang baby nya sa daan?



Pero dahil wala nga akong dalang sasakyan ngayon. Nilakad ko muna ang daan papunta sa park. Nang makarating ako doon ay agad akong naupo sa may duyan. Saan kaya ako pupunta, yung hindi makikita ni Thej?




Hinawakan ko yung tummy ko. “Baby, hindi ko pinangarap na bigyan ka nang sirang pamilya. Pero from now on, I promise na si mommy ang mag-aalaga sayo. Kung sakaling, hindi tayo balikan ni daddy..”










Hindi ko na naiwasan na maiyak. All these years, I thought Thej loves me. Pero mukhang ako lang ata ang nagmahal nang todo eh! Habang naglalabas ako nang saloobin ko kay baby, namalyan ko na parang basa na ako.. Hindi dahil sa luha. Dahil pala sa ulan.







Pero hindi ko inaasahan ang pagdating nang isang tao para payungan ako.



“Kanina ka pa dyan?”







“Actually kanina pa ako sa tabi mo. Hindi mo lang nahalata..”




“Ah!” matapos kong sumagot ay yumuko nalang ako at hinawakan si baby.




“Sabi nila, masama daw sa buntis ang magpaulan. Kaya halikana, ihahatid na kita sainyo?!”








Binigyan ko sya nang clue-less looks? So,totoo nga na kanina pa sya? Hinawakan nya na yung kamay ko pero tinabig ko lang ‘yon.





“Wag mo kong dalhin sa bahay, Clyde. Pwede bang iwan mo na ako. Hayaan mo na muna ako pwede?!”









Masama na kung masama na sungitan ang taong nagmamagandang loob lang naman diba?






Pero kahit na, hindi nya alam yung sakit na dinadanas ko ngayon. Masakit talaga eh!





“Hindi kita pwedeng iwan sa lagay na yan. Hindi ako kaya ni Villaflor na iiwan ka. Atsaka ngayong alam ko na buntis ka, ayokong mapahamak si baby. Kukunin mo pa akong ninong nyan eh!”






Hindi ko tuloy mapigilan na matawa. Hahaha😂😂 BAHALA KA DYAN.












Pero sangayon mukhang ang tao lang na makakatulong saakin ay si Clyde.





“Clyde. Ilayo mo ko dito sa loob nang isang buwan parang awa mo na.”








Ngumiti nalang sya at hindi nagsalita. Hinawakan nya ako at inalalayan papunta sa kotse nya. Mukhang sa tamang tao ako napunta 😂











_hyduuush_













MSMMY 2: Marrying Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon