CHAPTER 34

1.4K 37 1
                                    

6 Chapters to go!! Sorry for the inconvenience .

-----------

THEJ'S POV

Planado na. Planado na yung kasal namin. A month after nyang manganak. Actually last week pa settle ang date kaso kailangan kong konsultahin si Shan!

“Paano ba yan insan.. Dalawa ata tayong ikakasal ngayong taon ah?”

Nasa bar kami ngayon Mikee. “Oo nga eh!”

“So ano na? Papa-Stag party na ba tayo?!”

“Gago. Ayoko nang ganon..kahit pa pilitin nyo ako sa Stag party na yan! Ayoko talaga!!”

“Para kang tanga. Huling tingin mo nalang yun sa ibang babae. Kasi itatali ka na kay Shan! Bahala ka? Di ka na makakatikim nang iba!”

“Wala akong balak tumikim nang iba. Si Shan pa lang sobra-sobra na para saakin eh?!”

Huminga nalang sya nang malalim at ininom yung Rhum na nasa harapan namin.

“Ikaw ba? Gusto mo bang makatikim nang iba bago ka matali kay Jacynth?!”

Natahimik sya at inilapag yung baso nang Rhum. “Ayoko na pre. Sya palang biyaya na eh! Kahit naunahan mo ko sakanya okay lang atleast binigay mo sya saakin!”

“Loko! Binigay sayo? Eh hindi naman sya naging saakin eh?! Hahahaha!”

Napakamot sya sa ulo nya at ininom yung alak..okay, kailangan na naming magpakasaya dahil konting tiis nalang magiging ama na kami.

------

SHAN’S POV

Nasa bahay kami ngayon ni Hydie. Kasama syempre si Jacynth, one of the girls na sya eh. Hahahaha of course naandito din si Thea kasama si Xyriel her baby. Si ate Julianna din naandito kasama si Kill'em. Tapos si ate Hanna na kasama si Zeph.

Girls day ngayon. Wala daw kasi si Josh nasa korea for his business trip. Mamaya pa daw ang uwi. Si Mikee naman kasama ni Thej. Tas si kuya Troy nasa work nya. At ang sabi naman ni ate Julianna si kuya James daw ay nasa Miami daw at may inaasikaso para sa shipping nila.

Boys are always be boys. Napaka-workaholic.

“So? Magpa-double bridal shower kaya tayo?” -Julianna.

“Yeah! Ate is right. Bakit hindi ko agad naisip ‘yon?” -Hydie

“Eh hindi ka naman nakaranas non dahil sa hapit-na-hapit nyong kasal ni Josh. Ang harot nyo kasi eh!” - Julianna.

Natawa nalang ako. Seryoso ba ‘tong dalawang ‘to? BRIDAL SHOWER?! Duh! Ayoko nga.

“Ano? Game ba kayo sa naisip ko?!” -Julianna.

“Ako game ako!” -Thea.

“Ako din game! Hahaha puro kay Troy lang kasi ang nakikita ko. Syempre gusto ko din makahawak nang....” Natigilan kami sa pagkain nang chips at napatingin sakanya. “—nang ABS!!! Kayo talaga!”



Akala ko naman ano?! Mukha kaming gago dito na nagtatawanan. Naglulumot na kami ah!

“So ano nga?! Game ba kayong dalawang bride?! Kasi kaming apat game! Kayo ba?” -Hydie


“Uhm ... Okay lang naman saakin?!” Sagot ni Jacynth. Shet! Alam ba nya yung sinagot nya? May mga sira sa utak tong mga kaibigan ko—este NAMIN eh! “How about you Shan?! Mukhang mag-eenjoy naman tayo eh?”




Napahawak ako sa noo ko. Still thinking about their—Ugh! Ayoko talaga.

“Shan!!!! Ano naa?!” -Hanna.

“Alam nyo parang kayo yung ikakasal eh? Let me think first. Alam nyo namang magkakasala tayo sa mga asawa natin neto eh!”

Napatayo si Jacynth. “Excuse me Shan? Asawa? Hahaha ikakasal palang kaya tayo! We need to be happy bago natin iwanan ang pagkadalaga natin.” tas kumendeng kengdeng ang bruha!

Inirapan ko sya habang nagtatawanan sila. “Kung isumbong kaya kita kay Mikee, gusto mo?!”

Agad naman syang naupo at napasimangot. Binato nya ako nang chips. “Ang KJ mo!”

Nagtatawanan na naman sila nang hindi ko alam kung anong dahilan. Mga baliw eh!

“Pero seryoso! Kung gusto nyo para kay Jacynth nalang. Ayoko talaga!”

“Hay nako! Kung ayaw mo.. Ayaw ko nadin mamaya isumbong mo pa ako kay Mikee eh!” - Jacynth..

“Alam mo naman pala eh!”

“So ganon?! Wala nang BRIDAL SHOWER?!” -Thea.

Napatingin nalang ako sa apat na baby na naglalaro. Si Jua, Zeph, Killem at Xyriel. Apat na babaeng magiging dyosa.

“Oo..” tipid kong sagot. Ayoko talaga sa mga BRIDAL SHOWER na yan eh!

“Ay bahala ka, Shan! For sure magpapa-STAG PARTY sila Troy para sa dalawang ‘yon!” -Hanna.

Inirapan ko nalang sila at kumain na ulit nang chips ko. “Edi magpa-STAG PARTY sila. Subukan lang nila at baka lagariin ko yang pagkalalaki nila.”




Akamang kukuha na ulit ako nang chips ko nang biglang may tumawag saakin.

Calling ate Jaella...

“Excuse me girls ah! I need to take this call.”

Nagnod sila at tumayo na ako. Pumunta ako sa may kitchen banda at tsaka ko sinagot yung tawag.

“Yes ate Jae?!”

(Nasaan ka?! Kasama mo ba si Thej?)

“No! Kasama nya si Mikee yung pinsan nya. Bakit may problema ba? Naandito ako kila ate Han——

I wasn't able to finished my sentence nang bigla syang magsalita.

(Shan! Please. Go home, andito si Kevin! Lasing.. Nagwawala.. Baka magpang-abot pa sila ni Thej!! Hinahanap ka nyaa.. Please!!)



Nabitawan ko yung phone ko. Shet! Hindi maganda ‘to! Hindi pwede ‘to. Malaking GULO ‘to!


----
LEAVE VOTES 🌟, COMMENTS 📝 and SHARE IT WITH YOUR FRIENDS 💑

Mind to follow my FB Page.
-Hyduuush Stories
and on Twitter
-@bulanonhydie

MSMMY 2: Marrying Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon