SHAN’S POV
Madaling araw palang. Pero nagising na agad ako, bumungad saakin ‘yung napakaGAGONG este napakaGWAPONG fiance ko.
Hindi ko padin nakakalimutan ‘yung nabasa ko at nangyare saakin kahapon..
Paano kung BUNTIS ako? Paano ‘yung babae nya? Ano ba ‘yan. Dahil sa tulog pa naman si Thej ay bumangon na ako at naligo.. may mga damit ako dito kasi minsan dito ako tumutuloy.
Nag-shower muna ako bago bumaba sa sala. Naisipan ko ding tignan kung may gising na bang maids. At meron na nga, Si Yaya Madel.
“Ya, Good morning po!”
“Good morning din Madam Shan!”
“Ya, gising na po ba yung ibang maids?”
“Opo, may ipag-uutos po ba kayo?”
Medyo nahiya ako. Kung ako kasi bibili baka magalit si Thej kasi wala ako sa tabi nya. Eh kung magpapabili ako, nakakahiya!!
“O–o, S-Sana?!”
“Ano po ba ‘yon, Madam. I-uutos ko po kay Lucy.”
Napakamot ako sa ulo ko. Ano ba SHAN! Sabihin mo na. Pabebe pa ba? Nakakahiya nga lang!!
“Pwede po bang bilhan nya ako ng Pregnancy Kit po?” Napakamot ako sa ulo ko at napayuko.. Nakakahiya! Ako ‘tong gagamit sa iba pa ako magpapabili?
Nanlaki yung mata ni Yaya Madel..“Buntis ka po ba, madam?”
Hindi na ako nakasagot pa dahil biglang bumaba si Thej at grineet si Yaya Madel. Kaya binulungan ko nalang si Yaya.
“Ya, Paki-dalian po yung pagbili nung pregnancy Kit ah! Kailangan ko na po NOW!”
Mabilis akong dumistansya kay Yaya. Kung totoo man na buntis ako? Kawawa ako. Kasi, Ikakasal ako ng MALAKI ANG TYAN.
Gago kasi ‘tong si Thej. Ayaw pang asikasuhin yung kasal eh.. Mabilis na pumunta si Yaya Madel kay ate Lucy at nagpa-utos. Nakita kong lumaki yung mata ni ate Lucy. Nagulat din siguro sya.
“Saan ka pupunta Yaya Lucy?” tanong ni Thej.
Nyehehe. Lagot! “Inutusan ko sya, Thej. Sabi ko bumili ng Butter Vanilla Cake.” Sabi ko at nagpeace sign.
Ginulo nalang nya ang buhok ko. Sinenyasan ko si Ate Lucy na paki-bilisan. Naghanda nadin si Yaya ng breakfast at dahil sa gutom ako. Naisipan ko na ding kumain.
------
Nareceive ko na yung Pregnacy Kit. Kinakabahan ako, hindi alam ni Thej na... Magtetest ako!
Pinatakan ko agad yung Pregnancy Kit na hawak ko. Obviously ano bang pinapatak doon? Malamang yung ihi mo.
Kinakabahan ako, paano pag ISA? Pag-ISA'T KALAHATI? Eh pag DALAWA? Eh pag may KALAHATI? O dikaya pag naging TATLO yung guhit? Posible ba yon?
Tinakpan ko yung test. Pumikit muna ako bago tuluyang tignan. Nakakahiya kasi!!
HANDA NA BA AKONG MAGING MOMMY, PAGNAGKATAON?
BINABASA MO ANG
MSMMY 2: Marrying Mr. Yabang
Teen FictionSabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya. We're engaged pero yung KASAL?! Uhm-undecided lagi. Diba? Nakakaasar. DATE STARTED: MARCH 20,2016 DA...