Hassle talaga ‘yung nangyare kaninang madaling araw. Natatawa ako pero sigurado ako na hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ‘yon.
Flashback
2:58 AM.
Grabe! Bat ako nagising nang ganitong oras? Pero grabe talaga....parang gusto ko nang... Nang... LOMI!!
Hindi ko alam pero bigla-bigla nalang akong lumabas nang kwarto ko at dumiretso sa may kusina. Kailangan ko nang lomi!! Saan ako makakahanap non?
Binuksan ko ‘yung ref pero wala akong nakitang lomi. Naghanap ako sa loob nang pansit para makapagluto ako pero wala din eh! 😭😭 umupo ako sa sofa tsaka hinawakan si baby.
“Kailangan ko nang lomi...lomi please!”
Nangangawa na ako, kailangan ko talaga nang lomi. Ewan ko pero hindi talaga ako makakatulog kapag walang lomi eh!! 😭😭
Ayaw ko namang istorbohin sila Clyde at Kevin. Nakakahiya naman kasi diba? Huhuhuhu
“Lomi please!! Huhuhuhu Gusto ko nang lomi!!”
Inikot ko ang buong sala habang binabangit ang lomi.. Kailangan ko nang lomi... Don't tell me ito na ba yung tinatawag nilang paglilihi? Yung may gusto kang kainin? Naku naman! Bakit naman ngayong oras pa ako naglihi?
Hindi ko namalayan na ngumangawa na pala ako dahil sa wala akong mahanap na lomi sa ref. Kailangan ko talaga eh! Para bang hinahanap nang panlasa k—–
“Oh? Bat ka umiiyak? Bakit ka andyan?”
Hindi ko inaasahan na magigising ko si Kevin sa sobrang ingay ko. Kumakamot pa sya sa ulo nya habang sinasabi ‘yon. Nakakainis naman! Bakit sya pa ‘yung nagising pwede namang si Clyde diba?
![](https://img.wattpad.com/cover/66303370-288-k82750.jpg)
BINABASA MO ANG
MSMMY 2: Marrying Mr. Yabang
Teen FictionSabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya. We're engaged pero yung KASAL?! Uhm-undecided lagi. Diba? Nakakaasar. DATE STARTED: MARCH 20,2016 DA...