SHAN'S POV
Naandito kami sa dinning.. Kumakain na kami nang lunch. Nagtext na din si direk saakin. Sabi nya kailangan ko na daw ipagpatuloy yung taping baka daw madelay pa yung premiere..
“Thej... May tanong ako..” I asked.
Patuloy sya sa pag-kain.. pero sinulyapan nya naman ako.
“Ano ‘yon? Nagagwapuhan ka ba saakin?”
“Yabang! Hindi yon.. about sa kasal natin.”
Natigilan sya sa pagkain. “Anong pag-uusapan natin tungkol doon?”
Medyo maging seryoso sya. Problema? Ayaw nya ba akong pakasalan?
“Kung busy ka at hindi mo maasikaso yung kasal. Pwedeng ako na ang mag-aasika—
“HINDI! AKO ANG MAGAASIKASO NON!”
Napa-atras ako dahil napagtaasan nya ako ng boses. B-bakit Thej? Ano bang problema?
hindi ako naimik. Nakatulala lang ako sakanya, bakit nya ako napag-taasan ng boses? D-Dahil ba ayaw nya akong pakasalan?
“So-Sorry babe. ”
Yayakapin nya saka ako kaso hindi ko sya pinalapit.. masakit na nga na sinigawan nya ako? Tapos ang masakit pa, baka ayaw nya akong PAKASALAN?
Tumayo ako at hinarap sya. Pinipigilan ko yung luha ko na pumatak. Kahit anong mangyare, hinding-hindi ako iiyak sa harap nya.
“Yung totoo, Papakasalan mo ba ako O hindi?”
“Syempre, papakasalan kita!! Ano bang tanong yan?”
“Eh! Bakit ka ganyan!! Parang ayaw mong asikasuhin yung kasal natin!!”
Hindi sya nakapagsalita at nayuko nalang. “Ngayon, yuyukuan mo lang ako!! THEJ naman! Engage na tayo!!”
Hindi padin sya nagsalita. “Kung iniisip mo na porket ENGAGE na ako sayo eh hindi na ako pwedeng makawala sayo!! Nagkakamali ka..”
Dahan-dahan nyang itinaas yung ulo nya. Ano bang pinasasabi ko?! Lumapit sya saakin at lumuhod. Hinawakan nya yung kamay ko.
“Please. SHAN! Wag kang mag-isip nang ganyan.. di ko kakayanin kapag nawala ka, baka ikamatay ko pa.”
Grabe, may mga luhang pumapatak galing sa mga mata nya. TOTOO BA TO? umiiyak sya?
---
THEJ'S POV
“Kung iniisip mo na porket ENGAGE na ako sayo eh hindi na ako pwedeng makawala sayo!! Nagkakamali ka..”
Natigilan ako sa sinabi nya. Parang tumigil sa pag-ikot ng mundo ko. Lumapit ako at lumuhod sakanya.. hinawakan ko dim yung kamay nya.
Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sabihin sayo na, WAG KANG MAG-ALALA PAPAKASALAN KITA.
Kaso di ko magawa, hindi pa ngayon. Kailangan ko munang maayos ‘to.
Dapat ko munang maiTAMA ang lahat. Bago kita tuluyang mapasaakin..
“Please. SHAN! Wag kang mag-isip nang ganyan.. di ko kakayanin kapag nawala ka, baka ikamatay ko pa.”
Sana kasi matagal ko nang inayos ‘to. Edi sana, hindi ako na-ru-rush ng ganito.
Pinunasan nya yung mga luha ko. Oo, bakla na kung bakla. Eh mahal ko sya! Walang makakapigil saakin. Mabilis nya akong hinalikan. Pero umalis din agad sya sa bahay.
ANO BA KASING GINAWA MO THEJ!! Nakakapang-gigil ka talaga Thej. Gusto mo ba talagang mawala sayo si Shan ulit?
Ayoko nang manyare ulit yung kagaguhan ko. Kaya isa kailangan ko nang maayos agad ‘to..
Kinuha ko yung phone ko at..
(Hello, bakit Thej?)
“Mag-usap tayo ngayon... Jacynth!”
********
BINABASA MO ANG
MSMMY 2: Marrying Mr. Yabang
Teen FictionSabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya. We're engaged pero yung KASAL?! Uhm-undecided lagi. Diba? Nakakaasar. DATE STARTED: MARCH 20,2016 DA...
