Shan’s POV
INHALE.
EXHALE..
WHOOO! Kaharap ko na ngayon si Thej. Kailangan kong maging maayos sa harap nya. Kailangan may patunguhan ‘tong usapan namin.
“Okay ka lang ba, sungit?”
“Satingin mo. Halata ba?”
Pero hindi ko talaga mapigilang hindi sya mabara. Gusto ko padin na masagi sa isip nya, na baka kumakabit na sya.
“Mukha namang okay ka.” cold na sabi nya.
Bigla nalang kumabog yung dib dib ko. Tignan nyoooo, ang cold nya saakin. May nagawa ba ako? Wala naman eh!
“Bakit ka andito?”
“Wala. Napadaan lang ako, may pupuntahan kasi ako malapit dito e.”
Pupuntahan? Nako! Yung babae nya yan. OMG Thej! wag mo namang gawin saakin ‘to. Aatakihin ako nito sa puso.
“Sinong pupuntahan mo?”
“Kaibigan ko lang.”
KAIBIGAN? O Ka-ibigan. Pakshet! Thej, not me please! Kinakabahan ako, cold na nga sya tapos yung mga sagot nya tumutugma pa.
Tumayo ako. Balak ko sanang pumunta sa kusina para personal syang ipaghanda nang pagkain.
“Oh? Saan ka pupunta?” tanong nya.
Napakamot ako sa ulo ko, tinuro ko yung kusina. “Sa kusina, ipaghahanda ka ng makakain. Dito ka mag-mi-meryenda diba?” tanong ko.
Tumingin sa relo nya at parang mukha syang nagmamadali. Please! Ayokong maging 'Tamang Hinala'
“Ayt–Hindi na muna ngayon Shan. Sabi ko diba napadaan lang talaga ako. May pupuntahan pa ako eh?!”
Hindi ko alam pero parang nawalan ako ng lakas. Bigla nalang akong napatumba sa sofa. Mali ‘to eh! Hindi ‘to totoo eh.
“Oh? Okay ka lang ba talaga, Shan?” Kinakabahan nyang tanong.
Grabe, parang bigla akong nahilo.
“Thej, Pwede ba akong sumama?” I pout.
Nagulat ako nang bigla syang tumawa nang malakas. Baliw. Minsan na nga lang ako magpa-cute tapos tatawanan nya pa ako. Bahala nga sya! Magsusungit talaga ako.
“Seryoso ka Shan? Sasama ka talaga?”
I nod. “Bakit? Bawal ba?”
“Hndi–I mean, Sure ka ba? Feel ko masama pakiramdam mo kasi di ka nga pumasok ngayon eh!” Rason nya habang kumakamot sa ulo.
Inirapan ko nalang sya “Kung ayaw mo! Edi wag. Dami mong satsat eh! Bahala ka nga!”
Akamang patayo na ako nang bigla syang magsalita. “No. Sige okay lang! Halikana.”
I smiled. “Yun naman pala eh. Magbibihis lang ako. Dyan ka lang.”
He nod. Ngayon, tignan natin saan ka pupunta!
----
Hindi ko alam kung saan kami papunta ni Thej. Sabi nya malapit lang saamin yung pupuntahan nya. Eh halos 30 minutes na syang nagmamaneho eh!
BINABASA MO ANG
MSMMY 2: Marrying Mr. Yabang
Teen FictionSabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya. We're engaged pero yung KASAL?! Uhm-undecided lagi. Diba? Nakakaasar. DATE STARTED: MARCH 20,2016 DA...