CHAPTER 3

2.3K 59 0
                                    

Hindi na muna ako pumasok ngayong araw. Ewan ko ba pero, affected talaga ako sa sinabi ni Yaya Madel. Hindi naman siguro sisiraan ni Yaya yung alaga nya diba?

"Oh? Shan, Di ka ba pupunta sa SURE ngayon? Alam ko may taping ka pa?"

Si ate Jae pala. Iniwasan ko nalang sya ng tingin at ipinagpatuloy ko nalang yung pagawa ng designs.

"Hoy! Bakit ayaw mo kong kausapin?"

Wala akong naririnig. Ayoko nang kausap.

"Sanshian!"

"Aba! Hoy, Sanshian Patrize Laurel. Kinakaus-"

"Ate, Can you leave me alone. Ayokong pumasok. Paki-sabi i-resched nalang yung taping ko. Paki-move din yung photoshoot ko. OKAY?"

Tumayo ako at tinulak sya palabas ng kwarto ko. Pinagsaraduhan ko din sya ng pinto. Wala ako sa mood.

-----

Thej's POV

*Phone ringss

Huh? Sino naman ang tatawag saakin ng ganitong oras. Alam naman nila na nasa trabaho ako.. istorbo.

"Hello?"

(Hello po sir, Si Madel ho ito!)

Ugh. Si yaya lang pala. Bakit sya napatawag? May emergency ba sa bahay?

"Yes Ya?"

(Kasi....Sir...Si)

Huh? Anyare kay yaya. Bat parang may kakaiba.

"Ano 'yon, Yaya?" I asked. Busy ako, pero alam kong importante to.

(Galing po kasi si Madam Shan dito, at hinahanap po kayo.)

Kinakabahan si Yaya. Ano? Bakit? Anong gagawin ni Shan?
I'm Clueless.

"ANO? ANONG SABI MO?"

(Sabi ko po.... Wala po kayo.... Alas sais pa po sya naandito at kakaalis nya lang po.)

Naku! Baka ano na namang kabaliwan ang tumatakbo sa isipan non. Hindi 'to pwede. Kailangan ko syang puntahan..

"Sige ya. Bye"

CALL ENDED.

Pinatawag ko agad yung secretary ko na si Therese.

"Yes po, Sir Thej?"

Kinuha ko 'yung coat ko at sinuot yon. "Re-sched all my meetings and appointments for today. I need to do something, IMPORTANT."

She nod. For sure, naintindihan nya na yon. Mabilis akong naglakad papunta sa kotse ko. Pagsakay ko ay agad akong pumunta sa SURE. May pasok ngayon yung babaeng yon eh.

Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng SURE nang makasalubong kong palabas yung Director ni Shan.

"Oh? Mr. Villaflor? How are you?"

I smiled. "I okay. So, By the way. Where's Shan?" I asked.

Kita kong naguluhan yung director sa tanong ko. What?

"Mukhang baliktad ata Mr. Villaflor, Fiancee mo si Ms. Laurel. Sayo ko dapat itanong kung bakit nya ni-re sched yung shooting at taping nya for today."

Sasagot na sana ako nang biglang nagvibrate yung phone ko.

From: Ate Jae

Anong meron ngayon kay Shan ah? Nag-away ba kayo?

Huh? Anong pinagsasabi ni ate Jae. Wala naman akong alam na nag-away kami, actually 2 days ko na nga syang hindi nakaka-usap. Nakakamiss sya.

"Uh! Okay po. Mr. Dela Vega, pupuntahan ko nalang si Shan sakanila."

Tumango yung director ni Shan. Lumakad na sila palayo. Naisipan ko na dalawin nalang si Shan sakanila. Baka doon makausap ko sya.

Sana nga lang hindi nya ako sungitan.

-----

Shan's POV

Its 12:45 pm.. Hanggang ngayon, di padin ako nakakamove on sa sinabi saakin kanina ni yaya Madel.

Buong araw akong nakahiga dito sa kama ko. Para bang ayaw bumangon ng katawan ko. Wala namang makakaintindi sa nararamdaman ko eh.

*Knock knock

"Sino 'yan?" matamlay kong sabi. Wala talaga akong ganang gumalaw ngayong araw. Masakit, masakit sa puso. Hindi PUSON.

"Shan, Si Jae 'to."

"Bakit ate Jae?" Hindi ako bumangon, ni pagbuksan sya ng pinto hindi ko ginawa. Wala eh? Wala talaga ako sa mood. Baka matarayan ko pa sya. "Kung papasok ka, buksan mo nalang yung pinto... tinatamad akong bumangon."

*Creeeek-kk

Naramdaman ko yung yapak ng mga paa nya. Palapit sya saakin. Naramdaman ko din na umupo sya sa kama ko.

"Shan, Okay ka lang ba?"


Hindi ako sumagot. Hindi ba halata na hindi ako Okay? Kinuha ko yung unan ko at tinakip ko sa teynga ko. Wala talaga ako sa mood para makipag-usap sakanila. Ayokong matarayan o masungitan sila kaya mas maganda kung hindi ko na muna sila papansinin.

"(Sigh) Shan, I know may problema ka with Thej. Kaya kausapin mo na sya, He's waiting for you sa sala."


WHAT? Andito sya? Paa-No!! Ayokong maging tamang hinala. Mas maganda sigurong wag ko nalang syang kausapin.



Pero kung hindi ko sya kakausapin, baka lumala lang 'to?

Bahala na nga.

"Sige ate Jae, pakisabi baba ako."

Inalis ko yung unan ko sa teynga ko at umupo ako. Lumabas si ate Jae sa kwarto ko. Hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko? Bahala nanga!

"Kaya mo 'to shan." I murmured. Kaya ko 'to, bawal ang tamang hinala.


******

MSMMY 2: Marrying Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon