Shan's POV
Nakakapanibago talagang kasama si Cylde. Para bang masyado akong kumportable na kasama sya kahit na bagong kilala ko lang sya.
Kumakain kami ngayon at 5 days na akong hindi umuuwi. Wala pa namang balita ang kumakalat na nawawala ang actress na si Shan at ang Actor at leading man na 'to na si Clyde.
"Buti hindi nagalit saatin si Direk. Na isang bwan tayong mawawala."
Nginisihan nya lang ako habang patuloy sya sa pagkain. "Nagpaalam ako kay direk na isang linggo lang ako mawawala. Pero hindi ko sinabing kasama kita. Ang sabi ko lang kailangan mo nang Sick Leave."
"Ah! Thanks ha? Kung ganon pakisabi nalang kay direk na palitan na ako. Kahit naman magpakita na ako sa loob nang isang bwan eh mahihirapan naman na akong umarte dahil sa baby ko."
"Ah! Yun lang ba? Sgesge ako nang bahala don."
Patuloy padin sya sa pagkain. Pero sineservan nya padin ako. May naalala ako kay Cylde. Parang may kahawig sya sa nakaraan ko.
"Nga pala? Kung isang linggo ka lang dito? Sinong kasama ko dito?"
Inismidan nya na lang ako. "Yung kapatid ko galing California. Sigurado akong aalagaan ka nya. Bukas naandito na sya."
KAPATID NYA? Ipagkakatiwala nya ako sa kapatid nya? Eh sya nga bagong kilala ko lang sya....yung kapatid nya pa kaya.
Itinigil ko muna ang pagsubo ko. Kailangan ko munang interviewhin 'tong si Clyde. Malay nyo, RAPIST pala ang kapatid nya.
"Oh? Hindi mo na ba nagustuhan 'yung pagkain?"
"No! Gusto ko lang magtanong about sa kapatid mo?"
"Oh? Sure. Sige, magtanong ka lang."
Napaka-hulog nang langit talaga 'tong si Clyde. Para bang matagal na nya akong kilala! Stalker ko ba sya dati? HAHAHA Joke lang. Nag-aassume na nman ako.
"Ah?! Ilang taon na ba yung kapatid mo?"
"Uhmmn. 24 same age lang kayo."
Ahh! Sana naman hindi RAPIST yung kapatid nya diba? Sana naman hindi--Pero wait! Ka-Age ko? Eh diba, ka-Age ko din sya? Paanong?
"Clyde? Kambal mo ba sya?"
"Hindi ah?!"
"Eh bat same age kayo?"
He smiled. Kanina nya pa ako nginingitian. Grabe!! Dapat ba masanay na ako?
"Sabi na nga ba at maitatanong mo yan..." huminga sya nang malalim. "Kapatid nya ako sa labas.."
I nod. "Ah! Ganun ba? Sige. Okay na ako. Satisfied na ako sa sagot mo. Kumain nalang tayo!"
Medyo nakaramdam ako na nahihiya syang sumagot kaya ayun, Chinage-topic ko nalang. Nakakahiya naman sakanya.
-----
Its already 5:00 PM. Halos wala manlang akong masyadong nagawa. Napaka-OA kasi nitong si Clyde. Ayaw akong palabasin, delikado daw?
"Clyde kasi...kahit dyan lang sa labas! Sa may dalampasigan lang..."
Huminga na sya nang malalim. Siguro napapayag ko na sya, kanina ko pa sya kasi kinukulit eh! Napakamot nalang sya sa ulo nya. "Aba't. Bahala ka, pero kasama ako ha?"
BINABASA MO ANG
MSMMY 2: Marrying Mr. Yabang
Teen FictionSabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya. We're engaged pero yung KASAL?! Uhm-undecided lagi. Diba? Nakakaasar. DATE STARTED: MARCH 20,2016 DA...
