OH! SHIT!! ANG SAMA NILA SAAKIN. HINDI KO 'TO KINIKERI?
5 days nang walang Jacynth na nagpaparamdam saamin. Siguro natauhan yon kahit papano.. Pero sigurado ako, naghahanda nayan sa pasabog nyang COMEBACK! Basta bahala sya!
Pero mas may malaki akong problema. Alam nyo ba kung ano? Sa Sunday, binyag nung anak ni Hydie at Josh. Bale, pamangkin ko.. Si Jua Tanya Laurel, napakagandang bata! Aaminin kong pinagsamang Mendez-Laurel ang dugo nya.. NINANG slash TITA nya pa ako! Tas sa Tuesday naman, Binyag nang anak ni Thea at Manix?! Remember? Basta kaibigan namin sila ni Thej? Super close ko si Manix tas si Thea naman kay Thej. And another baby girl din, si Xyriel Ysa Lopena. Grabe! Mukhang manika yung mga baby nila. Tas eto pa! Birthday din nung inaanak ko kay ate Julianna.. Si Kisum Twillem Heize Santos tapos Kill'em Nickname. Last year yung binyag nun eh? Ang haba nung name nung baby nila. Si kuya James kasi nag-isip nyan. Pinsan ko si Kuya James sa side ni mommy. Si kuya Mayco ang naglakad sa dalawang yan kaya nagkatuluyan.. Alam nyo na? Kasalanan ni Kuya Mayco kung bakit BROKEN HEARTED si ate Julianna nang sobra.
Napahiga nalang ako sa kama ko. Buti hindi nagising si Thej pagkahiga ko. Kanina lang umaga natanggap ko yung mga invitation cards. Ugh! Pagpahingahin nyo ako.. Saturday ngayon tas Sunday na pala bukas.
Malaki naman ang kwarto ko syempre queen size yung bed ko. Kaya malawak sobra, kaya dito ko na pinatutulog si Thej. Mamaya balikan sya ni Jacynth eh.
Dahil nga sa tulog pa sya, kinausap ko nalang sya. Haha hindi naman magsasalita ang tulog diba?
"Nakakainis sila Thej! May mga anak na sila.. Tas puro babae pa! Ano nang gagawin nati--"
Hindi ko pa nga natatapos yung sinasabi ko nang bigla nyang buksan yung mata nya! Nakakagulat sya?! OMO! Pero sobrang gwapo nya, yung bangs nya bagay sakanya. Letche! Ang aga aga pinapakilig na naman ako sa mukha nya!
"Edi mag-antay, Shan! Buntis ka naman na eh?! Kaya naman hindi na natin kailangan pang-gumawa."
Tapos ngumiti sya. Shet! Iniwas ko nalang yung mukha ko sa mukha nya kanina. Feeling ko sobrang pula ko! Ano ba? Ang init ha? Hahaha
"Oh? May nasabi ba ako, Shan?! Bat ka umiwas nang tingin.. Siguro gusto mong gumawa ulit tayo noh?"
Anong GAGAWIN? Shete! Naglulumot ang utak ko ah! Ano ba 'yan. Pwede bang isagot sakanya ay OO. Hahaha Desperada much.
"Hindi ah!"
Sa sobrang kahihiyan ay tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto. "Bilisan mong bumangon dyan, Thej! Nakahanda na yung breakfast sa dining area."
Hindi ko na inantay pa yung isasagot nya. Mamaya may MANGYARI pang kalokohan eh!
-----
THEJ'S POV
Lumabas na si Shan nang kwarto. Alam kong meron syang iniisip ngayon na malalim. Ano kaya 'yon?
Palabas na sana ako nang kwarto nya nang makita ko ang tatlong invitation Card na nakapatong doon sa table ni Shan. Siguro ito yung pinoproblema nya!
ANO BA 'TO? PURO CHRISTENING INVITATION TAS BIRTHDAY INVITATION!! Jusme, pang bata pa. Ano ba yan?! Kaya pala ganon nalang sya sa makapagsalita about sa mga baby kanina kasi pinadalhan pala sya nang invitation. Hahaha epic!
BINABASA MO ANG
MSMMY 2: Marrying Mr. Yabang
Teen FictionSabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya. We're engaged pero yung KASAL?! Uhm-undecided lagi. Diba? Nakakaasar. DATE STARTED: MARCH 20,2016 DA...