CHAPTER 38

1.6K 39 0
                                        

Last 2 Chapter my niggas~
————————————

JACYNTH'S POV

7:36 PM. Ang ganda nang upo ko dito sa sala nang biglang may nagdoorbell sa labas. Siguro sila Shan na ‘yon. Akmang tatayo na sana ako nang biglang bumaba si Mikee sa hagdan at nagmamadali ito.

“Sit down babe. Ako na bubukas nang gate. Just relax okay?!”



Hinalikan nya ako sa noo at nagmadali na syang lumabas. Actually, ako lang talaga dito sa sala. Yung yaya kasi na hinire ni Mikee ay nasa kusina at pinagluluto nang dinner ni Mikee.




Kanina pa talaga ako nacucurious kung bakit ayaw akong paakyatin ni Mikee sa taas. Kanina ko pa tinatanong sakanya pero yung sagot nya lagi Inaayos ko lang yung kwarto nila Thej para mamaya. Sampung beses na nya sinasagot yung tanong ko nang ganyan. Pero dahil nagsasawa na din akong magtanong, syempre nananahimik nalang ako sa gilid.




Nakita kong may pumasok na isang magandang babae suot ang isang floral dirty brown na maternal dress na nagpatingkad nang pagkaputi nya.


Hindi na ako nagtataka kung bakit sya ang pinili ni Thej. Kasi naman napaka-perpekto nya. Suits for his dream wife. Sumunod na pumasok si Thej dala-dala ang 2 bag habang si Mikee naman ang huling pumasok dala-dala ang isang Crib. Huh? Excited talaga sya.




Napa-upo si Shan sa tabi ko at nakinood nadin sa pinapanood ko.

“Oh? Kumain na ba kayo Shan?”



She nod. “Grabe! Hassle ang byahe ha? Buti hindi ka napapagod bumyahe nung dinadalaw mo ako sa bahay?”





Napangiti naman ako sa tanong nya. Habang tumatagal nalalaman ko kung ano talagang tunay na ugali ni Shan. Yung mga wala ako noon ang meron sya. Lahat nang panloob na meron sya, wala ako non. Pero ngayon, narealize ko na walang magandang patutunguhan kung maiinggit ka.




“Actually hindi naman. Siguro sanay ako dati eh?”




“Hay! Osha. Patulog muna dito sa tabi mo, Jacy ha? Napagod talaga ako sa byahe eh!”






Inayos ko yung pagkakaupo nya sa tabi ko. Nakatulog na pala sya, hindi pa nga ako nakakapagsalita eh.




“Oh? Nakatulog na pala si Shan?” Singit ni Thej na galing sa taas. Inayos nya siguro yung mga gamit nila para mamaya. Isang linggo din silang mag-iistay dito. Hindi kasi ako sanay na mag-alaga nang bata kaya mas maganda na may kasama ako diba?







“Ah! Oo pagod siguro.”








“Thej, Gisingin mo muna si Shan.. Kakain na tayo oh? Sayang yung luto ni manang.”







Tumango nalang si Thej at nagsimula nang gisingin si Shan na natutulog sa tabi ko.




--------


8:23 PM. Nasa kwarto na kami ngayon ni Mikee. Pero ewan ko parang ang kirot na nang baby bump ko. Humiga na ako sa kama nang hindi sya pinapansin. Nasa tapat lang sya nang laptop nya at may kung anong tinatayp.









“Ano ba yan, Mikee. Pati ba naman sa bahay trabaho padin?!”





Naiinis na ako. Lagi na ngalang syang nasa trabaho nya tapos pati ba naman ngayon na baka mag-labor na ako nagtatayp padin sya. Nilingon nya ako at lumapit saakin. Umupo sya samay gilid ko at nagsimula nang suklayin yung buhok ko gamit yung kamay nya.





MSMMY 2: Marrying Mr. YabangMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon