CHAPTER 14

1.9K 67 0
                                        

Hindi ko alam kung saan ako ngayon dinala ni Clyde. Pero maganda dito, resort sya at napakasariwang hangin.







Siguro naman magiging okay naman ako dito sa loob nang isang buwan, at sana naman nakapag-isip na sya sa loob nang buwan na yon.






“Asaan nga pala tayo?!”







“Sa Resort namin...”





May resort pala sila. Sabagay, paano ko nga naman malalaman diba kung ngayon ko pa nga lang sya nakilala! Inalalayan nya akong pumasok sa kwarto. Ni hindi na nga sya pumunta doob sa staff para ipa-book yung room namin eh. Dire-diretso lang sya sa pagpasok sa loob.






“Dahan-dahan lang...”





“Pasensya na.”





Nang makapasok ako sa loob ay agad akong umupo sa sofa. 2 bed ang room na ‘to. Good for us, may sarili ding kusina at kainan. Ang ganda naman nang resort nila, pwedeng pagtaguan nang ilang buwan kapag maglalayas ako.





“Nga pala, Saan yung location natin?!”






“Nasa Matabungkay, Batangas tayo..” Sabi nya habang inaasikaso yung hihigaan ko. “Bakit? Balak mo bang sabihin kay Thej kung asaan tayo?”








“SYEMPRE HINDI!! Isang bwan ang usapan namin. Kaya manigas sya!” Sobrang defensive ako kaya natawa sya. Bakit? Anong inaakala nya? Na bibigay agad ako kay Thej?






Nang matapos sya sa ginagawa nya ay inalalayan nya ako para mahiga sa higaan ko. Nakakatuwa, sa lalaking ngayon ko pa lang nakilala ako nang hingi nang tulong. Pero sangayon, ayaw ko munang malaman kung nasaan ako. Bahala ka Thej maghanap saamin.



Inayos ko nalang yung pag-higa ko. Makapal naman kasi yung MUKHA ko kaya wala na sa vocabulary ko ang salitang AWKWARD. Naalala nyo ba nung mutikan na akong mabungo ni ate Jae? Kinapalan ko din yung mukha ko na makitira sakanya.






Naisip ko tuloy si Kevin, kung sinuklian ko lang siguro yung pagmamahal nya dati? Siguro naging masaya ako ngayon. What if si Kevin ang pinili ko more than Thej? Siguro pinapanagutan na nya siguro ako.







Pero wala eh, hindi na natin maibabalik pa ‘yung nakaraan. Sabi nga nila, laging nasa huli ang pagsisisi. Alangan man sa UNA. Hindi ka pa nga nakakatry nagsisisi ka na? baliw lang?






“Sige maiwan na muna kita, Shan. Bibili lang ako nang maisusuot natin at makakain na din. Matagal-tagal din ang  isang bwan na pagtira mo dito. 😃”









I smiled. Ayan lang ang ganti ko sa pagpapatira nya saakin dito sa resort nya. Wala pa akong lakas ngayon para mag-open kay Clyde. Gusto kong kamustahin si Kevin. Kung sya lang talaga ang pinili ko. Nagsisisi ba ako?









Sana tama talaga ‘tong desisyon ko!









-----

THEJ’S POV


Alam kong nagbibiro lang naman si Shan sa sinabi nya kahapon eh. Hindi na nya gagawin yung ginawa nya dati. Nangako sya eh?!

Susopresahin ko ngayon si Shan. Nasa tapat ako nang bahay nya, sigurado naman akong nakauwi sya kahapon sa bahay nila.. Hindi sya gagawa nang mga bagay na ikakapahamak nila ni baby.



Pinindot ko yung doorbell nila. At wala pang ilang minuto ay lumabas na si ate Jae. Papasok siguro sya, nakabihis na kasi paalis eh.




“Oh? Bakit ka andito?”




Nakakapagtaka yung mukha nya. Para syang nakakita nang multo. Siguro nakwento na ni shan yung nangyare kahapon pag-uwi nya kaya ganyan ang reaction ni ate Jae.


“Pasensya na ate Jae sa nagawa ko kahapon.”







“huh? Nagawa kahapon?”







“Ah! Wala wala po.. Nga po pala si Shan?”







“Huh? Kasama mo ah? Hindi pa sya umuuwi? Akala ko kasama mo?”






ANONG!!!! Wag nyong sabihin na tinutotoo ni Shan yung sinabi nya? HINDI PWEDE! Delikado yung lagay nya ngayon. Hindi pwedeng lumayo sya nang isang bwan! Hindi ko MAKAKAYA!!







“Thej..... May problema ba kayo ni Shan? These past days lagi syang tulala?”









“Sige ate Jae. Mauna na muna ako! Bye!”








Hindi na ako nagsalita pa. Bumalik nalang ulit ako sa sasakyan ko. Kay Hydie? Baka alam nya? O dikaya si Sofia? Baka alam nya? Si ate Trisha? Si ate Maydie? Si ate Shane? O baka si ate Hanna?







NO!!! Kailangan kong mahanap kung nasaan ngayon si Shan. Mababaliw na naman ako kapag naulit yung dati! Jusko po! Wag nyo pong pababayaan yung mag-ina ko.



Ringing Hydie....

(Hello?)





“Andyan ba si Shan sainyo?”




(Wala ah! Baka nakila Sofia or nasa bahay nila)



“Okay. Bye”




CALL ENDED.




Ringing Sofia......




(Yes, Who's this?)

“Sofia. Si Thej ‘to. Nasainyo ba si Shan?”


(Sorry but I don't know. Try to call Hydie. Baka alam nya!)


“Sige thanks.”




(No problem)





CALL ENDED.



Tinawagan ko lahat nang kaibigan ni Shan. Sino pa kaya ang nakakalimutan kong tawagan?!







Sino pa ka—THEA at MANIX?!





Ringing Thea.....





(Oh? Bakit Thej? Istorbo ka sa date namin ni Manix. Ano?)





“Kasama nyo ba si Shan?”






(Malamang hindi? Ano? Nagdadate kami tas isasama namin si Shan?)




“Sorry. Sige bye na!”







CALL ENDED.









Nasaan na ba kayo nang anak ko.
SANSHIAN PATRIZE LAUREL.











Free to Leave VOTES and COMMENTS! 😍😘

_hyduuush_

MSMMY 2: Marrying Mr. YabangMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon