CHAPTER 37

1.4K 37 5
                                    

After 1 month..

THEJ’S POV








“Thej! Sabing wag kang lalapit e?! Naiintindihan mo ba?”





Ayan na naman sya. Ang aga-aga pinapalayo ako sakanya. Nakakainis naman!




“Bakit mo ba ako pinapalayo sayo Shan?!”





Bumangon na ako sa higaan namin. Okay na si Shan, ang bilis nang recovery na nangyari sakanya. Siguro kasi lumalaban din sya for our baby. Kanina naka-higa kaming dalawa tas nakayakap pa ako pero bigla nalang nya akong tinutulak palayo sakanya habang nakahiga kami. Nga pala! 8 months na syang buntis. Last month nalang at manganganak na kami.





“Eh ayoko nga sa amoy mo! Napakabaho eh? Para kang—Ugh! Basta! Maligo ka nga!”






Lumayo na lalo ako sakanya at inamoy ang sarili ko. Ang bango ko kaya. At hindi naman ako mabaho kasi nag-shower ako kagabi bago matulog..





“Pero honey—




“Wag mo kong I-Honey-honey dyan ah! Gusto mo bang itulak kita sa C.R. para makapagshower ka na?!”







Agad naman akong napanginiti nang nakakaloko. Maasar nga ‘tong babaeng ‘to. Hahaha ang tagal ko ding hindi naasar tong babaeng ‘to eh.


“Ay, gusto ko yan—






Hindi ko naman na natapos yung sasabihin ko nang bigla nya akong binato nang tuwalya. Shit! Tumama sa mata ko. Ang sakit!





Umarte akong sobrang sakit nang pagkatama sa mata ko kahit dampi lang naman at medyo natamaan lang nang konti. Umupo ako sa sahig at kinusot ko yung mata ko.





“Ugh! Honey ang sakit—Wala na akong makita!! Nabubulag na ata ak—






Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Bumaba na si Shan at iniwan akong naka-upo sa sahig.


“Sabi ko nga, maliligo na ako!”








-------

“Ano? Saan mo ba gustong pumunta ha?”






Sinuot nya yung dirty brown na floral maternity dress. Masasabi kong ang ganda nang mapapangasawa ko. Naka-upo sya sa tapat nang salamin at nagsusuklay nang buhok. Ugh! Gusto ko tuloy syang yakapin..pero dahil nakalikod naman sya ay niyakap ko nalang sya mula sa likod.






Natigil sya sa pagsusuklay nang buhok nya. Ang ganda nya sobra kasi nang pa-blonde sya nang buhok. Sobrang ganda nya! Ewan ko pero kahapon kasama nya si Jacynth at nagpasalon silang dalawa. Si Jacynth kasi manganganak na this month tas next month na ang kasal nila. Kaya ayun, nagpaganda na nang todo..nadamay pa pati mapapangasawa ko!







“Naiipit si baby, Thej! Ano ka ba?”







Ay! Mabilis akong lumayo sa kanya. Konting distansya lang naman. Hinarap nya ako.



“Bakit ka ba nang-yayakap nang nakatalikod?”




Napakamot nalang ako sa ulo ko. Bakit nga ba?




“Ah ... Eh... Ano kasi, NAMISS LANG KITA!”








Nagulat ako nang bigla ko syang makitang mamula... Ang ganda nya, nagbublush sya. Ang cute nya kapag nag-bu-blush.





“Bumaba ka na. Aalis na ‘tayo mamaya at bibisitahin pa natin si Jacynth?!”








In out of nowhere. Bigla ko nalang nakita ang sarili ko na pababa sa hagdan. Okay, wala akong nagawa sa amazona kong asawa—in future!







----

SHAN’S POV




Ewan ko pero bigla nalang uminit yung mukha ko. Iniwas ko sakanya yung tingin ko at napatingin ako sa sahig.




“Bumaba ka na. Aalis na ‘tayo mamaya at bibisitahin pa natin si Jacynth?!”





Yan lang ang nasabi ko..ugh! Ano ba? Magiging asawa na sya pero ba't ba ako nahihiya sakanya. Simpleng lambing lang ‘yon pero grabe bigla-bigla nalang mamumula ang pisngi ko.







Naramdaman ko nalang na wala na sya sa loob nang kwarto kaya naman nalungkot ako. Akala ko naman magsstay sya pero hindi pa. Sabagay, pinaalis ko naman sya kaya naman aalis talaga yon! Sinabi ko bang isang napaka‘MASUNURING’ tao si Thej? Hahahaha.








After nang ilang minuto kong pag-aayos ay agad na kaming nagtungo sa bahay ni Jacynth. Due date nya na kasi bukas eh. Baka mamayang madaling araw ay mag-la-labor na ‘yon.







Nagbyahe lang kami at napuno nang katahimikan ang sasakyan. Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako sa byahe.



-----
LEAVE VOTES 🌟, COMMENTS 📝 and SHARE IT WITH YOUR FRIENDS 💑

Mind to follow my FB Page.
-Hyduuush Stories
and on Twitter
-@bulanonhydie



MSMMY 2: Marrying Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon