Shan’s POV
*Ring* *Ring*
*Yawn* “Good morning, Philippines!!”
Inunat-unat ko yung katawan ko. Parang ang saya ng umaga ko.. Ang ganda kasi nang panaginip ko, Kasal na daw kami ni Thej.
Mabilis akong bumaba at nagpunta sa kusina. Pagkakita ko sa lamesa, wala pang nakahanda na pagkain.
Mabilis na nagbago yung mood ko. Nainis ako bigla, bakit wala pang pagkain? Ako ba ginagago ng mga maid ko?
“YAYAAAAAAAA!!”
Agad nagsitakbuhan palapit saakin yung mga maid ko.
“Bakit po, Madam Shan?” tanong saakin nung mayordoma kong si Yaya Susan.
“Ya, Bakit wala pang breakfast?! Ano kakagising nyo lang ba?” sermon ko sakanila. Tinarayan ko sila—silang lahat.
Napakamot nalang sila sa mga ulo nila. “Eh Madam Shan. Sabi nyo po kagabi, wag pong magluto ng breakfast nyo dahil doon kayo mag-aagahan kay Sir Thej.” Sabat ni Yaya Eva.
Huh? Sinabi ko ba ‘yon.
Flashback--------------------------------
“Madam, nakahanda na po ang dinner nyo.” sigaw ni Yaya Luz.
Mabilis akong bumaba, ni hindi manlang ako ni-replayan ni Thej. Nakakaloko na talaga sya.
Umupo agad ako at kumain, habang kumakain ako. Napa-isip ako kay ate Jae? Umuwi na ba sya.
“Yaya Susan, Umuwi na po ba si Ate Jae?”
Yeah! We're living on the same roof. Nasa work pa ba ‘yon?
“Madam, mamaya pa daw po sya uuwi.”
I nod. Okay fine! Namimiss ko na talaga si Thej, ano kayang magandang gawin para makita ko ulit sya. Halos buong araw kaming hindi nagkita. Sinira pa nya yung dinner namin.
Eh kung—DOON KAYA AKO MAG-BREAKFAST!!! Tama. Bukas~ doon ako kakain. Namiss ko din si ate Hanna e.
“Ya, Wag na kayong magluto para saakin ng breakfast. Doon ako kila Thej bukas.”
tumango naman sila. Okay, parang ginanahan ako today!
------------------------End of flashback
Oo nga! Sinabi ko nga pala kagabi. Tumayo agad ako at nagpunta sa Kwarto. Inasikaso ko na yung sarili ko. Its 6:25 am pa lang naman. 7 si Thej nagigising eh. Mas maganda kung maaga akong pupunta sakanya para ako agad una nyang makita.
----
Pinasok ko yung car ko inside their gate. Masaya akong grineet ng mga guards nila. Kaya mas lalo tuloy akong ginanahan na puntahan si Thej. Pinark ko yung sasakyan ko sa space sa tapat ng main door nila. Nasa Villaflor’s Mansion na ako. I really missed this.
Naramdaman ko na tumunog na yung tyan ko, mas lalo tuloy akong ginanahan na pumasok na sa loob.
Agad akong nakasalubong nung yaya nila Thej na si Yaya Madel. “Oh? Good morning po Madam Shan!” greet saakin ni Yaya Madel, mukhang nagulat sya sa biglaan kong pagbisita.
Nginitian ko sya. “Ya, Pwede bang dito nalang ako mag-breakfast. Gusto ko kasing makasabay si Thej eh.” nagpout ako sakanya.
Parang hindi sya kumbinsido na dapat dito ako mag-agahan. Ano bang meron?
“Lutuan nyong lahat ng masasarap na breakfast si Madam shan!” Utos ni yaya Madel.
Binigyan ko sya ng isang power hug. Kaya gustong gusto ko syang maging yaya eh.
Wala ako sa mood para magsungit. Wala pang isang oras ay luto na agad yung breakfast ko.
Ambabangoo~ Mas lalo akong nagutom. Pero, bakit di pa nila ginigising si Thej.
“Kumain ka na, iha!” sabi ni yaya. Pansin kong parang may gusto syang sabihin. Pinagpapawisan din sya.
Parang may mali.
Hindi ko na muna inabala pa si yaya at kumain na muna ako, grabe ang sasarap ng niluto nila. Kumain ako nang madami, nung naramdaman ko na busog na ako. Tinanong ko na kung nasaan si Thej.
“Ya, Si Yabang. Bakit tulog pa din?”
Binigyan nya ako ng pekeng ngiti. “Ahh....ehh..Si Sir...”
huh?? May tinatago ba sya? Nakakagulo ah?
“Ya. Spill it! Di ako magagalit sayo.” sabi ko.
Hindi mapakali yung mga maid nila. Pati si Yaya Madel. “Basta wag po kayong magagalit ah?”
I nod. “Promise.”
“Si sir po kasi, maaga pong umalis.. lagi na po syang maagang umaalis simula po nung nakaraang buwan... lagi na din po syang may kasamang babae, lagi nya pong dinadala dito. Minsan nga po, yung babae pa yung pumupunta dito.” kinakabahan na sabi ni Yaya Madel.
Pansamantalang tumigil yung mundo ko. Anong ibig sabihin non? Hindi ako tanga at bobo para hindi malaman na may babae sya. Bakit? Paano nagagawa saakin ni Thej ‘to. Kung kailan naman fiancee nya na ako saka naman sya nagloloko. Baliw ba sya?
Hindi ko pinakita sakanila na affected ako. Ngumiti ako at tumayo. “Don’t worry Ya. Okay lang saakin. Hindi naman ako LOLOKOHIN nung yabang na yon.”
“Basta wag nyo pong sabihin na sinabi namin ah.” kinakabahan na sabi ni Yaya.
I nod. “Sige po.” Lumayo na ako sakanila. “Mauna na po ako sa work. Bye Ya!”
Hindi na ako lumingon sakanila, tinaas ko yung ulo ko. Para hindi bumagsak yung mga luha ko. Kaya mo ‘to Shan!! Trust to Thej.
Pagdating ko sa kotse ko. Nag-unahan nang bumagsak yung luha ko.
Nakakagagong lalaki yon ah!
BINABASA MO ANG
MSMMY 2: Marrying Mr. Yabang
Novela JuvenilSabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya. We're engaged pero yung KASAL?! Uhm-undecided lagi. Diba? Nakakaasar. DATE STARTED: MARCH 20,2016 DA...