CHAPTER 39

1.6K 41 3
                                    

“Oh my god!! Gosh!! May dugooo!”






Grabe. Hindi ako mapakali..wait, don't tell me manganganak na ako? Nooo! Wag muna ngayon..





Nasa bahay pa naman kami ni Thea at Manix. May ibibigay kasi si Thea na mga damit nang baby, bawal daw kasi bumili nang damit pagpanganay. Maiispoiled daw. Yun yong sabi nila. Nanghingi lang naman ako nang konti.





“Oh my gosh!! Sisssy! Take a deep breath. Gigisingin ko lang si Manix para dalhin ka sa ospital.”





Humarurot si Thea paakyat sa taas. Wala pang ilang minuto nakababa na sila ni Manix. Si Manix halatang bagong gising lang. Shete! Ano ba? Binuhat agad ako ni Manix at dinala sa sasakyan. Pumasok si Thea sa loob nang sasakyan at iniwan nya muna si Xyriel sa yaya nito.






-------

“Push Shan! Push!”



“Urrghhh!!! Ito na nga doc eh! Pinupush ko naa ngaa eh?!”





Para akong gago dito nakikipag-away kay doc lopez. Ano ba? Nakakailang ire na ako ah?




“Push pa Shan! Nakikita ko na yung ulo nang baby!”





“Doc kanina pa ako push nang push wala padin yung ulo!! Ano ba yan?!”






Mas lalo ko pang inigihan yung pag-pupush. Grabe excited na akong makita yung baby ko. Ang saya lang sa feels na magiging mommy na ako. Gusto kong maiyak pero wag munang ngayon.






Matapos ang ilang ire nakalabas na din si baby. Huminga ako nang malalim at humiga na nang maayos. Grabe! Bat di pumasok si Thej. Asaan na ba yung gagong ‘yon?! Naramdaman ko nalang yung luha ko sa pisngi ko. Nung nanganak si Jacynth naandoon sya? Bat ngayong nanganak ako wala sya?! Nakakasama nang loob ah.












Pero nawala lahat nang galit ko nang ipakita saakin ni doc ang baby ko.. Saglit lang yon pero nakaramdam ako nang saya. Mamaya ko nalang daw hahawakan si baby. Ililipat daw muna nila ako sa private room.








Matapos nila akong ilipat ay biglang may bumukas ang pintuan. Nagulat ako sa nakita kong pumasok... Si THEJ. Akala ko wala sya.








“Kamusta ka honey?”






Hindi ko sya pinansin. Umupo nalang sya sa tabi ko.





“Uy! Bakit di mo ko pinapansin?!”








“Honey! Uy!”








“Bakit ngayon ka lang ha?!” Mangiyak-ngiyak ko na sabi.





“Hu? Kanina pa ako! Nung pagkadala dito sayo ni Manix ay tinawagan nya agad ako.”









Talaga? Akala ko nasa trabaho padin sya ngayon. Ano ba yan?! Napaka-OA ko naman. Hanggang ngayon ba na-iinsecure padin ba ako kay Jacynth?! Ugh.







Magsasalita pa sana ako nang biglang pumasok si Jacynth, Thea, Manix, Hydie, Josh at Mikee.





“Grabe!!! Ang ganda nung anak mo sisssy!!” Sigaw ni Thea..





Nasaan yung mga anak nila ha? Mga pabaya talaga ‘to. Napatingin ako sakanila na sobrang saya. Hindi ko maipinta.


“Grabe! Nakita nyo na ba yung baby nyong dalawa?! Kanino kaya nakuha yung itsura? Sobrang ganda eh?” Singit ni Josh.




“Hoy! Ang kapal mo Josh ah? Parang may kamukha naman si Jua sainyo? Wala nga!” -Thej







Ayon! Nagsitawanan na kami..“Oh? Paano na?! May mga anak na tayo.. Hindi na tayo makakapagmodeling hahaha!” Singit ni Hydie. Binigyan nalang sya nang masamang tingin nang mga boys. “Joke lang! Kayo talaga..”









Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. Private nurse ni Doc Lopez. Bit-bit nya ang baby ko.



“Eto na pala ang baby nyo eh?!” Sabi ni Manix habang akbay akbay si Thea.




Inabot naman nung Nurse yung baby saakin. Shems. “Mrs. Villaflor, ito na po ang baby nyo? Ano po bang ipapangalan natin?!”









OMG. Nakaisip na agad ako nang pangalan! HAHAHA PINAGHANDAAN KO NA ‘TO!


Tinignan ko sila at kitang kita ko na nag-iisip sila. Kahit meron na akong naisip ay mas magandang makita ko sila na nag-iisip. Hahaha Ang epic nang mga mukha nila.




“Angel Patriz! Mukha kasing anghel eh?” Singit ni Josh.



“Wag ‘yon babe. Mas maganda kung Dutches Patriz!” Sabi naman ni Hydie na hinihimas yung baba nya.



“Ang lakas maka royal, porket mukhang prinsesa eh?! Bakit hindi nalang pinagsamang name nila Thej at Shan?! THEAN?! /Ti-yan/” Sabi ni Thea.





“Kapal mo babe! Gusto mo lang ipangalan sayo yung anak nila eh! Atsaka ang pangit! Ginawa mo pang TIYAN!” sagot ni Manix. Natawa nalang kaming lahat. Oo nga noh? Parang TIYAN. Hahahaha




“Oo nga noh?! Eh sayo—Ano bang naisip mo ha?!”-Thea




“Joya Shanthej!” Mabilis na sagot ni Manix.




“Ano ba ‘yan?! Sounds like GOYA naman yan Nix! Tapos ang baduy pa nang dinugtong mo?!” sabat ni Jacynth. “Kung Jassy Kim nalang kaya?!”







“Eh gusto mo naman sayo isunod?! Anak mo ba yan?” Sabi naman ni Mikee. “Carla Patriz! Mas bagay!”






GRABE! Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa. Wala naman akong sinabi, nagtitigan lang naman kami.




“Hay nako! Mga baduy! Si Shan nalang pag-isipin nyo?!” - Thej.





“Actually guys may naisip na ako. Deniese Yssabel Villaflor”









Natameme silang lahat. “Walanjo! Meron na pala pinag-isip mo pa kami Shan!” sabi ni Hydie.





Inismidan ko nalang sila. “Hoy! Nakipagtitigan lang ako sainyo. Wala akong sinabi na mag-isip kayo. Yang asawa mo ha?!”







Inabot ko si Deniese sa nurse at binalik na nila sa nursery room nito.







“Sige! Magpapahinga na muna ako!” Sabi ko sakanila sabay ipinikit ko yung mata ko.








Welcome to the world 'Deniese Yssabel'








-------
LEAVE VOTES 🌟, COMMENTS 📝 and SHARE IT WITH YOUR FRIENDS 💑

Mind to follow my FB Page.
-Hyduuush Stories
and on Twitter
-@bulanonhydie

MSMMY 2: Marrying Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon