THEJ’S POV
Damn. Alam nyo bang hindi padin ako makatulog after that incident. Kinasuhan ko agad si Kevin nang attempted rape. Hanggang ngayon hindi padin nakakausap si Shan. Isang linggo na syang nasa traumatic stage. Ni hindi mo nga sya malapitan, ayaw nyang magsalita ni kumain ayaw nya din! Hindi ko na alam! Muntikan ko nang mapatay yung GAGONG ‘yon kung hindi lang ako naawat ni Mikee. Fck! Paano na yung mag-ina ko sa ginawa nya! NapakaBABOY nya!
Sabi nung doc, okay naman daw yung baby. Maayos yung kapit pero ang problema daw ay si Shan. Maari daw magkaroon nang malaking problema sa panganganak nya. Kaya pumunta agad ako sa office ni Doc Lopez para tanungin ano ba ang magiging problema pagnagkataon. Pinabantay ko muna si Shan kila ate Jaella at Jacynth. Mamaya pa ang dating ni tito at tita. Alam na din ni mommy at daddy ang about dito kaya mamaya daw sila pupunta.
“Hello? Doc Lopez?!”
Kumatok muna ako nang tatlong beses hanggang sa may narinig akong nagsabi nang “come in” kaya pumasok na ako. Isinantabi ni doc ang mga ginagawa nya at pinau-po ako. Inayos nya ang salamin nya bago sya magsimula. Kaya napapa goosebumps ako eh.
“Ano pong meron doc?!”
“Actually, may matinding side effect ang pagkatrauma nang asawa mo. Its been a week na simula nang accidente. Pero hindi padin sya nagsasalita at kumakain.”
Medyo naguluhan ako sa sinasabi ni doc. Ano raw? Side effects? Ano naman ‘yon? Stable naman na si Shan ah! Kapag talaga may nangyaring masama sa mag-ina ko hindi ko alam kung anong magagawa ko sa lalaking ‘yon!
“A-Ano pong i-ibig nyong sabihin?”
Huminga nang malalim si doc dahilan para tumayo ang mga balahibo ko. Ano ba?!
“Hindi maganda ang sitwasyon nang asawa mo. 2 months nalang manganganak na sya at hindi padin stable ang emotions nya. Mahihirapan syang manganak.”
Natigilan ako. Mahihirapan syang manganak dahil sa pagkakatrauma nya. Kasalanan ko ‘to! Siguro kung hindi ko iniwan si Shan non hindi sya malalapitan nang gagong Kevin na ‘yon! Fck! Anong nangyayare sa buhay ko.
“Ano po bang dapat naming gawin para maging mabilis ang recovery ni Shan?!”
Inayos na naman ulit ni doc ang stethoscope na suot nya. Alam kong mahirap pero gagawin ko para lang sa mag-ina ko.
“We have 2 options. 1st option, about sa Psychiatrist. Maghanap kayo nang Psychiatrist para mapabilis ang recovery nya.”
“WHAT?! PSYCHIATRIST?! NO WAY!!”
“Calm down, Mr.Villaflor. I know nakakagulat pero para rin yon sa mag-ina mo.”
“What's the other option?!”
Ayoko sa option number 1. Wala akong balak kumuha nang psychiatrist. Kahit anong mangyare! May 2nd option pa naman eh!
“Go somewhere. Out of town you know?!”
“Eh mas okay naman po ang second option eh! Bakit mas prefer po kayo sa first option?”
“Mr. Villaflor, matatagalan kayo sa second option. It takes 3 to 4 months?! Kaya mas mabuti na pag-isipan mo. Pero kung magiging maayos naman ang recovery nya sa second option, it will takes either 2 or 1 month kung lahat nang atensyon mo mapupunta lang sakanya! Kaya kung gusto mong maging maayos at mabilis ang kanyang recovery, you must need to give all your attentions to her.” tumayo naman si doc. “If you'll excuse me.”
--------
5 days after
Pagkatapos nang napag-usapan namin ni doc lopez ay hindi na ako nagdalawang isip pa na ilayo muna si Shan.. Dinala ko sya sa private resort namin dito sa Laguna. 5 days na kami dito sa Laguna and so far nakaka-usap ko naman na si Shan.
“Honey, may gusto ka bang kainin?!”
She just smiled. Nasa balcony sya at pinagmamasdan yung magandang tanawin nang dagat at Mt. Makiling.
“Ah?! May gusto ka bang ipabili?”
Dahan-dahan nya akong hinarap. Hawak-hawak nya pa yung baby bump nya. Ang aliwalas na agad nang itsura nya kesa nung dinala ko sya dito na bigla-bigla nalang iiyak tapos iiyak sya nang walang boses.
“Uhm ... Wala naman.”
“Honey, pwede ba akong lumapit sayo at yakapin ka?! Namiss kasi kita nang sobra eh!”
Halos maiyak na pagkakasabi ko. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayare eh? Sa gabi-gabi bigla nalang magigising si Shan tapos iiyak. Hay nako! Nakita ko na mabilis nagbago yung itsura nya. Kanina nakangiti sya pero bigla-bigla nalang syang nalungkot.
“Its okay, honey kung ayaw mo. Hindi naman kita masisisi—
“No its okay!”
Nagulat ako sa sinabi nya. Biglang nagliwanag yung mukha nya at ngumiti. “S-S—igurado ka?”
She nods. Hindi na ako nagtanong pa at lumapit na ako sakanya at niyakap sya. Gusto kong maiyak dahil sa sinagot nya. Ang tagal ko syang hindi nalapitan, kahit nasa iisang bahay lang kami parang ang layo-layo ko sakanya. Nihindi ko sya mahawakan, malapitan at mayakap. Kahit pag-alalay hindi ko magawa dahil bigla nalang nya akong mai-tutulak.
“Sorry, Thej ha?” Naramdaman ko yung pagpatak nang luha nya sa balikat ko.
Dahan-dahan kong hinawakan ang balikat nya at inilayo sya. “Huh? Bakit ka nagsosorry? Wala ka namang ginawang masama ah?”
“Ikaw kasi ang nagdudusa sa kasalanan nung hayop na ‘yon! Parang nahihirapan ka na saamin nang baby ko!”
Shit! Umiiyak na naman sya. “Ssshh.. Don't say that. Hindi ako nahihirapan.. Masaya nga ako kasi hindi mo ko pinapalayo—ah! Wala wala..”
Pero sa totoo lang nahihirapan na ako at feeling ko ang layo-layo nya.. Pero kaya ko namang tiisin yon.
Bigla nalang nya akong niyakap. Ngayon, parang ibang Shan na ata ang kasama ko. Parang bumalik na sya.
“Thej! I promise na gagawin ko ang lahat para gumaling agad....”
-----
LEAVE VOTES 🌟, COMMENTS 📝 and SHARE IT WITH YOUR FRIENDS 💑
Mind to follow my FB Page.
-Hyduuush Stories
and on Twitter
-@bulanonhydie
BINABASA MO ANG
MSMMY 2: Marrying Mr. Yabang
JugendliteraturSabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya. We're engaged pero yung KASAL?! Uhm-undecided lagi. Diba? Nakakaasar. DATE STARTED: MARCH 20,2016 DA...
