CHAPTER 5

2.1K 58 3
                                        

Thej’s POV

Grabe, nakakapanibago si Shan. Dati ayaw na ayaw nya yung Butter Vanilla Cake na favorite ko tapos ngayon—halos naka 2 cake na sya.

Hindi kaya—No! Wag muna.

“Kulang pa ba?”

“Actually, Gusto ko pang kumain ng cake na ‘yon. Ayon nalang kaya ang ibili natin kay Zeph.” sabi nya habang patuloy sa pagkain.

Oo, ayon na nga lang ang ibibili ko kay Zeph. Pero kung ‘yan ang ibibili ko? Baka kulangin ang isang malaking cake for Zeph. Kay Shan palang kulang na ‘yan.

“Osige yon nalang.”

Pinaubos ko na muna kay Shan yung Last Cake na yon. Pagkatapos nya ay pumunta agad ako sa counter at bumili ng 8 cake na Butter Vanilla flavor. Pagkatapos non ay hinatid ko na pauwi si Shan.

----
Kinabukasan

Shan’s POV

Ano kayang ireregalo ko kay Zeph? Teddy bear nalang kaya? Gatas? Pacifier? Baby Bath thub? Soap?

HINDI ko alam!!

“Ayon na nga lang, Lahat ng yon.”

Binili ko lahat ng ‘yon. Para naman hindi na ako mahirapan pa sa pagpili. Nakakaloka!

Pagkatapos kong bumili ay agad akong dumiretso doon sa bahay nila ate Hanna at kuya Troy. 

Pagbaba ko sa kotse ko ay agad kong nakita ang engradeng birthday party ni Zeph.

Pumasok ako sa loob ng bahay nila. Malaki yung loob at ang lawak ng garden. Dahil sa marami naring tao ay, hindi ko agad nakita si Ate Hanna. Pero nakita ako ni kuya Troy.

“Oh? Shan!”

“Hello, Kuya Troy! Where’s my Niece and ate Hanna?”

“Andoon sa loob. Sige puntahan mo na muna sila, titignan ko na muna yung iba pang bisita.”

I smiled. Pumasok agad ako sa loob, nakita ko naman agad si Ate Hanna na buhat buhat si Zeph.  Ang saya nilang tignan, nanatili nalang tuloy akong nakatayo. Kailan din kaya kaya magkaka-baby ni Thej? Baby agad Shan, wala pa ngang kasal? HAHAHA!

“Oh? Andyan ka na pala Shan? Kanina ka pa ba nakatayo dyan?” Sabi ni ate Hanna. Napansin na nya siguro ako.

“Ah! Hindi naman po. Kadadating ko lang!”

Nahiya na din akong nakatayo kaya pumasok na ako. Inabot ko yung regalo ko kay ate Hanna at binuhat ko si Zeph. Kahit hindi ko pa sya totoong Niece eh, yun na ang turing ko sa baby na ‘to.

“Bakit di mo kasama si Thej?”

“Ewan ko dun sakanya. Daaanan pa no’n yung—TRABAHO nya!” napilitan tuloy akong ngumiti. Muntikan ka nang madulas Shan ah! Ingat-ingat.

“Ah! I see. Sige, iwan ko muna sayo si Zeph.. Puntahan ko lang si kuya Troy mo!”

I nod. I’m so excited na kausapin si Zeph. Nang makalayo si ate Hanna ay kina-usap ko na si Zeph. Umupo ako sa sofa.

“Owww...ang baby ni tita Shan!!! Ang cute-cute naman ni Zeph!!” pinisil-pisil ko yung pisngi nya. Habang sya ay nakatawa at ngumingiti saakin.

Nakaka-enjoy talaga kapag may baby. Kailan kaya ako magkakaroon ng sariling akin... syempre yung may asawa ako! Kasal muna diba?

“Zephyyy, Bakit di ka pa nagsasalitaa?” Pa-cute kong sabi. 

Patuloy padin ako sa pag-kausap sa baby na ‘to. Kahit kailan talaga napa-cute si Zeph.


“Hindi ‘yan sasagot! Hahaha”

Mabilis akong napalingon sa nagsasalita.. hindi ko inaasahan na nandoon pala sya, nakakahiya yung pinagsasabi ko kanina.. sana hindi narinig ni Thej, baka mamaya maisipan nyang—AISSH!! WALA. Ikaw talaga Shan! NapakaGREEN mo.

“Kanina ka pa ba dyan?”

“Uhmn... Let say simula nang makalabas si ate Hanna!”

Napatayo ako kasi nagsimula na syang lumapit saamin ni Zeph. Binigyan nya naman ako ng ngiting nakakapagpakilig saakin. Yung ngiting hindi ko sya masusungitan..

“Pabuhat muna kay Zeph!”

Inabot ko sakanya yung pamangkin nya–este namin pala. Natuwa ako kasi aliw na aliw silang dalawa sa isat-isa. Panay pisil si Thej sa mukha ni Zeph.

“Nasasaktan na ‘yung bata! Itigil mo nga yan!” Sinusungitan ko na naman sya. Ang kulit kasi, kanina pa pinipisil yung cheeks ni Zeph. Porket nakangiti, hindi na nasasaktan?

“Ayoko nga!”


“Dalawa! Mamaya umiyak pa yan!”


“Gusto mo, sayo nalang pisilin ko eh!”

Feeling ko namumula ako ngayon, nakakaasar... AKO daw? Pipisilin nya yung akin? Hahaha, Ano bang pipisilin mo saakin Thej–AY WALA. HAHAHA

Inirapan ko nalang sya. “Bahala ka!”





Ano RAW sinabi KO? ‘BAHALA KA?’ NOOOOO!!!

MSMMY 2: Marrying Mr. YabangMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon