Shan's POV
Until now, loading padin saakin yung pagsigaw saakin ni Thej. Hindi ako makapaniwalang magagawa nya saakin ‘yon.
Paano pa ako magkakaroon ng lakas nyan? Para sabihin sakanya yung sasabihin ko, kung kapag tinopic ko ‘yung sa kasal namin ay MAGAGALIT sya.
Hindi naman ako makakapayag na hindi kami makasal. Paano ako? At yung batang dadalhin ko PAGNAGKATAON.
“Hindi ka ba nagugutom Shan? Kanina ka pa hindi kumakain? Sure ka bang okay kalang?”
“Oo ate Jae.”
“Sigurado ka ha? Alalahanin mo, may taping kayo mamayang 6 PM at puyatan ‘yon? Hindi ka manlang ba magpapahinga o dikaya matutulog?”
Wala akong gana. Wala akong lakas.. Wala akong lahat!! Pero hindi ako dapat magmukhang ganito sa harapan nila.
Bumangon ako sa couch at naglakad papunta sa kusina. Dinaanan ko lang si ate Jae na sobrang kinakabahan na sa ikinikilos ko...
Binuksan ko ang fridge at kumuha ako ng prutas pati Salad. Yun lang muna ang kakainin ko sa ngayon.
“Kumain ka kaya ng kanin, para naman magkalakas ka. Hindi ka mabubusog dyan. Walang Carbohydrates yan.”
“I don't care Ate Jae. Pwede ba? Iwan mo muna ako?”
“Iiwan kita? Sa lagay na yan. Tss, don't me. Isa pa, di mo ko madadala sa kasungitan mo..”
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa pinagsasabi ni ate Jae. Basta ang alam ko lang, hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman ni Thej ang totoo.
Pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko. Mamaya magiging busy na ako sa trabaho ko. Ilang araw din kasi akong umabsent dahil kay Thej.
--------
“Bakit ka pa kasi sumama ate Jae!!”
“Eh wala akong tiwala ngayon sayo eh? Mamaya magpatiwakal ka dyan habang nagtatapping kayo eh!”
Loka talaga ‘tong si ate Jae. Wala akong nagawa, naandito na sya sa area eh? May magagawa pa ba ako bukod sa sungitan sya buong araw?
“Tama na yang kakatitig sa phone mo. Hindi yan magsasalita!”
Nakatulala pala ako sa phone ko? Inirapan ko nalang si ate Jae. Inaantay ko kasi, baka magtext or tumawag si Thej. Pero mukhang imposible naman diba?
“(Sigh) Ate Jae. Pwede ba? Wag kang magulo? Nanahimik ako dito eh, isa pa hindi naman sasagot yang phone ko. Wala naman akong sinasabi eh!”
Inismidan nya nalang ako. “Kapal mo shan! Wala raw... pero kanina bumubulong nang 'Sana magtext ka' atsaka 'Kahit Call lang!'”
Patuloy padin sya sa pagtawa at pangangasar. Panira! Nga pala, bakit hindi pa ba kami nagsisimula? Asaan na ba yung mga makakasama ko sa scene?
Dahil nacucurious na talaga ako. Lumapit na ako kay direk para naman itanong kung bakit hindi pa kami nagsisimula sa tapping.
“Direk, Bakit hindi pa tayo nagsisimula?”
“We're sorry Shan kung naiinip ka na. Yung about kasi sa napag-usapan. Yung artista na dapat i-papair sayo ay umatras dahil din daw sa hectic schedule nya.
Kapal naman nung makaka-partner ko na ‘yon? Mas Hectic pa nga schedule ko eh!
“No need to say sorry direk.” I smiled. “Pero sinong papalit sakanya?”
“Don't worry, buti nalang meron agad kaming nahanap na free galing sa ibang istasyon.. I hope both of you will do the best.”
I smirked. “I Hope so. ”
Bumalik na ako sa upuan ko para magpahinga.. pero hindi pa nga ako nakakaupo eh tinanong na agad ako ni ate Jae.
“So ano? Bakit di pa daw nagsisimula?”
“Pwedeng paupuin mo muna ako diba? Kapagod kayang lumakad?”
“OA ka din Shan eh. Naglakad ka lang ng kaunti pagod agad? Eh parang lumabas ka lang ng mansyon natin sa ginawa mo eh?”
Inirapan ko nalang sya at naupo na ako. Nasabi ko na ba na sobrang daldal nya at ang sarap nya talagang kalbuhin. Nakakabanas.
“So ano nga? Bakit di pa kayo nagsisimula?”
“Hapit ka? Inaantay pa daw yung PABEBEng leading man ko? Hindi kasi sumipot si Park Chanyeol na dapat partner ko daw? Busy daw kasi..”
[A/N: Sorry guys. Imagine nyo nalang na si Chanyeol yung nagback-out sa tapping. Wala na akong ibang maisip eh.]
“Sino daw ba papalit?”
“Sa tingin mo kilala ko ate Jae?”
“Sabi ko nga, hindi mo kakilala!”
Hindi nalang ako nagsalita pa. Maya-maya ay bigla nalang may tumigil na kotse at binaba nito ang isang lalaking masasabi ko na GWAPO.
Pero mukhang may attitude eh. Parang masama yung ugali? Na may pagka-masungit din? Hahaha.. Baka naninibago lang ako sa makakapartner ko.
“Oh! Andito na pala sya eh!”- direk.
Napatingin lahat nang staff sakanya syempre pati nadin yung mga co-actress at actor. Syempre LEADING MAN e?
“Parang makakasundo mo ‘to Shan?!” -Jae
“Makakasundo your FACE! Eh baka magka-gyera pa kami dito eh.”
Na-hinto yung paguusap namin ni ate Jae nang bigla akong tawagin ni Direk. For sure ipapakilala nya na ako sa makakapartner ko. Lumapit naman ako at inayos ko yung sarili ko.
“Hi!” Greet nya saakin. Grabe, nginitian nya ako at feel ko naman seryoso ‘yon. Hindi pilit eh.
“Hello!” yan lang sinabi ko. Hindi naman ako yung taong maraming satsat.
“Oh? Tama na yang HI at HELLO nyo, hindi nyo makikilala yung isat-isa kung ganyan lang sasabihin nyo.” Singit ni Direk. “Shan, I would like you to meet Clyde Kim. He's one of the best actor in Korea, half-pilipino din sya. Kaya okay lang sainyo mag-usap ng Filipino.”
Hindi padin mawala yung ngiti nya sa labi. Okay, binabawi ko na yung sinabi ko kanina. Hindi sya masungit kagaya ko. TAMA LANG.
“So, I'll give you 20 minutes to consume your break. After non we'll have to start na.” Direk added.
Bumalik na ako sa pwesto ko at naupo. Mabilis naman kong tinadtad ni ate Jae nang tanong pero dahil consume daw yung break namin ngayon ay umidlip na ako at hindi sinagot yung mga tanong nya.
Bahala ka dyan!
******
Author's note
Sino si Clyde Kim? Magiging parte ba sya ng buhay ni Shan? Magiging isa ba sya sa sisira ng kwento KO. Hahha Abangan..
-hyduuush-
BINABASA MO ANG
MSMMY 2: Marrying Mr. Yabang
Novela JuvenilSabi nila, 'PATIENCE IS A VIRTUE' diba? Pero hanggang kailan ko gagamitin yung pasensya ko kung malapit nang maubos dahil sa rason at pagtatago nya. We're engaged pero yung KASAL?! Uhm-undecided lagi. Diba? Nakakaasar. DATE STARTED: MARCH 20,2016 DA...
