Part 2

11.2K 284 6
                                    

"Kiara, apo ko!" malakas na iyak ng kanyang lola.

"Kiara, who did this to you?" hagulgol din ni Taya.

Nakapikit na napakunot-noo si Kiara. Nagising na talaga ang diwa niya na mula sa pagkakatulog. An'yare ba? Bakit iniiyakan siya ng lola at ng kaibigan niya? Bakit nagpapalakasan sila ng iyak?

She totally opened her eyes. At anong sindak niya nang napakadaming tao ang nakita niya sa kusina nila. May mga pulis pa.

"Kiara, Diyos ko! Apo kooo!" pag-iiyak pa lalo ng lola niya. Halos himatayin na ang matanda.

"Lola, why ba?" Mas naguluhan na siya.

"Kiara, sino'ng gumawa nito sa 'yo?" tapos si Taya rin.

Lalong naguluhan si Kiara sa nangyayari. Pati man kasi ang mga kamag-anak niya ay umiiyak din pala.

"What the hell is happening?!" tanong niya sa mas malakas na boses sabay bangon. But still, she couldn't get an answer.

"Taya, bakit hindi mo ako pinapansin?" Kinalabit na niya ang matalik na kaibigan. Subalit anong silakbot na niya nang lumusot ang kamay niya sa braso ni Taya.

"Lola Doring, sorry po pero kailangan na natin siyang dalhin sa morge," narinig niyang sabi ng isang kapitbahay nila.

Lalo pang nahintakutan si Kiara at halos hindi siya makakilos nang makita niyang binuhat ang isang babae na kamukha niya mula sa sahig. Pagkatapos ay tumambad ang napakadaming dugo.

"Luh!" naibulalas niya sa nanlalaking mga mata dahil napagtanto na niyang siya ang babaeng iyon. Siya 'yon! Siya 'yong binuhat at dinala sa ospital! What the F!

Hanggang sa naalala na niya ang nangyari. Oo nga pala, kagabi ay may lalaki na bigla na lamang pumasok sa bahay nila. Umiinom siya noon ng tubig sa may kusina.

"Sino ka?!" hintakot niyang tanong sa lalaki na puros itim ang kasuotan kasama na ang sumbrero.

Mabangis ang mukha na lumapit sa kanya ang lalaki kaysa ang sagutin siya. "Dapat lang sa inyong mag-ama na magsama sa impyerno! Dapat ka ring mamatay tulad ng pagpatay ng papa mo sa anak ko!" at sabi nito bago siya inundayan ng tatlong saksak sa tiyan.

Kiara's mouth fell open in disbelief as she recalled that particular scene. Patay na talaga siya kung gano'n? Seryoso ba?

Napakagat-labi siyang natuliro. Ibig sabihin iyong nakita niya na kamukha niya na dinala ng ospital ay katawan talaga niya. Eh? Parang hindi true. Parang ayaw niyang maniwala.

"Kiara, apo ko, sino ang gumawa nito sa 'yo? Napakawalang puso niya," hagulgol na naman ng lola niya na kanyang narinig.

Suddenly, sadness crept over her. Bakit ngayon lang niya naisip na kapag namatay siya ay wala nang makakasama pala ang lola niya? Ang gaga niya pala sa sinabi niya kahapon na sana kunin na rin siya ni Lord. Nagkatotoo tuloy.

Humakbang siya at lumabas dahil naninikip ang dibdib niya sa mga naririnig niyang iyakan. Sa salas, doon niya tinesting kung kaluluwa na ba talaga siya. Sinubukan niyang lumusot sa pader, and wow lumusot nga siya. Nakalabas siya sa kanilang bakuran na walang kahirap-hirap.

Bigla ay nawala ang lungkot niya. Nice rin pala. Para siyang nagkaroon ng powers.

"Yes!" Mayamaya pa'y napasuntok siya sa hangin. Masaya na siya dahil ngayong kaluluwa na siya ay may pag-asa na talaga siyang makausap ang papa niya. Humanda sa kanya ang papa niya.

Ang tanong, nasaan ang mga susundo sa kanya? Hindi ba't ang sabi kapag namatay ang isang tao ay may susundo rito na anghel kapag sa langit ang punta? At si kamatayan naman kapag sa impyerno? Bakit wala sa kanya? Ang daya yata?

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon