Part 36

4.1K 132 11
                                    

Nagsidatingan na ang mga madaming tao sa bahay ng lola ni Kiara para maghanda sa gaganaping debut party mamayang gabi para sa kanya. May malakas nang tumutugtog sa labas. May naghahanda na ng tables and chairs. At may nag-aayos na rin ng mga bulaklak. Dumating na rin ang catering.

"Anak, nasa labas si Kevin. Baka puwede ay kausapin mo siya, Anak?" pakiusap ni Mang Ben kay Kiara.

Kiara frowned automatically. Nagbu-beauty rest na siya para sa special na mangyayari mamayang gabi, pero feeling niya ay tumatanda siya sa ginagawang pangungulit sa kanya ng ama tungkol sa matandang Kevin na iyon.

"Why should I, Dad? I do not know him. Besides, why is he even here? He wasn't even invited to my party. Maiinis lang ako sa Bubong na 'yon pati."

"Baka lang kako gusto mo?" Napapakamot sa ulo si Mang Ben. Gusto nito sanang tuparin ang ipinangako nito kay Kiara na nagmamahal kay Kevin, subalit paano? Hindi naman nito mapipilit ngayon ang kanyang anak.

"Bes!" saglit ay malalakas na tili ng isang babae pumasok sa silid ni Kiara.

"Bessss!!!" tili rin ni Kiara nang makita ang kanyang best friend. Tumayo siya at masayang-masaya na sinalubong ng yakap ito.

"I miss you, bes," sabi ni Wellah. Ito si Taya sa unang buhay niya kung naalala pa rin niya sana. "My gosh, this place is too far. Nasira ang beauty ko sa byahe, bes."

She chuckled. "Gano'n talaga, bes. Probinsya, eh," aniya saka tumingin sa Dad niya dahil may tumawag dito sa cellphone.

"Your Mom. Malapit na raw siya," singit ng Dad niya.

"Abangan ko na siya sa labas. Maiwan ko muna kayo, Wellah. Feel at home."

"Okay, Dad," sabi niya sa ama. Hindi na nagpasundo ang Mommy niya sa Clark Airport dahil mag-ayos na lang daw sila at asikasuhin ang nga bisita.

"Thanks, Tito Ben," sabi naman ni Wellah.

Tumango at ngumiti si Mang Ben at iniwan na sila.

Nagtitili ulit sila ni Wellah na magkahawak ang dalawang kamay saka nagtatalon. Feeling nila ay kay tagal nilang hindi nagkita. Hindi sila masisisi dahil higit pa sa magkaibigan ang turingan nila. Wella has been her best friend for a decade already. Higit pa nila ang kambal na magkapatid na ang turingan.

"Doon tayo para makita ko agad kapag dumating na si Mommy, bes," pagkuwa'y anyaya niya sa kaibigan sa terrace ng kanyang kuwarto.

Doon ay kitang-kita nga nila ang mga taong nagtutulungan para ihanda ang magiging malaking party niya mamayang gabi.

"Sayang hindi raw makakarating sina Jacob at Xandro," sabi ni Wellah na nag-pout. Ang tinutukoy nito ay ang mga boys na nanliligaw sa kanila.

"It's okay. Ang gusto lang naman nina Mommy ay tayo-tayo lang na mga mahal ko sa buhay sa debut kong ito," sabi niya na hindi maalis-alis ang kanyang ngiti sa labi.

"Pero darating daw si Hanz. Ayeiii," ani pa ni Wellah sabay tusok sa tagiliran niya. Kinikilig ang bruha.

"Ano ba!" aniya na umiwas-iwas at tatawa-tawa. Nakiliti siya hindi lang dahil pagkiliti sa kanya ng kaibigan kundi sa kilig din.

Si Hanz ay ang campus crush ng university nila sa Maynila na umamin kamakailan lang bago magbakasyon na may pagtingin daw sa kanya. Handa rin daw siyang ligawan.

Syempre kilig na kilig siya noon. Crush din kasi niya ang binata.

"Dapat siya ang eighteenth rose mo mamaya, bes, para bongga," sabi pa ni Wellah.

She pouted. "Sorry, pero mga pinsan ko at ibang nga kamag-anak ko ang kinuha ko na eighteen roses ko. Sabi ko nga sa inyo gusto ko 'yung mga mahahalagang tao lang sa akin ang papaligid sa akin ngayong debut ko."

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon