Grabe ang matinding kaba ni Kiara habang hinihintay niya ang paggising ni Kevin. What is she going to do? What if Kevin sees something unusual about her while she's asleep?
Nakagat-kagat niya ang kuko ng hinlalaki niya. Hindi talaga siya mapakali.
Sinubukan niya namang binura sa utak ng binata ang nakita nito kung sakaling meron man, pero hindi niya kasi sigurado kung gumana. Malalaman lang niya na gumana ang powers niya kapag gigising na si Kevin. Pero paano kung hindi gumana? Eh, di nalagot na?
Natampal-tampal niya ang noo. Bakit ba kasi ang palpak minsan ng powers na binigay sa kanya ni itim na anghel, eh?
"Nakaka-stress!" palatak niya. Naro'ng uupo siya tapos ay tatayo tapos ay mapapatitig sa mukha ng pinatulog niyang binata. Hindi talaga siya mapakali. Nakakatanga na ang nangyayari.
"Ano'ng oras na ba?" tanong niya sa sarili na napatingin sa wall clock. "Alas singko na, ah. Bakit hindi pa siya nagigising?" Kinabahan na naman siya. Naisip niya na baka mali na naman ang pag-powers niya.
Nang sa wakas ay gumalaw na si Kevin. Naginhawaan siya na napatingin sa binata. Excited niyang hinintay na magmulat ito ng mga mata. Subalit dahil siguro may naalala agad, bumalikwas ito ng bangon at parang nahintakutan nang nakita siya.
Napalunok si Kiara. Nahigit niya ang kanyang hininga na hinintay ang sasabihin nito.
"Salamat at panaginip lang pala 'yon," sabi na ni Kevin na ginhawang-ginhawa.
Napakagat-labi si Kiara. Nakiramdam muna niya. Meaning ba niyon ay hindi pa siya buking?
"Alam mo bang sa panaginip ko ay naging manananggal ka raw? Nakita raw kita riyan sa kisame. Ang pangit mo," saglit ay maikling kuwento ni Kevin habang bumaba sa kama nito.
She winced. Manananggal talaga?! Eh, di sheng!
Tinignan niya nang masama ang dalawang daliring pinipitik niya kapag nagpa-powers siya. Pinagalitan niya ang mga iyon na parang tao. "Grabe kayo, ano? Sabi ko burahin 'yung nakita niya, hindi 'yung gagawin niyo akong manananggal sa eksena! Putulin ko kaya kayo, eh!"
"Kiara, kinakausap mo ang mga daliri mo?" nagtakang tanong tuloy ng nakatingin sa kanyang binata.
Namilog ang mga mata niya. Ngayon naman nagmukha siyang engot. Urgh!
"Ah, eh, hindi," kaila niya na itinago ang kamay sa likod. "Ano pang napanaginipan mo?"
"Wala na. Iyon lang. Akala ko nga totoo na, eh, pero panaginip lang pala."
Naginhawaan na siya. Thank you, Lord! Nakalusot!
Ang kaso biglang kumulog ng malakas. Napangiwi siya. Gusto niyang magtago. Dapat thank you Lucifer nga pala. Naku po!
"Mukhang uulan ngayon, ah," saad ni Kevin. Bumangon na ito at lumabas ng kuwarto.
Sumunod siya. At gusto niyang matawa dahil kulog pala iyon na totoo at hindi dahil binanggit niya ang kalaban nina itim na anghel. Madilim ang paligid. Mukhang uulan ng malakas.
"Dito ka na lang. Papakainin ko lang ang mga baboy," sabi sa kanya ni Kevin.
"Sama ako. I'll help you."
"Huwag na. Dito ka na lang. Mabilis lang ako kasi pupunta pa ako sa palengke. Mag-relax ka lang dito, okay?"
Naiwan siya sa loob ng bahay na napapakibot-labi. Paroo't paroon siya sa sala. Hindi ulit siya mapakali. Ano'ng mangyayari kung ganito na lang palagi ang nangyayari? Paano niya magagawang maging masama ang napakabait na taong si Kevin?
Ang hirap talaga!
Nang bigla ay padabog na bumukas ang pinto at pumasok ang tiyahin ni Kevin. Napatingin siya rito. Mukhang mainit na naman ang ulo. Minsanan na nga umuwi ng bahay, galit pa.

BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Fantasy"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...