Naalimpungatan si Kiara dahil nanlalamig siya. Iyon pala ay nakatutok sa kanya ang electric fan na kanina'y umiikot sa kanila ni Kevin.
Aabutin niya sana ang kumot na pinahiram sa kanya ni Kevin nang mapansin niyang wala ang binata sa sahig na kinahihigaan nito. Siya kasi sa kama dahil nauna siyang humiga ro'n kanina. Nautakan na naman niya si Kevin.
Inilinga ni Kiara ang tingin sa buong silid, pero wala talaga si Kevin. Bumangon na siya at lumabas. Wala rin sa loob ng bahay ang binata kaya lumabas siya ng bahay. Doon nga sa labas niya ito nakita. Nakatayo at tila kay lalim ng iniisip.
Lumapit siya at nagpapansin sa pamamagitan ng pagtikhim.
Luminga naman agad ito sa kanya. "Bakit lumabas ka pa?"
Niyakap niya ang sarili na tiningnan din ang kawalan. "Wala lang. Akala ko kasi kung nasa'n ka. What are you thinking? Ang lalim yata?"
Ibinalik ni Kevin ang tingin sa kawalan at bumuntong-hininga. "Iniisip ko kung ano'ng mangyayari sa 'kin bukas. Siguradong patay ako. Siguradong kulong ako, Kiara."
"Huh? Bakit naman?" Kunot ang noong napatingin siya kay Kevin pero napalunok siya dahil kahit side view, eh, ang guwapo pa rin ng mukong. Muntik nang lumuwag ang garter ng panty niya. Lol!
Ipinilig niya ang ulo. Alam niyang masama ang mang-rape, pero nunka niyang gagawin. Ano siya desperada much?
"Nakita mo ang ginawa ko kay Bhe. Malamang nagsumbong na siya sa magulang niya. Pulis pa naman ang tatay niyon."
Iwinaksi niya muna ang pagnanasa niya kay Kevin. Umasim ang kanyang mukha sa pag-alala niya sa ginawa niya kay Bhe.
So, pulis pala ang tatay ng malanding panget na 'yon. Kung gano'n malamang nga ay malalagot si Kevin bukas dahil kung iisipin niya ang kinalabasan ni Bhe kanina pagkatapos sampal-sampalin ni Kevin ay parang binugbog. Namaga nang husto ang mukha ni Bhe. Ang nguso nga lumala, nagmukha tuloy unggoy.
"Sigurado ring pagagalitan na naman ako ni Tita kapag nalaman niya ang kapalpakan ko," nanlulumong saad pa ni Kevin.
Napalabi si Kiara. Gustong-gusto niyang sabihing siya ang bahala bukas, pinipigilan niya lamang ang sarili at baka makahalata si Kevin na siya ang may pakana ng lahat ng kababalaghang nangyayari rito.
"Eh, bakit mo ba kasi nagawa 'yon?" kunwa'y tanong niya na lamang.
Napatingin sa isang kamay si Kevin. "Ewan ko ba sa kamay na 'to. Bigla na lang nagkakaroon ng buhay. Tapos ang sasama ng ginagawa niya."
Nag-iwas siya ng tingin at pasimpleng napahagod siya sa kanyang leeg. Pigil niya rin ang bunganga niya na huwag matawa o ngumiti.
"Kiara, maniwala ka sa 'kin. Kagagawan lahat 'yon ng kamay kong ito na sinapian yata ng demonyo."
Naubo siya. Demonyo agad? Hindi man lang dumaan sa masamang espiritu lang? Grabe siya!
"Totoo talaga ang sinasabi ko, Kiara," giit ni Kevin
Seryosong tumingin na siya rito. "Alam mo, Kevin, itulog mo na lang 'yan kasi kung anu-ano na ang sinasabi mo, eh."
"Pero totoo, Kiara, hindi ko lahat magagawa 'yon," giit ni Kevin.
Hinawakan niya sa likod si Kevin at tinapik-tapik iyon na akala mo'y isa siyang dakilang mabait na tao na umaalo ng isang taong may pinagdadaanan na matindi. "Naiintindihan kita. Baka sawa ka na sa pagiging mabait kaya nagagawa mo na ang mga bagay na hindi mo nagagawa noon. Hayaan mo na lang. Minsan enjoy rin naman ang maging masama, eh."
"Huh?" napamaang si Kevin. Parang lalong naguluhan.
Napakamot naman siya sa batok niya. Ito ang mahirap, eh, ang mag-advice. Hindi siya magaling sa mga ganito na drama-drama. Si Taya ang magaling sa mga ganito.
![](https://img.wattpad.com/cover/67145956-288-k297288.jpg)
BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Фэнтези"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...