Last Part

5.5K 209 32
                                        

Sa isang lugar na halos puros puti ang kulay, taimtim na nagdadasal si puting anghel habang nakaluhod siya sa paanan ng hagdanang nakakasilaw ang liwanag sa kaputian. Ang alam niya, ang hagdan na iyon ay paakyat sa patungo sa mga matataas na anghel, paakyat sa mga Santo, at paakyat pa hanggang kay Big Boss. Ewan lang niya kung totoo. Ang sigurado lang siya ay ang pagdadarasal ang paraan upang makarating ang natatangi niyang hiling.

Nang maglaho siya sa party kanina ni Kiara ay bumalik siya roon sa taas upang hilingin na sana ibalik na lang sa dating pagkatao ni Kiara nang tuluyan. Upang matupad iyon ay magdasal daw siya ng taimtim. Nga lang ay wala pa ring kasiguraduhan dahil imposible pa ring matupad ang kanyang kahilingan daw.

Nagdasal siya nang nagdasal.

Nag-angat lang siya ng ulo nang may bahagyang tumapik sa kanyang balikat. At nang lingunin niya ay ang kasamahan na niya ngayon na anghel na minsan ay nilait niya dahil ito ang anghel na kasabay niya noon na naging sundo rin ni Kiara.

Nagngitian sila at tumayo na siya mula sa pagkakaluhod. Kinuha niya ang inaabot sa kanya.

"Ano po 'to?" manghang tanong niya. Isa iyong liham na nakalagay sa lumang pamamaraan ng pagkakasulat. Sa isang lumang 'scroll letter'.

"Kasagutan sa hinihiling mo kay Ama," napakalamya ng boses na sagot ng anghel.

Lumaki ang mga mata ni puting anghel. Umaasa niya nga iyong binuklat. Sana, sana mapagbibigyan siya para kina Kevin at Kiara. Naniniwala kasi siya na deserve ng dalawang iyon na magmahalan at magkaroon ng happy ending. Ngunit nang mabasa niya iyon ay napabalik din agad ang tingin niya sa kausap. Nagtatanong ang kanyang mga tingin dito. Umawang pati ang kanyang mga labi nang marahang tumango sa kanya ang kasamahang anghel. Ibig sabihin, totoo ang mga nabasa niya.

NAIILANG man ay hindi maalis-alis ni Kiara ang tingin niya kay Kevin habang nagsasayaw sila. Gayundin si Kevin na titig na titig sa mukha niya.

"Salamat, Kiara, at hindi ka nagagalit sa akin ngayon," madamdaming paunang salita ni Kevin.

Bumuka ang mga bibig ni Kiara, pero walang salitang gustong mamutawi sa mga labi niya. Nahiya siya sa binata nang maalala niya ang mga ginawa niya ritong pagtataboy at pang-aapi.

"Sorry kung nakukulitan ka na sa akin. Pasensiya ka na dahil hindi kita puwedeng lubayan tulad ng gusto mo," sabi pa ni Kevin.

"What do you mean?" she asked; it's almost a murmur.

"Ang ibig kong sabihin ay hindi kita puwedeng sukuan dahil may pinangakuan akong babae na mamahalin pa rin kita kahit na ipagtabuyan mo ako nang paulit-ulit o kahit pa kasuklaman mo ako ng labis."

Kumurap-kurap ang mga mata ni Kiara na mas lalong napatitig sa guwapong mukha ni Kevin.

"KAILANGAN pa bang mangyari "to?" malungkot na tanong ni puting anghel sa kausap na kapwa anghel.

Tumango lamang ulit ang anghel. Ito man ay nalulungkot sa nakasaad sa sulat.

Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si puting anghel. Ayon kasi sa desisyon na nakalimbag sa sulat ay maibabalik ang totoong pagkatao ni Kiara sa isang kundisyon, at iyon ay ang siya naman ang makakalimot at hindi na makakabalit pa sa lupa kahit kailan.

Napapikit si puting anghel. Siya naman ang nasasaktan sa sandaling iyon dahil para sa kanya ay kapatid na ang turing niya kay Kiara. Kung makakalimot siya ay parang itinapon na rin niya ang pinagsamahan nilang dalawa ni Kiara noon. Isa pa'y hindi man lang siya ulit nakapagpaalam. Paano kaya ito?

"MAHAL na mahal ko ang babaeng iyon kaya hindi ko siya puwedeng suwayin. Ipaglalaban ko ang pag-iibigan namin kahit na ano ang mangyari," pagpapatuloy ni Kevin sa sinasabi kay Kiara. Sinasamantala niya ang pagkakataon dahil natatakot siya na baka pagkatapos ng sayaw na iyon nila ni Kiara ay mas mahihirapan pa siyang lapitan ang dalaga.

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon