Part 1

31.8K 515 12
                                    

"Papa! Papa ko!" hagulgol ni Kiara habang nakayakap siya sa kabaong ng kanyang papa. Paglabas nila sa kinainan nilang restaurant ng papa niya noong isang linggo ay bigla na lamang itong binaril ng mga naka-motor. Dead on arrival nang itakbo nila sa ospital.

Ang saya nila dapat ng papa niya dahil ngayon lang ito ulit umuwi matapos umalis noon upang magtrabaho sa malayo. Nagpapadala na lang ito ng pera noon sa kanila ng lola niya.

Namatay raw kasi ng maaga ang mama niya kaya lola niya na ang nagbabantay sa kanya kapag wala ang papa niya. At para mabuhay silang mag-lola ay umaalis ang papa niya para magtrabaho, pero hindi niya alam kung ano'ng trabaho nito. Kapag itinatanong niya naman kasi noon ay iniiba ng papa niya ang usapan nila.

Sanay na siya na wala lagi ang kanyang ama, pero syempre iba na ang pangyayaring ito. Ang sakit-sakit sa damdamin niya na inagaw ng walang puso ang buhay ng kanyang ama sa ganoong paraan, at sa harapan niya pa mismo. Parang hindi niya matatanggap.

Ang kinaiinisan pa niya, sa isang linggo na burol, ay marami ang bulung-bulungan na kriminal daw ang kanyang papa. Na mamamatay tao raw, na drug lord daw, na rapist daw, at ang pinakamalala ay wanted daw ang papa niya sa iba't ibang lugar kaya nagtatago.

"Buti na lang nawala na siya at natapos na ang kasamaan niya sa mundo."

"Ay, oo. Siguro tinira rin 'yan ng mga kasama niyang mga adik."

"Sa impyerno sigurado ang bagsak niyan."

Halos madurog ang puso ni Kiara. Minsan napipika siya at pumapatol.

"Kung wala kayong magandang sasabihin at puwede bang huwag na kayong magpunta rito! Respeto naman sa patay, oh!" isang beses ay naiyak niyang bulyaw sa mga ito. Pero dahil sa lola niya ay madalas tinitiis na lang niya ang inis at pinapabayaan na lang ang mga taong mapanghusga.

Hindi kasi talaga siya naniniwala na masamang tao ang papa niya. Sapagkat ni minsa'y hindi niya iyon nakita sa ama. Para sa kanya ay sobrang bait ng papa niya kahit pa matagal itong nawawala. Naiintindihan naman kasi niya na umaalis ang papa niya dahil kailangan nitong magtrabaho sa malayo para sa kanya. Never silang pinabayaan nito.

"Lola, bakit gano'n? Bakit ang papangit ng mga sinasabi nila kay Papa?" Umiiyak siya ulit na yumakap sa lola niya.

Tapos na ang libing. Sila na lang ulit ng lola niya sa kanilang bahay. Kaaalis lamang ng mga pulis na biglang dumating para kumpirmahing si Sergio Villanuera nga ang namatay na most wanted daw sa Virgan dahil sa kasong pangho-holdap sa isang malaking sanglaan. Muli ay nadurog ang puso ni Kiara. Lihim na nagalit siya lalo dahil kahit pulis na ang nagsabi niyon ay ayaw pa rin niyang maniwala. In denial pa rin siya.

"Apo, hindi ko rin alam dahil wala namang sinasabi ang papa mo sa 'kin tungkol sa trabaho niya." Pati man ang lola niya ay nagulat sa mga sinabi ng pulis.

Nanlumo lalo si Kiara. Gulong-gulo na talaga ang isip niya. Gusto niya sanang bigyang hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama, ngunit hindi raw siya matutulungan ng kahit na sino man dahil salot daw sa lipunan ang kanyang papa. Tama lang na mamatay na raw ito.

Hanggang sa napunta sa depression ang sobrang hinanakit niya sa mga tao. Lalo na nang na-news pa sa TV ang papa niya. Ayon sa balita ay patay na raw ang drug lord at heinous criminal sa Virgan.

"Papa, ang daya mo naman, eh. Alam mo ba na ang dami kong tanong sa 'yo ngayon? Paano mo ako masasagot niyan, eh, wala ka na?" Kinakausap niya ang kanyang papa sa larawan. Ang larawan ng papa niya na nakapatong noon sa kabaong.

"Is it true that you're a criminal?" tanong niya pa sa papa niya. "Ayaw kong maniwala, Papa, eh. Hindi ako maniniwala hangga't hindi ikaw ang nagsasabi sa 'kin na masama ka ngang tao." Niyakap niya ang larawan ng papa niya sa dibdib niya at muling nag-iiyak. "I want to know the truth, Papa. Gusto kong ipamukha sa mga tao na hindi ka masamang tao."

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon