"Anak, are you okay? Nagkulong ka na rito sa kuwarto mo, ah? Nakakahiya naman kina Kevin. Umalis sila na hindi mo man lang hinarap," puna sa kanya ng Daddy niyang sumilip sa kuwartong kinaroroonan.
Pagkatapos na nakakitaan ni Kiara ng gano'n si Kevin, iyong nag-iba rin ang hitsura ng binata tulad ng kanyang ama at lola ay natakot siya. Walang anu-anong iniwan niya ang dalawang binata sa bakuran ng bahay at nagkulong nga siya rito sa kuwarto. Hindi nga niya namalayan na dumating ang Dad niya.
"I'm sorry, Dad, but I'm not really comfortable aroung them," she reasoned out na totoo naman talaga.
Lumapit ang Daddy niya at tinabihan siya ng upo sa gilid ng kama. "I understand pero hindi mo na kailangang matakot sa kanila, Anak, dahil nakapagpaliwanag na sila sa 'kin."
Bumakas ang amusement sa mukha niya. Napamata siya sa ama.
"May kakilala pala sila noon na Kiara rin ang pangalan, and they said she really looks like you, para raw kayong kambal. Kaya nang makita ka nila noong isang araw ay gano'n na lang ang naging reaksyon nila."
"Really? Eh, nasa'n na raw 'yong girl na iyon, Dad?" Nagkainteresado siya.
"She passed away, Anak, eighteen years ago. Kaya nga gulat na gulat sila nang makita ka nila."
Bigla siyang kinilabutan at nalungkot.
"Don't worry, Anak, mababait sila. Tingnan mo nga't lechon pa ang peace offering nila sa 'tin."
Pinilit niyang ngumiti kahit na parang gusto na niyang umiyak dahil sa kalungkutan na hindi niya mawari. Pakiramdam niya ay may lumukob sa kanya na mainit na puwersa.
Kinabig siya ng kanyang Daddy. May paglalambing namang isinandig niya ang ulo sa dibdib ng ama.
"Dad, just to remind you, you're the one who told me not to trust strangers too quickly."
"Yes, I said that, but they are not strangers, Anak, kasi tagarito sila. Kung tutuusin ay tayo pa nga ang stranger dito, eh."
"Kahit na, Dad. Hindi porke't nagbigay sila ng lechon, eh, magaan na ang loob mo sa kanila."
Pinisil ng Daddy niya ang maliit pero matangos na ilong niya.
"Aray, Dad!" Iniiwas niya ang ilong.
Natawa ang Daddy niya. "Hindi naman sa gano'n. Kilala mo naman ako, makilatis sa mga tao kaya alam ko na mababait sila. Magagalang pa."
She pouted as she rolled her eyes. "Talaga lang, ha?"
"Hay, halika na nga. Tikman na lang natin 'yong lechon. Ang sabi-sabi sa 'kin, eh, masarap daw mag-lechon ang mga batang 'yon." Tumayo na ang Dad niya.
Ayaw pa sana niyang sumunod pero bigla naman ay kumalam ang sikmura niya. Hindi pa nga pala siya nag-aalmusal.
"SAAN kayo nagpunta kanina, Kuya? Party ba? Kasi dinala niyo 'yong lechon na niluto natin, eh," tanong ni Teroy sa Kuya Kevin nila.
Nagkatuwaan silang mag-inuman pagkatapos ng madaming gawain nila sa piggery.
"Kay Ate Kiara kami pumunta." Si Bubong ang sumagot. Binubuksan nito ang isang bote ng beer.
"Bakit hindi niyo ako isinama?" tampu-tampuhan ni Teroy. Batid din nito ang kuwento tungkol kina Kiara at Kuya Kevin nila sa tagal na rin nitong naninilbahan sa piggery. "Pero teka? Sinabi mo bang Ate Kiara? 'Di ba wala na siya?"
Natawa si Bubong. Habang si Kevin ay walang kaimik-imik na nakaupo lamang. Malalim ang kanyang iniisip.
"Pumunta kayo sa patay na?" ulit ni Teroy. Namimilog ang mga mata nito. Nagsisimulang mahintakutan na.

BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Fantasy"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...