Hindi mapakalaki na pabalik-balik si Kiara ng lakad sa silid ng kanyang Lola Doring. Tinitingnan o binabantayan niya muna ang abuela habang hinihintay niya ang dalawang anghel na sundo niya. Ang tagal nila kaya naiinip na siya.
"Akala ko ba ay may mga magic ang mga anghel? Bakit parang nahirapan yata sila na hanapin ang Papa ko? Tsk!" himutok niya.
Mag-iisang oras na kasi pero wala pang bumabalik sa dalawa simula utusan niya ang mga ito kanina. Kinakabahan na siya. Baka naman wala sa langit o impyerno ang kanyang papa.
"Luh, nasaan na kaya ang mga 'yon? Wala ba si Papa sa langit o impyerno kaya hindi na mga nakabalik? Pero nasaan naman kaya si Papa kung wala sa dalawa?" mga tanong niya pa sa sarili.
"Kiara, Sergio, bakit niyo naman ako iniwan?" Heto na naman, nagising na naman ang lola niya.
Napatingin siya sa kawawang matanda. Kawawa talaga ang lola niya. Mahina na ito tapos mag-isa na lang. Her heart was aching so bad. Hindi man halata dahil pasaway siya ay love na love rin niya ang kanyang lola.
"Sorry, Lola." Nilapitan niya ito.
"Kunin niyo na lang ako. Sige na." At parang narinig siya nito na muling nagsalita.
She winced. "Huwag muna, Lola. Dito ka muna kasi baka maging sagabal ka lang sa 'kin sa paghahanap ko kay Papa. Don't worry po dahil sa ayaw at sa gusto mo naman po, eh, malapit ka na ring kunin ni Lord. Pero huwag lang muna ngayon, ha? I love you, Lola."
Pagkasabi niya iyon ay saktong paglitaw na ng dalawang anghel sa likuran niya. Masaya siyang lumingon sa mga ito.
"So, ano'ng balita?" she asked in an excited tone.
Halatang malungkot ang puting anghel na unang sumagot sa kanya. "Patawad pero wala sa paraiso ang iyong ama."
Tuwang-tuwa naman ang itim na anghel. "Sabi ko na sa 'yo, eh. Nando'n siya sa amin."
"Really?" Kiara's smile grew wider, illuminating her face with genuine joy.
"Oo. Eh, nuknukan pala ng sama ang tatay mo, eh.
Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Excuse me! Mabait ang Papa ko!"
"Talaga ba? Eh, bakit kasapi namin siya? Kung mabait siya dapat nasa langit siya, 'di ba?"
Hindi siya nakaalma. Oo nga naman. Pero hindi. Hindi pa rin siya naniniwala na masama ang papa niya. Kailangan pa rin niya itong makausap ng personal para maniwala siya.
"Eh, di sa 'kin ka na sasama?"
"Oo na," paismid niyang sagot.
"Pero, Kiara, mas makakabuti kung sa 'kin ka sasama. Mas mapapabuti ang kalagayan mo sa paraiso. Doo'y hindi ka na maghihirap pa. Hindi ka na malulungkot. Doo'y puros kasiyahan na lamang ang iyong malalasap," apila pa rin ng puting anghel.

BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Fantasy"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...