Part 35

3K 130 4
                                    

"Malapit na ang alas dose. Umuwi ka na. Baka kapag nawala ulit ang memorya mo ay magtaka ka kung bakit ka nandito," masuyong sabi ni Kevin kay Kiara. Paano ay grabe kung makakapit na ito sa kanya. Parang wala na itong balak bumitaw at umuwi.

Wala na. Wala na ang usapan nila na tatanggapin na lang nila kung ano ang mangyayari dahil ito na ang kapalaran nila, na pasalamat na lang nila at pinagbigyan ulit sila ng langit na magkasama kahit papaano. Mukhang sadya na kinalimutan na ni Kiara.

"Ayoko, Kevin." Mas hinigpitan pa ni Kiara ang pagkapit sa braso niya kaysa ang sundin siya.

"Ate Kiara, huwag kang mag-alala kahit bumalik ka na sa bago mong pagkatao ay hindi kami lalayo sa 'yo. Kayo pa rin ni Kuya Kevin anuman ang mangyari. Magtiwala ka sa amin, Ate," sabi rin ni Bubong. Nakabantay rin sila ni Teroy at kasama na si puting anghel na hindi nila nakikita.

Kiara didn't speak. Instead, she nestled closer to Kevin's chest. Ayaw na niya. Binabawi na niya ang usapan. Kung siya lang ang masusunod ay ayaw na niyang mawalay pa kay Kevin.

Napailing na napapabuntong-hininga naman si Kevin. Hinagud-hagod niya ang likod ng nobya tapos ay napasulyap siya sa wall clock.

11:30 na ng gabi.

Kanina, nilibang nila si Kiara sa pamamasyal at ibinilhan ng cake. Pa-advance birthday nila rito dahil naisip nilang baka huling araw na na maaalala sila. Ngunit sa halip na maging masaya si Kiara, lumalim pa ang pangamba nito.

"I-check niyo muna ang mga baboy," utos ni Kevin sa dalawang tauhan upang makapagsarili sila ni Kiara. Muli niya itong kakausapin.

"Kiara, listen to me." Pinilit niyang inihiwalay ang sarili sa dalaga nang sinunod siya nina Teroy at Bubong. Hinawakan niya si Kiara sa magkabilang balikat at matamang tinitigan.

Kiara bit her lower lip. Lumuluha na naman at sisinghot-singhot na nagyuko ng ulo. Ayaw siyang tingnan.

"Makinig ka please at isapuso mo ang sasabihin ko," sumamo niya.

Dahan-dahan ay itinaas na nga nito ang tingin. Nanginginig ang mga labi habang patuloy sa pagtulo ang mga luha na pinakatitigan na siya.

"Kiara, I love you so much," panimula ni Kevin. "I've always been grateful for the precious moments we've shared in the past, and specially now of course. Masuwerte pa rin tayo dahil pinagbigyan tayo ng langit na magmahalan kahit saglit lang na oras o panahon. At sa dami na nating nalagpasan mula noong unang buhay mo, wala ka pa rin bang tiwala sa Diyos?" Ngumiti muna siya at masuyong pinunas ang mga luha ni Kiara bago nagpatuloy sa sinasabi. "Huwag kang mag-alala dahil hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba. Ipinapangako ko na kahit makalimutan mo ulit ako ay sisiguraduhin ko pa rin na tayo ang magkakatuluyan kahit na ano'ng mangyari. Susuyuin kita hangga't magawa mo akong mahalin ulit. Magtiwala ka lang sa akin, Kiara."

Sisinghot-singhot si Kiara nang mag-angat ito ng ulo. "Promise?"

"Promise."

Lalong rumagasa ang mga luha ng dalaga. At ito naman ang napasulyap sa wall clock.

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon