"Nakikita mo ako?" naninigurong tanong ni Kiara sa lalaking Kevin daw ang pangalan.
Sunod-sunod na tango ang itinugon sa kanya ng lalaki.
"Luh ka!" hindi makapaniwala na sambit niya. Dinagsa siya ng madaming katanungan. Paanong nangyari na nakikita siya? Hindi ba't patay na siya? Hindi ba't kaluluwa na siya? Ano'ng nangyari?
Biglang lumitaw si itim na anghel. Tumigil ang lahat sa isang pitik ulit nito sa ere. Ang lalaki na si Kevin ay animo'y naging estatuwa pansamantala. Para syempre hindi nito mga marinig ang mga sasabihin ng anghel na itim.
"Kiara, muli kang naging tao para magawa mo ang misyon mo na gawing kampon ng kasamaan ang mabait na tao," panimulang paliwanag ng itim na anghel.
"Gano'n?" she said, sounding disappointed. Mas gusto niya kasi talaga iyong kaluluwa siya na puwedeng lumusot sa kung saan-saan.
"Pero syempre hiram na katawan lang 'yan. Kapag nagawa mo na ang misyon mo rito sa lupa ay puwede ka nang pumasok sa impyerno at syempre puwede mo nang makausap ang iyong am. At may bonus ka pa pala."
"Anong bonus?" Nagningning ang kanyang mga mata nang pilyang pumasok sa isip niya na baka isang milyon ang bonus niya.
"Gaga, hindi isang milyon. Patay ka na nga mukha ka pa ring pera!" anang itim na anghel na nabasa ang laman ng kanyang isipan. "Ang bonus mo ay bibigyan kita ng kapangyarihan para mas lalo mong magawa ang misyon mo. Ise-share ko sa 'yo ang ibang mga powers ko. Pero dapat gamitin mo lang ito sa masasama."
"Ay, sige. Type ko 'yan!" aniya na nagpapalakpak. Mas natuwa siya dahil mas astig naman iyon kaysa isang milyon.
"Akin na ang kamay mo."
Excited nga niyang iniabot ang kamay niya sa itim na anghel. At nang maglapat ang kanilang mga kamay ay bigla siyang nagkikisay. Paano'y parang may malakas na boltahe ng kuryenteng dumaloy sa kanyang hiram na katawan mula sa katawan ng itim na anghel.
"Phew!" sambit niya nang matapos. Pinagpawisan siya. Para kasi siyang nag-epilepsy.
Ngumisi ang itim na anghel. "So, maiwan na kita?"
"Teka lang. Ano namang mga kapangyarihan ang inilipat mo sa 'kin?"
"Basta malalaman mo na lang sa pagdaan ng mga araw. Babosh!" At naglaho na ang anghel na itim. Kasabay niyon ang pagkilos ng lahat.
"Hi," friendly na bati ni Kiara kay Kevin nang kumilos na rin ang binata.
Nagtataka ulit na napatingin ito sa kanya. Mas tinamisan pa niya ang pagkakangiti.
"Sige na, umalis ka na. Baka madatnan ka pa rito ng tita ko," ang 'di niya inasahan ay pagtataboy sa kanya ni Kevin.
"Huh?"
"Kako ay umalis ka na bago dumating si Tita," ulit ni Kevin. Itinuloy na nito ang paglilinis sa kulungan ng mga baboy. Parang takot na takot.
BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Fantasy"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...