Nagpatuloy pa ang palabas at matamang pinanood naman ni Kiara.
Kagat-kagat niya ang kanyang hintuturo habang nanonood. Kalaunan ay kilala na niya kung sino ang mga mukhang nakikita niya sa lola niya at daddy niya. Sila pala ang unang naging daddy niya at lola niya sa unang naging buhay niya. At 'yong nakita niyang mukha ni Kevin ay mukha pala noon ng Kevin na mahal niya. Noong bata pa lang ito at kasing edad niya.
It was all clear to her now. Naalala na niya ang lahat.
"Kevin..." She tightly closed her eyes, and suddenly her face was wet with tears. Sa isipan na lang niya ipinagpatuloy na pinanood ang kanyang mga alala-ala.
"K-Kiara?" Muli lamang siyang nagmulat ng mata nang isang tinig ang kanyang narinig. Isang pamilyar na tinig. Ngunit napaigtad siya sa gulat at nagtaka dahil bakit puting anghel na ito. Where's itim na anghel?
"Kumusta ka?" kaswal na tanong sa kanya ng puting anghel. "Long time no see."
Maang pa rin siya na nakatitig sa puting anghel.
"Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo ako nakikilala? Ibinalik ko na ang memorya mo, ah?"
Napakurap siya tapos ay tinitigan niya pa lalo ang puting anghel. "I-ikaw si itim na anghel?"
Proud ang hitsurang tumango si puting anghel saka ibinuka ang mabalahibo nitong pakpak na puting-puti. Hindi tulad ng pakpak nito noon na itim na nga, eh, parang nalalagas pa ang mga balahibo. Ngayon ay healthy na ang pakpak nito.
Napangiwi na si Kiara. "Parang binabad ka lang sa zonrox, ah?"
Grabe ang naging ismid ni puting anghel. "Grabe ka naman."
Tinginan sila nang masama.
"Eiiihh!!!" pero mayamaya rin naman ay tili na nila ng sabay at excited na nagyakapan.
"Na-miss kita," sabi niya.
"Na-miss din kita," sabi rin ni puting anghel habang magkayakap sila.
Tuwang-tuwa silang dalawa sa muli nilang pagkikita. Ang pakiramdam na kasi ni Kiara ay siya na ang Kiara noon. Salamat sa tulong ulit ni puting anghel.
"Ano'ng nangyari sa 'yo at naging puting anghel ka?" tanong niya na hindi nawawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi nang maghiwalay sila ng yakap.
"Hay naku, ayun pagkatapos ng echechebalus na iyon ay naglaho tayong dalawa roon sa ospital. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa gitna na ako ng mga katulad kong itim na anghel sa madilim na lugar. Hindi ko alam, eh, nililitis na pala ako," kuwento ni puting anghel. Itinago nito muna ang pakpak nito at umupo sa tabi niya.
"Then?" Hindi na siya makapag-antay sa kuwento.
"Tapos 'yun, pinag-aralan nila ang ginawa ko kasama ka. Napatunayan nila na mas marami akong kabutihan nagawa sa 'yo kaysa tulungan ka sa gagawin mong kasamaan."

BINABASA MO ANG
MAKE HIM BAD
Fantasia"Maghanap ka sa lupa ng mabait na tao at gawin mo siyang masama! Iyon ang misyon mo!" Sa kagustuhan na makausap ang kaluluwa ng kanyang papa ay pinatulan ni Kiara ang ibinigay na misyon sa kanya ni itim na anghel. Hindi naman siya nahirapan dahil a...