Part 19

4.8K 137 14
                                    

"A-ano'ng ibig mong sabihin? Do you mean to say that you're really sick?" tigagal na tanong ni Kiara sa ipinagdadrama ni Kevin kalaunan.

Gusto na raw nitong mamatay? Eh, di wow!

Nang hindi sumagot si Kevin ay ilang minuto muli na nagkatitigan silang dalawa. Hanggang sa naramdaman niyang naiiyak na siya.

Silence means yes. Mukhang may sakit nga sa Kevin.

"May sakit ka nga? Ano'ng sakit mo?" mga katanungan niya pa.

Bigla na lang ngumiti si Kevin at pinisil ang maliit at matangos niyang ilong.

"Aray!" iwas niya.

Natawa rin si Kevin. Balik masigla na ito, pero halatang pinipilit lang.

Busangot naman ang mukha niyang hinampas ito sa balikat. "Huwag mong iwala ang usapan. Ano nga? May sakit ka ba?"

Sumeryoso tapos ngumiti rin naman agad si Kevin. "Wala 'yon. Joke lang 'yon. Kung makapag-alala ka naman kasi sa 'kin ay parang mamamatay na ako, eh, sumakit lang naman ang ulo ko."

"Iyon na nga, eh. Sumakit ang ulo mo at nahimatay ka na naman. Bakit gano'n ka? Aminin mo na sa 'kin. May sakit kang malala, ano?"

"Wala, ah. Gano'n lang talaga ako," pagtanggi pa rin ng binata.

"You're lying." Hindi siya naniniwala.

"Wala nga," ngunit giit ng binata.

"Eh, bakit nga gano'n ka na—" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil inakbayan na siya ni Kevin at iginiya na ng lakad.

Mangiyak-ngiyak siya na nagpatianod. Ewan niya, pero may tumubong kaba na sa dibdib niya para sa totoong kalagayan ng binata. Malakas ang kutob niya na hindi lang nito sinasabi ang totoo nitong kondisyon.

"Huwag ka ngang praning. Wala akong sakit. Ewan ko ba naman kasi sa 'yo, nawalan lang ako ng malay, eh, kung anu-ano na ang ginagawa mo."

"Syempre ako ang girlfriend mo. Mag-aalala ako syempre," pagmamaktol niya.

Pagak na tumawa si Kevin. "Pinapanindigan mo talaga 'yan, ah?"

"Oo naman," walang kagatul-gatol niyang sagot.

"Bakit? Gusto mo bang magka-boyfriend ng katulad ko?"

"Guwapo ka naman, ah?"

"Guwapo pero walang maipagmamalaki sa buhay. Isang kargador lang at tagalinis sa kulungan ng baboy."

"Kahit na. Mabait ka naman. Super bait. Sobrang sipag pa. Okay na 'yon," nakanguso niyang sabi. Aba'y kung totoong boyfriend niya si Kevin ay ipagmamalaki niyang talaga. Ang suwerte na niya kapag ganoon. Walang halong biro.

MAKE HIM BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon